Matapos ang ilang araw na puno ng katahimikan sa Batangas, nagpasya ang mag-asawa na bumalik na sa Tagaytay. Hindi dahil sa ayaw na nila sa dagat, kundi dahil ngayong araw ang nakatakdang check-up ni Iridessa para sa kanilang baby. Habang binabaybay ng kanilang sasakyan ang paikot na daan paakyat ng Tagaytay, mahigpit ang hawak ni Marcelito sa kamay ni Iridessa. Kitang-kita sa Don ang pagiging balisa, mas kabado pa yata siya kaysa sa asawa niyang buntis. "Marcelito, kanina mo pa pinipisil ang kamay ko. Relax ka lang, okay?" natatawang pansin ni Iridessa habang nakasandal sa balikat ng asawa. "Hindi ko maiwasan, Iridessa. Gusto ko lang siguraduhin na maayos ang lahat. Simula nang magising ka kanina, tinanong na kita kung nahihilo ka o masakit ang likod mo... pang-sampung beses ko na yata

