Pagbalik ni Iridessa sa Pilipinas, sinalubong siya ng mga bata sa mansyon. Ang tawanan nina Rhex, Narci, at Nere ay tila musika sa kanyang pandinig. Na-miss niya ang mga bata.
"Auntie Dessa, Welcome home.." Masayang-masaya nilang bati, naiwan sila dito sa mansyon para malibang si Iridessa, total ay bakasyon naman.
Ngunit ang mas nagpagulat sa kanya ay ang makitang nasa kusina si Triton, suot ang isang apron at sinusubukang magluto.
"Auntie, si Uncle Triton sinunog ang pancake!" sigaw ni Rhex habang tumatawa.
"Hey, I'm trying!" biro ni Triton habang nagkakamot ng ulo. Nang makita niya si Iridessa, agad siyang lumapit at niyakap ito nang mahigpit. "Welcome home, Baby."
Ngumiti si Iridessa, ang unang tunay na ngiti pagkatapos ng mahabang panahon. "I thought you hated the kitchen."
"I realized I've missed a lot of things. And I don't want to miss anymore," sabi ni Triton, ang mga mata ay nakatitig sa asawa nang may paghanga.
Sa di-kalayuan, nakamasid si Marcelito. Kapabalik lang din niya mula sa Pangasinan at nakita niya ang pagbabago sa kanyang anak. Napangiti ang matanda. Ang kanyang desisyon na magbakasyon muna para bigyan ng espasyo ang dalawa ay nagbunga rin sa wakas.
"Yolanda, ihanda mo ang dining room. Magdiriwang tayo ngayong gabi," utos ni Marcelito.
"Opo, Don Lito! Masaya rin po ako para sa kanila," sagot ng matanda habang masayang nag-aayos ng mesa.
Lumipas ang mga araw na tila ba bumalik ang tamis sa pagsasama ng dalawa. Si Triton ay naging mas hands-on sa mga bata, at madalas na niyang isinasama si Iridessa sa bawat desisyon niya sa negosyo. Ngunit hindi lahat ay natatapos sa isang masayang hapunan.
-
Isang gabi, habang nag-aayos ng gamit si Iridessa, may nakita siyang isang lumang litrato sa drawer ni Triton. Isang litrato ni Triton at ng isang babaeng hindi niya kilala—isang babaeng kamukhang-kamukha niya, ngunit may ibang awra.
"Sino ito?" bulong niya sa sarili habang titig na titig doon.
Biglang pumasok si Triton sa kwarto. Nang makita ang hawak ni Iridessa, agad na nagbago ang ekpresyon ng mukha nito. At ang sigla sa kanyang mga mata ay napalitan ng isang pait na tila matagal na niyang itinatago.
"Dessa, huwag mo nang pakialaman iyan," malamig niyang sabi, bago kinuha ang litrato at itinago ito muli.
Napatahimik si Iridessa. Akala niya ay wala na silang lihim sa isa't isa. Akala niya ay tapos na ang lahat ng pagsubok. Pero tila may mas malalim pa palang dahilan kung bakit ganoon na lamang ang galit at paglayo ni Triton sa kanya noong una—isang nakaraan na hindi pa rin kayang bitawan ng kanyang asawa.
"Triton, if there's something else... please tell me," pakiusap ni Iridessa.
Humarap sa kanya si Triton, ang kanyang mga mata ay puno ng lungkot. "Some things are better left in the past, Dessa. Let's just focus on us, okay?"
Tumango si Iridessa, pero sa loob-loob niya, alam niyang may bagong laban na naman siyang kailangang harapin. Hindi na laban sa isang sekretaryang katulad ni Vesper, kundi laban sa isang multo ng nakaraan na tila hindi pa rin namamatay sa puso ni Triton.
Kinabukasan, habang nasa opisina, tinawagan ni Iridessa ang kanyang private investigator. "I need you to find someone. A woman from Triton's past. I’ll send you the photo."
Ibinaba niya ang telepono at tumingin sa labas ng bintana. Huminga siya ng malalim, hindi mawala sa isipan niya ang babae sa larawan.
Ngunit handa si Iridessa. Kung kinakailangang hukayin niya ang bawat lihim ng nakaraan para tuluyang makuha ang puso ng kanyang asawa, gagawin niya.
Dahil si Iridessa Callantes-De Villa ay hindi marunong sumuko. Gagawin niya ang lahat para kay Triton, para sa asawa niyang maraming lihim sa kanya.
----
Nasa gitna ng isang mahalagang board meeting si Triton nang makarinig siya ng kaguluhan sa labas ng kanyang opisina. Ang kanyang bagong secretary na si Gina ay tila hindi magkandamayaw sa pagpigil sa isang taong pilit na gustong pumasok.
"Sir Triton! Please, kahit limang minuto lang!" Ang boses na iyon ay pamilyar—puno ng pait, panginginig, at tila galing sa isang taong pinagkatiwalaan at minahal niya, ngunit sa huli ay nagawa siyang traydurin.
Bumukas ang pinto at pumasok si Vesper. Ngunit hindi ito ang Vesper na nakasanayan niyang makita. Hindi maayos ang pagkakaayos ng buhok niya, walang pulang makapal na lipstick sa kanyang labi, at kusot-kusot ang damit niya. Namamaga ang mga mata niya, at patuloy na umaagos ang mga luha sa kanyang mga pisngi.
"Vesper? Anong ginagawa mo rito? I told you never to set foot in this building again," malamig na bungad ni Triton bago tumatayo mula sa kanyang swivel chair.
Agad na lumapit si Vesper at lumuhod sa harap ni Triton, isang eksenang nakakakuha na ng atensyon ng mga empleyadong dumadaan sa hallway. "Triton, please... pakinggan mo muna ako. Nagmakaawa ako sa iyo! Wala akong kasalanan! Lahat ng narinig mo, lahat ng nakita mo... gawa-gawa lang lahat iyon ni Iridessa!"
"Anong sinasabi mo?" kunot-noong tanong ni Triton, pilit niyang inaalis ang kamay ng dalaga sa kanyang binti.
"Tinakot niya ako, Triton! Pinuntahan niya ako sa hotel at binantaan ang buhay ko! Sinabi niyang kapag hindi ako umalis, papatayin niya ang pamilya ko at sisirain niya ang reputasyon ko!" humahagulgol na kwento ni Vesper.
"Yung recording... hindi iyon totoo! Maraming magagawa ang pera ng mga Callantes, Triton. Ginamit niya ang kapangyarihan niya para baliktarin ako dahil gusto niya akong ilayo sa iyo! Alam niyang ikaw ang buhay ko, at hindi niya matanggap iyon!"
Sa puntong iyon, pumasok si Iridessa sa opisina. Kakaakyat lang niya para sana ayain si Triton na mag-lunch, ngunit ang eksenang bumungad sa kanya ay tila isang teleseryeng puno ng drama. At ang bida ay si Vesper.
Nanatiling kalmado si Iridessa, ang kanyang tindig ay puno ng awtoridad habang nakatingin sa babaeng nakaluhod sa sahig.
"Ma'am Iridessa..." lumingon si Vesper sa kanya, ang mga mata ay puno ng kunwaring natatakot. "Nandito ka na naman? Ano na namang gagawin mo sa akin? Hindi pa ba sapat na inalis mo ako sa trabaho ko at sinira mo ang pangalan ko kay Triton?"
Tumingin si Vesper kay Triton, lalong naging madrama at lumakas ang kanyang pag-iyak. "Triton, tignan mo siya! Tignan mo kung gaano siya kagalang-galang sa paningin ng iba, pero sa likod ng mga ngiting iyan ay isang demonyong kayang pumatay ng pangarap! Sinabi niya sa akin na siya ang may plano ng lahat ng maling ROI numbers para lang magmuka akong palpak sa harap mo! Gusto niyang maging mabuting asawa sa paningin mo kaya ginawa niya akong kontrabida!"
Natahimik ang buong silid. Ang mga empleyado sa labas ay nagsisimula nang magbulungan. Ang itsura ni Vesper ay talagang nakakaawa—isang biktima ng kontrabida sa pilikolang ginawa nito.
Lumapit si Iridessa, bawat hakbang ng kanyang takong ay tumatunog nang madiin sa sahig. Tumigil siya sa harap ni Vesper at tinitigan ito nang diretso sa mga mata.
"Tapos ka na ba, Vesper? O may susunod pang script pagkatapos nito?" tanong ni Iridessa, ang boses ay walang bahid ng galit, kundi puno ng pagkasuklam.
"Wala akong script! Katotohanan lang ang dala ko!" sigaw ni Vesper habang nakatingala kay Iridessa. "Triton, maniwala ka sa akin. Alam mong matagal kitang pinagsilbihan. Kailan ba ako nagsinungaling sa iyo? Siya... siya ang pumasok sa buhay natin at nanggulo! Sinabi niyang hindi siya titigil hanggang sa hindi ako tuluyang mawala sa landas niyo!"
Bumaling si Iridessa kay Triton. Nakita niyang nakatitig lang ang asawa sa kanila, ang mukha ay seryoso at walang mababakas na emosyon. Alam ni Iridessa na ito ang huling pagsubok sa tiwalang binuo nila sa Singapore.
"Vesper," tawag ni Iridessa sa mahinahong paraan. "Sinasabi mong tinakot kita? Sinasabi mong pilit kitang pinaalis?"
"Oo! At may ebidensya ako!" May inilabas si Vesper na isang pirasong papel—isang sulat na tila pirmado ni Iridessa, naglalaman ng mga banta sa buhay ni Vesper. "Ito! Ito ang iniwan mo sa akin sa hotel! Triton, basahin mo!"
Kinuha ni Triton ang papel. Binasa niya ito nang tahimik. Habang nagbabasa si Triton, lalong naging agresibo si Vesper sa kanyang pag-arte. Napahawak siya ng mahigpit binti ni Triton, tila ba ito ang tanging salbabida niya sa gitna ng karagatan.
"Please, Triton... ibalik mo ako sa trabaho. Patunayan mong hindi ka kontrolado ng babaeng ito. Mahal kita... mahal na mahal kita, at hindi ko kayang makitang niloloko ka lang niya."
Matapos basahin ang sulat, ibinaba ito ni Triton sa mesa. Tumingin siya kay Iridessa, at pagkatapos ay kay Vesper. Isang mahabang katahimikan ang namayani, sapat na para kabahan ang sinumang nanonood.
"Vesper," panimula ni Triton. "You're right. I’ve known you for a long time. I trusted you with my schedule, my meetings, and even some of my personal thoughts."
Nagkaroon ng pag-asa sa mga mata ni Vesper. "Yes, Triton... alam mo kung sino ako."
"Pero iyon din ang dahilan kung bakit alam ko kung kailan ka nagsisinungaling," pagpapatuloy ni Triton, ang boses ay naging kasing-lamig ng yelo.
"Ang sulat na ito? Maganda ang pagkaka-forge ng pirma ni Iridessa. Pero nakalimutan mo ang isang bagay. Noong gabing sinasabi mong pumunta si Iridessa sa kwarto mo para mag-iwan nito, kasama ko siya sa suite namin. Buong gabi. Hindi siya lumabas, at hinding-hindi siya magsasayang ng oras para magsulat ng ganitong basura."
Natigilan si Vesper. Ang kanyang pag-iyak ay tila biglang isa-isang bumalik ang luhang umaagos sa pisngi niya.
"At ang tungkol sa pamilya mo?" dagdag ni Iridessa habang kinukuha ang kanyang cellphone. "Tinawagan ko ang nanay mo kanina lang, Vesper. Tinanong ko kung kumusta sila. Sabi niya, maayos naman daw sila at nagpapasalamat pa sa bonus na ipinadala ko raw sa kanila bilang tulong. I didn't threaten them, Vesper. I provided for them because I knew you’d eventually lose your job because of your stupidity. I didn't want them to suffer for your sins."
.
.
.
~ITUTULOY