CHAPTER 15: FIRST GROUP DATE (EK ESCAPED)

3321 Words
Thank you po kay HermosaJolous at kay himesama2017 sa pagbabasa at sa pag vote ng story ko. At sa iba pang nag vote at nagbasa maraming salamat po. Keep on reading guys.. ------------------------cjme-------------------------- CHAPTER 15: FIRST GROUP DATE (EK ESCAPED) JOSH P. O. V Simula nung araw na nagkaayos kami ni James eh mas naging sweet na ito at palaging nakadikit sa akin. Halos hindi na ito mahiwalay pan sa akin. Syempre ako naman di mapakali kasi kapag nakadikit ko sya ang puso ko naghuhurumintado pero habang dumadaan ang araw eh nasasanay na ako. Andyan nga yung sya magdadala ng bag ko. Yung hihintayin nya ako sa gate para sabay kami pumasok. Minsan bibigyan ako ng bulaklak daig pa nya ang manliligaw sa mga aksyon nya. At ito pa nakakaloka din. Kasi isa pa din tong si Carlo kasi ayaw din paawat sa kasweetan nya. Syempre ako naman bilang pinagpalang bakla kilig na kilig na halos maihi na sa panty ko. Kasi naman g sweet nila sa akin kaya ako kinikilig eh... Anyway highway. Fridah na ngayon at andito kami ngayon sa cafeteria nakatambay kasi lunch time na tsaka tsaka may pag uusapan pa kami para sa kung saan kami gagala bukas. Kaso nakakalungkot lang kasi kulang kami ngayon. Wala kasi si Carlo at Brylle at ang sabi may pinuntahan sila kasama ang dad nila. So it means di sya makakasama bukas. At ayun nga nakabalik na ang boys sa pag oorder ng foods. Pero kulang pa rin kami kasi hanggang ngayon di pa rin makakabalik si Lewis mula sa cr. Naku yung baklang yun ang landi talaga. Ano nanaman kaya ang pinaggagawa nun sa cr. Maya maya lang ay nakabalik na ito na humahangos at pawisan. "Oh bakla ano nanaman pinaggagawa Mk sa cr at hangos na hangos ka dyan." pag iintriga ko sa malanding to. "Correct bes.. Tsaka pawisan ka pa. Siguro may ka tsuktsukan ka nanaman din ano." dugtong naman ni Ivy. "Hoy mga baklang malalanding tunay pwedi ba wag kayong green minded. Jumingle lang po ako. Pahinga nga tubig nauuhaw ako eh." hinihingal na saad nito sabay lagok ng isang basong tubig at saka umupo. "Oh ano na nga bat natagalan ka??" saad naman ni Ivy. "Okay ganito kasi yun.... Nung palabas na ako ng cr may biglang Hinablot sa akin at dinala ako sa may stockroom. " saad nito. "Tapos ano ginawa nyo dun??" intrigang tanung ni Jeff. "Asus hubby wag mo ko iniintriga. Patapusin nyo muna ako. Ayun shock na shock ang aking beauty kasi naman bigla bigla nalang ako Hinablot at akala ko Adan ang humila yun pala eva ang humila sa akin." saad naman nito. "Oh tapos??" ganung naman ni Anthony. "Patapusin nyo muna kasi ako." angal nito. "Wag mo kasi kaming bitinin. Paputol putol ka kasi eh." saad ko naman sa baklang to. "Okay ito na.. Ayun nga akala ko kung ano ang gagawin nya. Yun pala may pinarinig lang syang record sa phone nya. And guess what kung sino??" seryosong pakwento nito. "Sino??" curious na tanung namin. "Edi sino pa.. Ang number one na kontrabida sa buhay mo Josh.. Edi si Nicole??" kwento naman nito. "Oh anong meron kay Nicole?" bored kong tanung dito. Ayaw ko kasi pag usapan ang mga taong walang kwenta. "Ito na nga.. Chill lang.. And base sa narinig ko. Diba you said na dahil nagalit si James sayo dahil dun sa narinig nyang usap usap tungkol sa inyu ni Carlo." saad pa nito na tinguan naman namin. "Ano naman ang connect ni Nicole doon.. Ang labo mo talaga." saad naman ni Ivy. "Tsee manahimik ka nga dyan.. Ito na nga kasi.. Yung mga estudyante na yun pala ay inutusan ni Nicole na mag usap usap kunwari tungkol sa inyu ni Carlo para mag away kayo ni James." bunyag nito na ikinatulala namin. Whaaattt??  Sya pala ang may pakana nun kaya kami nagkaaway ni James... Wahhh bruha talaga yung babaing yun.. Ang sarap patulan at tirisin eh.. "Huh ehh papano??" naguguluhang tanung ni Anthony?? "Inutusan nga raw ni Nicole yung mga estudyanting yun para pag awayin si James at Josh kasi yun yung plano nya. Alam nya kasi na dun ang malapit na daanan papuntang building natin. Kaya nung napadaan si James doon sakto yun ang narinig nya." pag eexplain naman ni Lewis. At ngayon mas maliwanang na sa akin ang lahat. Napakawalang hiya talaga nung babaing yun. "Grabe naman yung babaing yun. Napaka sama nya naman. Ganun sya kaobsessed kay James para magawa yun." naiinis na saad ni Ivy. "Well ganun talaga kapag sobra mong mahal ang isang tao kahit na mali para sayo tama para lang makuha mo yung taong mahal mo." biglang saad ni Jeff. "Grabe namang pagmamahal yan. Kahit na nakakasakit ka na ng ibang tao sige ka parin. Naku naku wag lang sya magpapakita sa akin at baka makalbo ko yung babaing yun." nanggagalaiting saad ni Lewis. "Girlss hayaan nyo na. Pabayaan nyo na lang yan. Ang importante ay nagkabati na kami ng babe ko." nakangiting saad ni James sabay akbay sa akin. Na ikinainit ng pisnge ko. "Awiiiee kinikilig ang baklang malandi. Hahahaha ikaw na ang malanding tunay beks." pang aasar ni Lewis sa akin. "Tsee manahimik ka beks. Kasi kung may malandi man dito kayo lang yun." depensa ko naman. "Naku naku idamay ba naman ako sa pagkamalandi nyo." sagot naman ni Ivy. "Naku naku beks wag ma nga. Kasi malandi ka ring tunay eh. May pa man hater man hater ka pang nalalaman tapos yun pala magjowa na kayong dalawa." pang aasar naman ni Leiws kay Ivy na ikinapula ng mukhang nitong malanding to. Naku naku. "Tsee!! Di ko jowa yan no." namumulang pagtanghi naman nitong malanding si Ivy. "Girls, girls, girls, chillax. Ginigisa nyo naman ang myloves ko eh." biglang singit ng nakangiting si Anthony na ikinapula lalo ni Ivy. "Tsee manahimik ka nga dyan. At tsaka myloves ko mukha mo." saad naman ni Ivy. "Myloves naman. Ako pa aawayin moeh ikaw na nga ipinagtanggol ko eh." parang batang saad ni Anthony. "Aus asus namumula ka beks.. Wahhh kinikilig ang malanding si Ivy. Hahahaha grabe ang man hater ng campus kinikilig." pang aasar ni Lewis kay Ivy. "Hoy Lewis hindi ako kinikilig. Sadyang ganito lang talaga ang pagmumukha ko. I am born with red chicks kaya namumula yan." palusot na saad ni Ivy. "Asus asus beks mga palusot mo." natatawang saad ko dito. "Babe wag mo ng tuksuhin kita munang namumula na yang si Ivy eh." biglang singit ni James na nasa tabi ko. "Ayun oh dumadamoves si James." biglang sigaw ni Jeff. "Dapat lang noh para hindi maunahan." nakangiting sagot naman nito na ikinakilig ko. Grabe mga beks nakakakilig talaga tong si babe ko. Oo babe ko kasi akin sya. Akin lang sya. "Uyyy kinikilig na yan si Josh." pang aasar naman ni Jeff sa kin. "Ayun malandi ka talagang tunay beks hahahaha." dugtong naman ni Lewis. "Uy.. Uy hindi ako malandi sadyang mas maganda lang ako sa inyu ano." taas noong sagot ko naman. "Wow grabe beks huh humaba lang ang buhok mo naging Mahangin ka na huh. Porke ba may babe ka na." saad naman ni Ivy. "Bakit inggit kayo kung may babe na ako huh??" sagot ko naman. "Ayun oh sa wakas binata ka na tol." saad naman ni Anthony sabay tawanan sila. "Gago ginawa mo naman akong bata. Matagal na akong binata uy." nakangiting sagot naman ni babe ko. Hehehehe ayan huh akin lang sya. Marami pa kaming ginawang kagagujan dito ka cafeteria. Puro tawanan,harutan at tuksuhan kami. Kaya heto kami masayang nag tatawanan dito sa cafeteria. Kami nga ang pinakaingay sa ngayon at lahat ng estudyante sa amin na nakatingin pero wala pa rin kaming paki alam sa kanila. Ngunit sa gitna ng kasiyaan namin may mga tao talaga napaka insecure at mga inggitera. "Well, well, well nagkakasiyahan ata ang mga malalanding bakla dito." biglang saad ni Nicole. "Hay naku mga desperadang bakla nga naman oh. Gagawin lahat para lang makapang agaw ng lalaki." dugtong pa nito. "Well sis ano pa ba ang aasahan mo sa isang bakla eh ganun naman talaga g mga ugali ng mga yan." dugtong naman nung Cristy isa sa mga kasama nya. Pero kami nagtitimpi pa rin. Konting timpi nalang isa pa isa pang pangungutya diba makikita nyo talaga ang hinahanap nyo. "Yeah sis your right. Ganyan naman talaga sila. Mga malalanding tunay. Mga hayok sa lalaki at higit sa lahat mga mang aagaw yan sila."dugtong naman nung si Jessy. At talagang hindi kami titigilan pwes makikita nyo ang hinahanap nyo. At akmang tatayo ako para harapin sila ng may biglang lumipad na cake at saktong tumama ito sa mukha ni Jessy. "Oppsss sorry ang likot talaga ng kamay ko. Akala ko kasi tapunan ng mga nabubulok na food eh." nakangiting saad ni Lewis. Oh ayan edi nakita nyo hinahanap nyo. "Waahh how dare you fag??  Wala kang karapatang gawin yun sa akin. Huhhhuhu my beautiful dress." pag aatungal nito. At akmang susulong na ang kakambal nito ng nabigla ito sapagkat may biglang nabuhos na choco drink sa ulo nito. "Oppss im so sorry napaka clumsy ko talaga. Sorry talaga di ko talaga sinasadya." nakangiting saad naman ni Ivy. Ayan ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. "Waahh you fag."galit na sigaw ni Cristh at akmang sasampalin nito si Ivy ngunit naunahan na ito ni Ivy. "Oppss." mapang asar na react ni Ivy. "Sorry ang bagal mo kasi eh ayan naunahan pa tuloy kita." nalang asar na dugtong pa nito na mas ikinagalit lalo ni Cristy habang si Nicole ay namumula na sa galit. "Ano nanaman ba ito Nicole?" biglang pagsingit ni James sa gulo. Habang ang mga kaibigan nito ay nakatayo naman sa gilid ng dalawa kong bestfriend. "Babe... Gumaganti lang naman kami eh." sagot naman ni Nicole. Gumaganti??  Baliw ba sya. Eh wala naman kaming ginawa sa kanila? "Gumaganti??  Anong gumaganti huh??  Ano ba ang ginawa nila sa inyu para gantihan nyo??" galit na saad ni Jeff. "Kasi inaagaw nila kayo sa amin. Lalo ka na James inaagaw ka ng malanding baklang to. Kagaya nalang ng ginawa nyang eksena kaninang umaga. For sure binayaran nya ang mga estudyante na nagbibigay ng bulaklak sa kanya. At siguro tinakot ka nyan para kausapin ka nya." sagot naman ni Nicole na ikinaiinit ng ulo ko. Like what the f**k??  Ako magbabayad ng estudyante para gawin yun. "Excuse me lang huh. Para sabihin ko sayo Nicole. Hindi ako ganyan ka despirada para magbayad ng estudyante. At kung meron mang kayang gawin yun sa ating dalawa for sure ikaw yun kasi halata namang mas desperada ka." matapang na saad ko dito na ikinagalit nya. "Hoy bakla ang kapal mo rin para sabihing ako pa ang desperada huh. Totoo naman eh na desperada at malandi ka. Siguro tinakot mo lang si James para naman kausapin ka nya. Kasi if i know iniiwasan ka nya this past few days. At for sure inggit na inggit ka kasi ako na ang kasama nya at pinili nya." galit na sigaw ni Nicole. "Nicole pwedi ba manahimik ka." sigaw naman ni James na ikinabigla ni Nicole. "Babe bat mo ba ipinagtatanggol yang baklang yan??" sigaw ulit nito matapos makabawi sa pagkabigla. "Bakit hindi??  Kaibigan ko si Josh. At pwedi ba hindi nya ako tinakot at mas lalong wala syang binayaran na estudyante kasi ako. Ako ang may gawa ng lahat ng yun. Ako ang nag utos njn para sorpresahin si Josh. At ako ang nakiusap kay Josh na kausapin ako para mabalik kami sa dati. Kaya wala syang kasalanan dito. At pwedi ba wag mo akong tawaging babe kasi walang tayo Nicole. Oo naging mabait ako sa inyu at sumama sa inyu nung nagkaaway kami. Kasi gusto ko sana na kilalanin ka. Pero mali ata na sumama ako sa inyu." mahabang saad ni James na ikinatulala ni Nicole at ikinakilig ko. Pano ba naman ipagsigawa ba naman ang ginawa nya kanina. Mabuti nalang at nakakapagtimpi pa ako sa kilig ko. "Wh-what??  No.. No.. Hindi totoo yan." naiiyak na saad ni Nicole. Oh kawawa naman. "Well sad to say but its true. Kaya tanggapin mo nalang Nicole. At pwedi ba wag mo kong akusahan ng mga ganun kasi hindi ako ganhng klasi ng tao. At higit sa lahat hindi ako desperada kagaya mo." saad ko dito. "Hindi. Hindi. Malandi ka talagang bakla ka. Ang landi landi mo. Mang aagaw kang bakla ka. Ikaw ang desperada bakla ka- *pak * pak. "Ouchhh." sambit nito matapos ko syang sampalin ng ubod lakas na ikinatumba nya. Ako talaga ang ginagamit nya huh. "Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin pero wag na wag mo akong pagsasabihan ng malandi, mang aagaw, at desperada kasi sa ating dalawa mas nagmumukha kang malandi, mang aagaw at desperada. Tsaka isa pa wala akong jnagaw sayo kasi walang kayo. Kaya magising ka na sa katotohanan na kahit anong gawin mo hindi magiging kayo." galit na sigaw nito. "Beks tama na yan. Mabuti pa hayaan na natin yan." awat ni Ivy sa akin. "Hindi beks sige pa beks kulang pa yan. " saad naman ni Lewis. "Josh tama na yan. Hayaan mo na sya. Ang importante alam natin kung ano ang totoo." seryosong saad ni Jeff at saka ako hinawakan ni James at inalalayan palabas ng Cafeteria. Pero bago kami makalabas ay may iniwan muna akong salita kay Nicole. Before i go out remeber this Nicole. Hindi ko kasalanan na insecure ka sa akin. Hindi ko kasalanan na mas maganda pa ako sayo at higit sa lahat hindi ko na kasalanan kung mas pinili ni James na sumama at lumapit sa akin kesa sayo. Kasi meron ako na wala ka. Meron akong respeto sa sarili na wala mismo sa sarili. At sa susunod na kalabanin mo ako please lang galingan ko kasi sawa na ako napalagi nalang ako ang nananalo. O sya sige alis na kami huh." mahabang saad ko sabay ngiti ng nalang asar. At tahimik naming binabaybay ang daan papuntang parking lot. Kakaimbyerna talaga yung babaing yun. Sabihan ba naman akong malandi at desperada eh mas halata namang sya ang malandi. "Wag mo ng isipin yun Josh. Hayaan mo na sya." biglang saad ni James habang seryosong nakatingin sa akin. "Kaimbyerna talaga yung mga yun. Wala ng alam gawin kundi maghanap ng gulo."imbyernang saad ni Lewis. "Hayan mo na yun sila. Ang importante eh di kayo ang nauna." saad naman ni Jeff. "Hay naku nakakaistress talaga yung mga babaitang yun oh. My god nakakasira ng beauty." nalolokong saad ko. "Naku babe wag ka na maistress mabuti pa mag EK nalang tayo para mawala yang stress nyo." singit naman ni James. "Tara ba." sang ayun naman namin. Kaya naman kanya kanya kami ng sakay ng sasakyan. Ako sa sasakyan ni James. Tas ang dalawa ay sa mga partner nila. Ngunit dahil sa pagod at traffic ay nakaidlip ako. Nagising nalang ako dahil sa mga mahihinang tapik. "Wake up sleepyhead or ill r**e you right now right here." isang baritonong boses na nagpagising sa akin. My god kahit bakla ako ayaw ko naman marape sa loob ng sasakyan noh. "Ito na po." saad ko naman at mabilis na nag ayos sa sarili. At pagkatapos ay lumabas na ng sasakyan. "Hay sa wakas ang nagising ka rin bakla ka. Akala ko kung ano na nangyari sa inyu. Antagal nyong lumabas eh." naiiritang saad ni Ivy. "Hoy bakla aminin nag ano kayo sa loob ng kotse noh. Ano mataas ba?  Malaki ba? Nakailang rounds ba?" saad naman ni Lewis. Hmm masakyan nga ang trip nila. Humanda ka James. "Hmm kaya nga bakla eh. Medyo masakit pa nga yung ano ko. Oo bakla mataas at mataba kaya nga masakit eh. Tsaka nakatatlong rounds lang kami eh." nakangiting saad ko naman na ikjnabigla nilang lima lalo na ang mga loka kong kaibigan ayun napanganga habang ang mga lalaki tulala at si James ay namumula sa hiya. "Ayun tol nakascore ka rin. Yohoooooo binata ka ng tunay tol." malakas na sigaw ni Anthony. Kita mo tong taong to napaka ingay talaga. "Gago ka. Naninawala ka naman." saad naman ni James pero namumula pa rin. "Ayun. Edi malandi ka talagang tunay beks. Wahhhhh wala na di na virgin." saad naman ni Lewis na ikinahalakhak ko. "Gaga naniwala ka naman. Tsaka sa tingin mo mamamayan ko yang ano ni James pangangatawan pa lang halata ng malaki yan tsaka ayaw ko naman gawin yun sa sasakyan noh. What do you think of me a cheap slut." mahabang saad ko habang natatawa pa rin. Habang si James eh mas lalong namula sa hiya. "Asus mga kalokohan nyo talaga. Mabuti pa pumasok na tayo." singit naman ni Jeff. Kaya ayun pumasok na kami ng EK at syempre libre ng boys sila nag aya eh. At nung nakapasok na kami ng EK eh nagkanyan kanya na kami ng gala. At ang unang kami naman ay magkasabay na naglalakad at naghahanap ng masasakyan. Habang pinagtitinginan kami ng mga tao. May mga babae pang nagpapacute sa kasama ko. At may mga lalaki pang napapalingon sa gawi ko. At habang naglalakad kami eh pinapakilig naman nya ako. Andyan yung hahawakan nya ang waist ko. Adyan din yung kikilitiin ako at ang pinakamalupit ay ang hawakan ang kamay ko hanggang sa nakasakay na kami ng mga rides dito sa EK. Puro sigawan, tawanan, at harutan lang ang ginawa naming dalawa. Halos kami na nga ang pinagtitinginan dahil sa kakulitan at paghaharutan namin eh. Hanggang sa nagutom at napagod kami. Kaya naghanap kami ng makakainan. Hanggang sa napadpad kami sa isang food stall. Kaya walang pag aalinlangan ay pumunta na kami dun at kumuha ng pagkain. Sakto naman ng makaraan ng ilang minuto ay dumating rin ang mga kaibigan namin kaya naman nagkasya nalang kami sa iisang lamesa. Habang kumain kami eh puro kami tawanan at harutan. Andyan yung aakbay sya sa akin. Andyan din yung susubuan nya ako. At ganun din ako sa kanya. At ang mga tropa namin ayun  tutuksuhin kami. Hanggang sa natapos kaming kumain at napagdesisyunan naming sumakay ng Ferris wheel bago umuwi. Kaya naman nagtungo na kami sa may Ferris wheel at nagsakay na. Unang sumakay ay sina Lewis at Jeff. Din sumunod si Ivy at Anthony. At saka kami naman dun sa isa pang sasakyan. Hanggang sa umandar na ito. At saktong nasa toktok na kami ng huminto ito ang biglang kaya naman napasubsib ako sa kanya. At sakto saktong naglapat ang aming mga labi. Kaya ng naman ng naman nung natauhan kami ay nagka awkward agad ang paligid sa amin. "Ahmmm ahmm sorry hehehe napabitaw kasi ako."nahihiyang saad ko. "Okay lang yun ano ka ba. Heheh." sagot naman nito. Pero nahihiya pa rin ako. Hanggang sa muli itong umandar hanggang sa nakababa na kami. Mabuti nalang at hindi kami nahalata ng tropa. Hanggang sa nakauwi nalang ako sa bahay namin. "Sakamat pala sa araw na to. Nag enjoy talaga ako." saad ko dito. "Ako din nag enjoy din. Tsala ano ka ba wala yun." saad naman nito. "O sya sige alis na ako. Labas na ako huh." saad ko naman. At akmang lalabas na ako ng hawakan nga ang braso ko kaya naman nilingon ko ito. "May sasabihin ka ba?" tanung ko dito. Ngunit di ito nagsalita sa halip ay bigla nalang ako nitong hinalikan sa labi na ikinatulala ko. Banayad at hindi marahas ang kanyang paghalik sa akin. Hanggang sa bumitaw na ito sa paghalik. "goodnight babe." nakangiting saad nito. "Go-good ni-night d-din." nauutal na saad ko. Kaya lumabas na ako sa sasakyan nya na tulala. Hanggang sa nakapasok na ako sa bahay namin pero tulala parin ako. Pagdating ko sa aking kwarto saka pa talaga nag sink in sa akin ang lahat. Kaya nagtatalun ako sa kilig at nagtitili. Hanggang sa nakatulog ako na may malaking ngiti sa aking labi. -----------------------cjme----------------------------- Waahh ayan nakapag update nanaman po ako. Heheheh... Sorry sa mga typos and errors. Sorry din po sa wrobg grammar and wrong spelling. ©CasseopiaJaneMinneaE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD