"I believe that's my girlfriend you are holding at." Ang malamig na boses ni Bryson ang siyang nagpatigil sa amin. Halatang natigilan si Troy bago kunot-noong tiningnan ako. Bakas ang pagtataka sa mukha niya. Kagat-labing nag-iwas naman ako ng tingin sa kaniya. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya ang totoo. Biglang nablangko ang utak ko sa sobrang kaba. Napabuntong-hininga si Troy nang mapagtanto na wala akong balak magsalita. Humarap siya kay Bryson bago ito seryosong tiningnan. Ang kaninang maaliwalas at masayang ekspresyon ng mukha niya ay napalitan ng kaseryosohan. Tumigas ang ekspresyon sa mukha ni Troy at umigting ang panga niya na animo'y hindi nagustuhan ang presensya at sinabi ni Bryson. "Pare, huwag ka namang magbiro nang gan'yan. Nililigawan ko si Genesis at puma

