Mas lalong lumamig ang pakikitungo sa akin ni Bryson sa mga araw na dumadaan. Pansin ko na panay ang iwas niya at kung magsalita ay sobrang tipid niya. Hindi katulad noon na panay ang hawak at dikit niya sa akin ay ngayon ay ni hindi man lang niya ako matapunan ng tingin. Nakakalungkot lang sapagkat nasanay akong malambing at mabait sa akin si Bryson. Isa pa sa pinoproblema ko ay ang madalas na pagdadala ni Patricia ng kung ano-anong mga pagkain kay Bryson na ito mismo ang gumawa. Tinatanggap naman iyon ni Bryson at sa harap ko pa mismo niya kinakain. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, kung dapat na ba akong mabahala o kung ano pero boyfriend ko si Bryson, normal lang naman siguro ang magselos ako hindi ba? Kung dati ay panatag akong hindi niya papatulan si Patricia ay ng

