Panay ang sulyap ko kay Bryson na tahimik lamang sa tabi ko. Seryoso ang mga mata niya na nakatutok sa pinapanood. Malayo rin ang distansya namin sa isa't isa. Nasa magkabilaang gilid kami ng sofa habang sa gitna naman ay si Pewi na nakahiga at natutulog na. Kung titingnan ay para kaming mag-asawang nag-aaway. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip kung magiging ganito pa rin ba kami sa hinaharap kapag mag-aaway o magkakatampuan kami. Napailing na lamang ako sa naisip. Napabuga ako ng malalim na hininga. Kanina pa kasi siya gan'yan. Hindi ko alam kung anong problema niya. Kung normal na araw at nasa mood lang siya ngayon ay paniguradong para na siyang linta na nakadikit sa akin at nagsusumiksik sa katawan ko pero hindi… malakas ang pakiramdam ko na may problema pero hindi ko alam kung ano. N

