Wahhhhhhh.. Maraming salamat po sa mga patuloy na nagbabasa ng istorya kung ito. Lalo na po sa mga nag vote po.
Enjoy reading guys!!
------------------------cjme----------------------------
CHAPTER 16: CARLO'S CONFESSION
JOSH TAYLOR P. O. V
Maaga akong nagising ngayon kasi monday nanaman ulit. It means pasukan nanaman.
And until now di ko pa rin makalimutan ang mga nangyari nung gumala kami ng enchanted kingdom.
At tuwing naaalala ko yun ay napapangiti ako kasi ang saya saya namin nung araw na yun.
Pagkatapos kong gawin ang morning rituals ko ay bumaba na ako at tinungo ang kusina.
"Good morning po Nay Sita." bati ko kay Nay Sita na abala sa pagluluto.
"Goodmorning din anak. Ang aga mo atang nagising ngayon?" sagot naman nito.
"Maaga din po kasi akong natulog kagabi Nay." sagot ko naman dito.
"O sya maupo ka na dyan. Para makakain ka na." saad naman ni nay Sita saka naghanda ng lutong ulam.
Mamaya na po ako kakain Nay. Sasabay nalang po ako kina kuya. Dun nalang po muna ako sa mrooftop nay." saad ko dito. Since maaga pa naman.
Pagkarating ko sa ala ay naupo muna ako at kinuha ang phone ko at nagtungo sa gallery. Tinitignan ko ang mga kuha namin dun sa EK grabe ang saya saya ko talaga. At the same time kinikilig ako. Lalo na nung nasa Ferris wheel kami nung nagkabalikan kami ni James.. Waahhh grabe talaga ang feelings ko nun. Yung tima na yun na nagkabalikan kami i feel like ang daming butterfly sa tummy ko. Tsaka ang bilis ng t***k ng puso ko at nag slow motion ang lahat. Akala ko nga kami lang ang nag eexist nung time na yun.. Wahhhh grabe talaga.
Mas lalo na nung umuwi na ako.. Grabe di ako nakatulog agad nun lalo na nung hinalikan nya ako ulit. Grabe ang saya saya lang. Waahhhhh kinikilig talaga ako sa tuwing naaalala ko ang mga panahon na yun.
At yun nga simula nung araw na nagkabalikan kami ay mas naging sweet pa ito. Kung dati ay sweet na ito mas naging sweet pa ito. Kaya nga napagkakamalan kaming couple na eh. Dahil sa pinaggagawa nya.
"Hoy princess anong nginingiti ngiti mo dyan? Nababaliw ka na ba?? Tatawag na ba ako sa mental??" dirediretsong saad ng abnormal kong kuya na si Jopeth.
"Good morning too kuya huh." sagot ko in a sarcasm way.
"Ang ganda ng bungad mo kuya. Ako talaga nababaliw.!" saad ko dito with matching turo pa sa sarili ko.
"Eh pano nangingiti kang ikaw lang mag isa." napapakamot ulong sagot nito.
"Kuya porket nangingiting mag isa baliw na agad?? Di ba pweding may naaalala lang na nakakatuwa." sagot ko naman dito.
"Nag aaway nanaman ba kayong dalawa dyan?" singit bigla ni kuya Alex na kakababa palang.
"Good morning kuya... Di po kami ng aaway nitong tsonggo kung kuya." sagot ko dito habang nakangiti.
"Hoy.. hoy.. hoy.. princess sinong tsonggo huh?? Sa gwapo kong to tas magiging tsonggo. No way.." sagot ni kuya sabay pogi action.
"Ayan gwapo?? San banda??" panunukso ko pa dito.
At akmang sasagot pa sana si kuya Jopeth ng biglang sumingit si kuya.
"Magsitigil na kayo sa pagtutuksuhan nyo. Halina kayo at kumain ng di kayo Malate sa klase nyo." seryosong saad nito. Kaya naman dali dali na aking nagtungonsa dining area para kumain.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na kami sa kay Nanay Sita saka mabilis na tinungo ang garage at sumakay na ako sa car ko. Di na ako sumasabay kina kuya kasi ginagamit ko na palagi ang car ko. Maya maya lang ah pinaharurot ko na ito papuntang school.
@SCHOOL
Pagkarating ko ng school ay pinark ko agad ang sasakyan ko. At saktong pagkapark ko ay sya ring pagkapark ng isang napakapamilyar na sasakyan sa kaliwang bahagi kung saan ako nakapark.
Pagkalabas ko ng sasakyan ay sya namang pagkalabas nung nasa pamilyar na sasakyan at amoy palang kilalang kilala ko na ito.
"Good morning babe." bati ng napakapamilyar na tao na nasa likuran ko. Kaya naman di na akong nagdalawang isip pa kaya hinarap ko na ito kahit na medyo nahihiya pa rin ako sa kanya.
Pagkaharap ko dito which is wrong move. Sana di ko nalang sya hinarap.. Waahhhhhhh very wrong talaga na humarap pa ako sa kanya.
Di ko naman alam eh na malapit lang pala yung mukha nya.
"A-ahh eh-ehh go-good mo-morning" nauutal na bati ko dito. Waahhh nakakahiya.. Papa no nagkiss nanaman kami.
Sinabi ng sana do na ako lumingon ehh.. Waahhhh nakakahiya.. Kaya naman bago pa sya magsalita eh nahlakad na ako ng mabilis.
Ngunit sadyang mas mahaba ang mga paa nya kaya naabutan nya ako.
"Josh babe sandali lang.. Ang bilis mk naman maglakad eh." nakangiting sambit no James. Oo so James lang naman po iyong may ari ng sasakyang iyon.
"A-hh e-ehh ba-baka kasi ma-malate na ta-tayo." Nauutal na saad ko dito. Papa no nakakahiya hung nangyari kanina.
"And ka ba Josh ang again pa kaya. Tsaka bat namumula at nauutal ka." Nakangiting salad ng mokong na to.
Ehhh ako ba pinagloloko ng isang to. Hmmmm.. Tsee kagagawan mk lang naman king bat nauutal at namumula ako eh..
"Wa-wala ahh.. Suge pasok na ako." Salad no dito at akmang aalis na ng mahawakan nya ang kamay ko.
"Saglit lang Josh. Nagmamadali ka ba dahil dun sa halik nangyari?" Diretsang taking into habang seryosong nakatingin sa akin.
"Huh? Hindi ahh. Ayoko lang talaga ma late sa klase natin." pagsisinungaling ko dito. Pero ang totoo gusto ko talagang umiwas sa kanya. Kasi pang tatlong beses na yung nagkabalikan kami. At baka mamaya di ko na mapigilan ang sarili ko at masabi ko sa kanya ang mga hindi dapat sabihin eh.
"Kung ganun bat nagmamadali ka? Dont tell me affected ka dun sa halik?" saad naman nito na ikinabigla ko.
Eh talaga namang affected ako sa halik na yun kasi mahal kitang gago.
Yan sana ang gusto kong sabihin eh pero hindi pwedi.
"Huh?? Ako affected?? Hindi ahh.. Alam ko namang wala lang yung halik na yun diba??" pagsisinungaling ko ulit dito. Pero deep inside sobra akong naapektuhan ng halik na yun. At hanggang ngayon ang bilis pa rin ng t***k ng puso ko.
"Kung ganun sabay na tayong pumasok." nakangiting saad pa nya..
Waahh gusto ko nga syang iwasan. Makikisabay pa sya.. Huhuhuu.
"Yeahh sige sanay na tayo." nag aalanganing saad ko dito. My god this guys is torturing me.
"Tara na." saad pa nito sabay kuha ng bag ko.
"Ako na magdadala nito para sayo." dugtong pa nito at sabay na kaming naglakad papunta sa building namin habang nakaakbay sya sa akin. Kaya naman bawat estudyante na nadadaanan namin at napaptingin sa amin.
---------++---------
THIRD PERSON P. O. V
Pagkaalis na pagkaalis nina James at Josh sa parking lot ay sya ring paglabas ng isang binata sa kanyang pinagtataguan. At bakas dito ang sakit na nararamdaman sa nasaksihan nito.
"Sila na ba?? Bat ang sweet nila?? Nahuli na ba ako?" wala sa sariling tanung ng binata habang nakatanaw sa dalawang kakaalis lang.
"Hmmm kung di ka pa kikilos. Tyak na mahuhuli ka talaga. Kung ako kasi sayo aaminin ko na ang nararamdaman ko para di ka na masaktan." singit naman ng kasama nito na naging dahilan para bumalik ang binata sa ulirat nito.
"Wag na siguro. Kasi tiyak na sila naman eh. Tsaka ayoko masira ang pagkakaibigan namin ni Josh. At natatakot akong mareject. Ayoko nun. Di ko kakayanin yun." sagot naman nito habang nakayuko.
"Ano ka ba?? Di ka pa sure kung sila na ba. Malay mo hindi pa sila so may laban ka pa. Kaya kung ako sayo gumawa ka na ng paraan. O di kaya ay sabihin mo na ang nararamdaman mo sa kanya. Baka malay mo may chance naman pala." sagot naman ng kasama nito.
"Tama ka. Pero di ko alam kung ano gagawin ko eh. Natatakot talaga ako. Natotorpe talaga ako pagdating sa kanya. Kasi feeling ko ang hirap nyang abutin. His perfect for me. Maputi, maganda, sexy, mabait, masipag, talented, mayaman, at higit sa lahat ay matalino." sagot naman ng binata sa kasama nito.
"Ano ka ba? Wala namang pamantayan sa pag ibig eh. Kaya gawin ko kung ano ang dapat. Sige na kuya alis na ako baka malate pa ako. Basta ito lang masasabi ko. Umamin ka na kay Josh malay mo may laban ka pa." sagot nito sa kuya nya sabay alis.
Kaya naman napaisip isip ang binata na tama ang sinambit ng kapatid nito.
"Okay this is it. Its now or never." nakangiting saad nito sa sarili ng mapagtanto nitong tama ang lahat ng payo ng kapatid nito. At napaisip isip ng binata ng kung magpapakatorpe sya ay baka tuluyan na talaga syang matalo. Kaya naman umalis na ito sa kinatatayuan nito at mabilis na nag tungo papunta sa kanyang room habang nakangiti.
Habang si Josh naman at James ay naglalakad sa hallway habang nakaakbay si James kay Josh. Kaya naman lahat ng madadaanan nila ay napapatingin at napapalingon sa kanila sabay bulong bukungan na kung anu ano.
Hanggang sa pumasok na ang dalawa sa room nila na nakaakbay pa rin kay Josh si James kaya naman naging tampulan sila ng tuksuhan pagkaupo nial sa kanilang upuan.
Natigil alang ang tuksuhan ng mga ito ng pumasok na ang guro nila para sa unang klase. Hanggang sa matapos ang klase nito at sunod sunod na ang mga klase nila.
Hanggang sa sumapit na ang lunch break nila. Kaya naman lumabas na ang anim at nagtungo sa cafeteria.
At habang naglalakad silang anim sa hallway ay panay harutan nila habang nakaakbay si James kay Josh at nakapulupot naman ang kamay ni Josh sa bewang ng binata. Kaya naman agaw atensyon talaga sila. At lahat ng madadaanan nila ay napapatingin at napapalingon sila sabay bulung bulungan pa. Kasi naman kung di ka kasali sa grupo nila eh mapagkakamalan talagang magayota ang anim kasi ang sweet nilang tiignan habang naghaharutan.
Samantalang may isang binata na nakatanaw lamang sa kanilang anim na masayang naglalakad habang naghaharutan habang sya ay malapit ng maiyak sa sakit na nararamdaman nito.
Sapagkat parang tinutusok ng libo libong punyal ang dibdib nito sa nakikitang kasweetan ng kanyang pinakamamahal at ng lalaking kasama nito.
"Oh ano kuya hanggang tingin ka nalang ba?" biglang saad ng kakadating na nakababatang kapatid nito. Ngunit di ito sumagot at naglakad nalang ito ng nakayoko.
Nagpatuloy lang ang binata sa paglalakad patungo sa cafeteria kasama ang kapatid nito. At di nya namalayan na nakapasok na sila sa cafeteria sapagkat lumilipad ang isip nito.
"Ui Carlo dito." biglang saad ni Josh ng makita sya nitong naglalakad na wala sa sarili.
Ngunit dali daling lumabas ng cafeteria si Carlos. Kaya naman nagulat ang mga kaibigan nito. Sapagkat di man lang ito tumingin sa kanila.
"Anyari dun?" biglang tanung ni Josh.
Maya maya lang ay dumating na si Brylle sa kinaroroonan nina Josh.
"Ui Brylle musta??" biglang tanung ni Lewis dito.
"Okay lang naman po." nakangiting sagot naman nito.
"Ahmm Brylle may problema ba ang kuya mo??" biglang tanung ni Josh.
"Ewan po. Di naman po sya nag oopen up sa akin eh." sagot naman ni Brylle pero di nila alam na alam talaga ni Brylle ang problema ng kuya nya.
"Ganun ba! Bigla bigla nalang kasing di namamansin." malungkot na saad ni Lewis.
"Tsaka napapansin ko parang hmiiwas sya." dugtong pa nito.
"Hayaan nalang po natin baka may problema lang si kuya." sagot naman ni Brylle dito.
Kaya naman kumain na ulit sila at pagkatapos ay bumalik na sila sa room nila hanggang sa mag uwian na ay di pa rin nila nakakasama si Carlo. At napagtanto talaga ni Josh na umiiwas nga si Carlo sa kanila.
Hanggang sa lumipas ang ilang araw na patuloy pa rin sa pag iwas si Carlo sa mga kaibigan nito. At patuloy din ang pagiging sweet lalo nina Josh at James.
-------++++------
CARLO POV
Ilang araw na ang lumipas at heto patuloy pa rin ako sa pag iwas sa kanila at palaging nakatanaw sa malayo.
Nasasaktana ko palagk sa nakikita ko. Wala kasi akong lakas ng loob ng magsabi ng nararamdaman ko.
Andito ako ngayon sa rooftop nag iisa habang lumuluha at nasasaktan.
"Oh ano kuya kaya mo pa ba?? Hanggang iyak ka nalang ba?? Sinabi ko naman kasi sayo na umamin ka na. Pero ano. Wala ka man lang ginawa." biglang saad ng nakarating na kapatid ko.
"Di mo alam kung gaano kahirap magtapat Brylle. Ang sakit sakit na makitang masaya sya sa piling ng iba. Pero anong magagawa ko eh sa natatakot ako. Natatakot na baka mareject ako. Natatakot na baka iwasan nya ako pag nalaman nyang mahal ko sya." umiiyak na sagot ko dito.
Totoo naman kasi na natatakot akong lumayo sya sa akin.
"At sa tingin mo kuya sa ginagawa mo ngayon ay hindi sya unti unting nalalayo sayo? Kuya ikaw lang naman ang nagpapahirap sa sarili mo eh. Oo alam kung mahirap umamin sa taong mahal mo. Pero kung ako sayo aamin na ako kasi malay natin may pag asa pala. At saka sa pagkakakilala ko kay Josh eh di ka naman iiwasan njn pag nalaman nyang may nararamdaman ka dun. Di naman kasi yun manhid kuya." malakas na sambit nito.
"Di ko alam Brylle. Di ko alam." naguguluhang sambit ko dito.
"Bahala ka kuya. Ikaw na nga tong Pinapayuhan ikaw pa tong ayaw. Basta wag mong pagsisihan kung maangkin sya ng iba ng di ka man lang lumaban kuya. Bahala ka na nga dyan." galit na sambit nito at mabilis na umalis sa kinaroroonan ko.
Dapat ko pa bang aminin ka kanya ang nararamdaman ko? Kung aamin ba ako sa kanya iiwasan nya kaya ako.
Haysst tama si Brylle di ko masasagot lahat ng tanung ko kung di ko susubukan. Papano ko makukuha ang sagot kong di ako aamin.
Haystt i should do this. Di bale na kung ano ang mangyari. Para ikakapanatag ng loob ko. At para sa kalayaan ng hinanakit ko. Aaminin ko na ang nararamdaman ko sa kanya. Kasi ang hirap ng magtago at magpogil ng nararamdaman.
Kaya aman dali dali akong bumaba at naglakad papuntang rokm nina Josh baka sakaling andun sya ngayon.
Makaraan ang ilang minuto at pagkatapos ng ilang liko at lakad ay narating ko din ang classroom nina Josh at sakto naman andun si Josh kasama ang tropa. At sakto namang may papasok na isang kaklase ni Josh kaya nilapitan ko ito.
"Excuse me. Pwedi makisuyo." saad ko dito.
"Yeah sure.. Ano po yun." sagot nito.
"Ahmm pwedi pakitawag po kay Josh. Pakisabi po na gusto syang makausap ni Carlk sandali." sagot ko dito. Saka ito pumasok at lumapit kay Josh.
Maya maya lang ay nakikita ko na itong tumingin sa akin kaya naman nginitian ko ito. At tumayo ito saka naglakad papalabas. Habang nakatanaw ang tropa sa kanya.
"Oh Carlo may sasabihin ka raw?" nakangiting saad nito sa akin.
"Ahh yeah yeah.. May sasabihin lang ako." sagot ko naman dito.
"Ahmm may lakad ka ba mamayang uwian?" dugtong ko pa dito.
"Ahmm wala naman. Diretso na ako uwi mamaya." sagot naman nito.
"Ahmm pwedi ka ba pumunta mamaya sa rooftop may importante lang akong sasabihin." saad ko naman.
"Ahmm ganun ba?? Di ba popweding ngayon mo na sabihin." seryosong sagot nito.
"Ahmm gusto ko kasi yung tayong dalawa lang at importante kasi masyado." kinakabahang saad ko dito.
"Yeahh sige sige pupunta ako mamaya." sagot nito na ikinatuwa ko.
"O sya sige. Salamat.. Sige yun lang sasabihin ko. Kita nalang tayo mamaya sa rooftop." nakangiting saad ko naman na tinanguan lang nito at naglakad papasok sa room nila.
Ako naman ay masayang nagtungonsa parking lot. Kailangan kong lumabas ng school at bumili ng mga gagamitin kong set up sa rooftop mamaya.
-------++--
JOSH TAYLOR POV
Ilang araw na ang lumipas pero patuloy pa rin sa pag iwas si Carlo sa amin. Kaya naman nababagabag na ako. May problema ba sya kaya sya umiiwas. Pero sana sinabihan nya man lang kami kung may problema sya. Papano pa at kaibigan nya kami.
"Ui beks tulala ka dyan." biglang saad ni Lewis sabay tapik sa akin na ikinabalik ng ulirat ko.
"Huh? Ah eeh wala wala.. May mga iniisip lang ako." palusot ko dito.
"At ano naman daw aber ang mga iniisip kong bakla ka." singit naman ni Ivy.
"Ahmm wala lang. Mga bagay bagay lang at ngayong papalapit na end of first quarter." pagsisinungaling ko dito. Pero totoo naman na malapit na ang end of first quarter kaya naman paspasan kami sa paglelecture. Tas after the first quarter ay intrams at foundation day na namin. Magiging busy nanaman kami.
Habang nag uusap kami ay may biglang lumapit sa amin na kaklase ko.
"Josh excuse muna huh. May naghahanap kasi sayo Carlo daw ang pangalan." saad nito.
"Ahmm bakit daw." sagot ko naman kay steph.
"Ahmm may sasabihin daw sayo." sagot naman nito sabay alis at tumungonsa upuan nito. Kaya naman tumingin ako sa labas at sakto namang nakita ko dun si Carlo kaya nginitian ko ito.
"Excuse lang guys huh labas lang ako. Mag uusap muna kami ni Carlo." pamamalam ko sa tropa.
"Bakit daw?" biglang saad ni James.
"Ewan." sagot ko dito. Sabay lakad papalabas.
At nung nakalabas na ako ay tinungo ko ang kinaroroonan nito.
"Oh Carlo may sasabihin ka raw?" saad ko dito pagkalapit ko.
"Ahh yeah yeah.. May sasabihin lang ako." kinakabahang sagot naman nito habang pinagpapawisan pa ang noo.
"Ahmm may lakad ka ba mamayang uwian?" dugtong pa nito.
"Ahmm wala naman. Diretso na ako uwi mamaya." sagot ko dito. Which is true kasi wala naman talagang lakad ang tropa mamaya.
"Ahmm pwedi ka ba pumunta mamaya sa rooftop may importante lang akong sasabihin."kinakabahang saad nito na ipinagtaka ko. Bakit ano gagawin ko sa rooftop. Kung may sasabihin sya kelangan talaga sa rooftop.
"Ahmm ganun ba?? Di ba popweding ngayon mo na sabihin." saad ko dito. Kasi naman bat kailangan sa rooftop pa.
"Ahmm gusto ko kasi yung tayong dalawa lang at importante kasi masyado." sagot naman nito na halatang kinabahan lalo. Ganun ba yun kaimportante at kelangan kami lang dalawa.
"Yeahh sige sige pupunta ako mamaya." pagpayag ko dito. Baka kasi may problema talaga to.
"O sya sige. Salamat.. Sige yun lang sasabihin ko. Kita nalang tayo mamaya sa rooftop." saad pa nito. Kaya naman tumalikod na ako at pumasok sa classroom namin.
At pagkapasok ko ay inulan na ako ng tanung ng barkada at sinagot ko naman sila.
Hanggangbsa lumipas ang oras at uwian na.
"Ahmm guys jna na kayo. May dadaanan pa ako sa opisina eh." sagot ko dito na tinanguan lang nila. Kaya sabay sabay kaming lumabas ng classrom at naghiwalay lang kami ng saad pagkalabas na namin sa building namin. Kasi sila papuntang parking lot ako naman pupunta pang rooftop.
Kaya naman pagkawala nila sa aking paningin ay dali daling akong nagtungo sa rooftop na parang kinakabahan na iwan.
Pagkarating ko dun ay binuksan ko agad ang pinto at natulala ako sa aking nadatnan.
Kasi ang ganda ng pagkakadecorate at pagkakaset up ng rooftop. Kaya naglakad na ako dito hanggang sa nakarating ako sa gitna kung saan may dalawang upuan at may mesa dun.
Habang nakatulala ako sa aking nakikita ay may narinig akong strum ng gitara kaya hinarap ko ito.
"Mula ng makilala ka
Buhay ko'y biglang nag-iba
Kay saya ng bawat sandali
Kailanma'y hindi ipagpapalit"
Pag umpisa ni Carlo sa pagkanta. Shiit ang gwapo nya.. At ang sarap ng boses nya.
Ikaw ang aking hiniling
Sa habang buhay ay makapiling Ngunit mahal ikaw ay nasaan
Aking minimithi at ikaw lamang
Haysst puno ng emosyong pagkanta nya..
Ikaw ang aking pangarap
Ikaw ang sagot sa 'king dasal
Puso ko ay inaalay
'Pagkat minamahal kitang tunay
Patuloy nito sa pagkanta na puno ng emosyon at pagmamahal. At bawat lyrics ng kanta ay nakakatouch.
Ikaw ang aking pag-ibig
Ang nagbibigay kulay sa aking daigdig
Wala nang nanaisin pa
Kung magpakailanman ay kasama ka
Pagpapatuloy pa nito habang naglalakad papalapit sa akin. At kitang kita ko sa mga mata nito ang emosyon nya at nararamdaman nya.
Ngunit mahal ikaw at nasaan
Aking minimithi at ikaw lamang Ikaw Lamang...
Ikaw ang aking pangarap
Ikaw ang sagot sa 'king dasal
Puso ko ay inaalay
'Pagkat minamahal kitang tunay
Patuloy lamang sya sa kanyang pag awit ng nakalapit na ito sa akin ay hinawakan nito ang aking kamay kaya naman di ko na napigilan ang aking emosyon at dumaloy na ang aking luhang kanina ko pa pinipigilan.
Ikaw ang aking pag-ibig
Ang nagbibigay kulay sa 'king daigdig Wala nang nanaisin pa
Kung magpakailanman ay kasama ka Ikaw ang pangarap
Hindi ako manhid para hindi malaman na walang nararamdaman sa akin si Carlo. Oo aaminin ko kinikilig ako pero di ko alam kung may nararamdaman din ba ako sa kanya.
Ikaw ang pangarap...
Pagtatapos nito sa pag awit sabay ngiti sa akin.
"Shhhh tahan na wag ka na umiyak." pagpapatahan nito sa akin.
"Ikaw kasi eh may pakanta kanta ka pang nalalaman." saad ko dito.
"Shhh tahan lika upo na muna tayo at kumain. Saka tayo mag usap." saad naman nito at inalalayan akong umupo.
Pagkaraan ng ilang minuto ay natapos din kami sa pagkain.
"Carlo salamat dito huh." nakangiting saad ko dito. Para mabasag ang katahimikan sa pagitan namin.
"Ahmm wala yun. Nga pala may aaminin sana ako sayo." kinakabahang saad nito. Pati ako ay kinakabahan na din. At ang bilis na ng t***k ng puso ko dahil sa kaba.
"Ahmm ganito kasi yun. Josh i Like you.. No no.. Mahal na kita Josh. Di ko alam kung papano at kelan. Basta nagising nalang ako na hinahanap hanap na kita. At bawat araw na magkasama tayo ay napapasaya mo ako. Kahit makita lang kita buo na ang araw ko." dire diretsong saad nito na ikinatulala ko. At nagbabadya nanamang tumulo ang luha ko.
"Carlo bakit ako? Bakit hindi sa isang tunay na babae?" sambit ko dito habang nagpipigil ng emosyon.
"Bakit hindi?? Your greater that any girls out there Josh. Hindi ka man tunay na babae pero mas higit ka pa sa tunay na babae. Your beautiful, sexy, talented, mabait, masipag, mapagmahal, masayahin, at matalino. Your every mans dream Josh kasi your perfect." mahabang saad nito na ikinatulo na ulit ng luha ko.
Lord ano ba ang nagawa ko at ganito ang mga binigay mo sa akin. I dont deserve him. Bakla ako. Hindi ako tunay na babae.
"But--
"No buts Josh. And please dont question my love for you. Kasi alam ko sa sarili ko at sigurado ako sa nararamdaman ko. Kaya please let me court you." pamumutol nito sa sasabihin ko. Na ikinabigla at ikinatulala ko mismo.
"Di ko alam Carlo. I dont know what to say. Hindi ako sanay sa ganito. Oo araw araw may mga nagpaparamdam ng pagka interest sa akin. Pero di ko alam na ganito pala." naiiyak na sagot ko.
"Shhh dont worry im willing to wait. Kasi mahal kita kaya handa akong maghintay. Pero di mo ko mapipigilan sa panliligaw ko sayo either you like it or not." sagot naman nito. Kaya speechless talaga ako.
"At saka hindi naman ako humihingi ng permiso mo para ligawan ka. Kasi sinasabihan lang kita para aware ka. Kasi kahit na di ka pumayag manliligaw at manliligaw pa rin ako sayo." dugtong pa nito.
"Ahmm ikaw bahala. Anyway ano nag udyok sayo para umamin. I know from the start that you have something on me." saad ko dito.
"Ahmm actually natotorpe talaga ako. But i realize na wala akong mapapala kung magpapakatorpe ako kaya naman ito naglakas loob na akong umamin sayo." sagot naman nito sa akin.
At nagpatuloy lang kami sa pag uusap hanggang sa umuwi na kami sa kanya kanya naming bahay.
-------+++---
SOMEONE POV
"Oh pano yan tol naunahan ka na sa pag amin nyan." singit ng isa kong kaibigan.
"Oo nga tol baka mamaya maunahan ka sa pag angkin kay Josh." dugtong naman ng isa ngunit nanatili lang akong tahimik habang nanunuod sa kanilang nag uusap.
"Ano tol magsalita ka naman. Wala ka man lang bang gagawin." dagdag pa ng kaibigan ko.
"Hahayaan ko muna sya. Aamin din naman ako pero di muna ngayon. Maghahanap muna ako ng tamang timing." saad ko sa kanila.
"Ikaw bahala tol. Basta sayo kami nakasuporta." saad naman nila.
"Tara alis na tayo." saad ko kaya bumaba na kami at nagtungo sa sasakyan namin.
Dont worry babe soon magiging akin ka rin. Hindi ako papayag na may ibang aangkin sayo. Kasi simula palang ng makita kita akin ka na.
Kaya hahayaan ko muna sya na manligaw sayo. Hahanap pa ako ng tamang timing. At sisiguraduhin ko na pag ako na ang kumilos tiyak na mapapasaakin ka na.
Dahil akin ka babe.. Akin ka lang.
----------------------cjme----------------------------
Wahh ayan po nakapag update nanaman ako.
Hehehe ako na kaya mangyayari ngayong umamin na si Carlo? Hehehehe
Keep on reading guys!!
And please dont forget to vote..
Anyway ngayon palang po humihingi na ako ng tawad. Sapagkat medyo matatagalan ang pag update ko. Kasi nagloloko ang w*****d ko po...
Hope you understand guys!!
©CasseopiaJaneMinneaE