Maaga akong sinundo ni Bryson pagkatapos ng uwian namin. Habang nasa biyahe ay tulala lamang ako na nakatingin sa labas. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maproseso ng isip ko ang nalaman. Hindi ko alam kung hindi lang talaga siya halata o sadyang manhid lang ako para hindi malaman na may gusto na pala si Patricia kay Bryson. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay naisip kong huwag na lang ituloy na sabihin na kami na ni Bryson. Hindi ko alam pero bigla akong naduwag at ayaw ko rin siyang saktan dahil kaibigan ko siya. Ngunit ayaw ko rin namang itago sa kaniya na kami na ni Bryson. May balak naman akong sabihin sa kaniya ngunit hindi muna ngayon dahil hindi pa ako handa. Hindi ko alam kung maiintindihan niya kung sakaling malaman niya na kami na ni Bryson lalo na't mukhang gustong-gusto niya ta

