Nang lunch na ay nagulat ako nang paglabas ko ay nakita ko si Bryson na nakasandal sa pader sa gilid ng pinto ng classroom namin at mukhang kanina pa naghihintay sa akin. Halos lahat ng estudyante ay nakatingin sa kaniya. Maging ang mga kaklase ko ay ganoon din. Halata ang paghanga sa mga mata nila ngunit nang ibabaling na nila sa akin ang tingin nila ay kulang na lang ay mamatay ako sa kinatatayuan ko sa sobrang talim ng tingin nila sa akin. "Bry…" tawag ko sa kaniya. Mabilis na napaangat siya ng tingin nang marinig ang boses ko. Agad na kumalma ang seryosong mukha niya nang makita ako. "Hey." Napaayos siya ng tayo. Lumapit ako sa kaniya. "Kanina ka pa ba dito?" tanong ko. Umiling siya at kinuha ang gamit na bitbit ko maging ang bag ko bago hinawakan ang kamay ko. He intertwined

