Hindi nagsalita si Iridessa dahil maraming beses na niyang binigyan ng pagkakataon si Triton. Lagi niya itong pinagbibigyan at madaling patawarin, kaya siguro parang wala lang ito kay Triton—dahil mabilis lang naman niya itong napapatawad.
"Triton, ito ang pinakamahalagang araw sa tanang buhay ko. Ang maikasal sa taong mahal na mahal ko. Hindi ko alam kung mahal mo rin ba ako, kung importante rin ba ako sa iyo, o talagang mas mahalaga 'yang trabaho mo. Ikaw mismo ang sumira sa araw na ito, Triton," naiiyak niyang sabi. Huminga siya nang malalim para pigilan ang kanyang luha.
"Please, Irid, isa pang pagkakataon. Kapag sinayang ko ito, hahayaan kitang magdesisyon. Hiwalayan mo ako. Give me one last chance, Irid," muling pagmamakaawa ni Triton sa kanya. Hinawakan pa nito ang kanyang dalawang kamay.
"Baby, please, last chance. I'm really sorry. Hindi mo ba ako mapapatawad?" naiiyak nitong sabi. Huminga nang malalim si Iridessa bago nagsalita.
"Sige. Sana naman sa susunod, bigyan mo rin ako ng oras. Hindi naman siguro mahirap ibigay iyon," sabi niya. Nagtatampo pa rin siya, dahil lalo lang pinaparamdam ni Triton na mas mahalaga ang trabaho nito kaysa sa kanya.
"Salamat, Baby. Promise, babawi ako. Siguro sa susunod na buwan na lang. Ang dami kasing problema ngayon sa kumpanya na hindi ko puwedeng iasa kay Vesper. Tapos, sa susunod na linggo, may out-of-the country kami. May kakausapin kaming business partner sa ibang bansa. Nagustuhan daw kasi ng misis niya ang perfume na binili nito sa isang mall shop," masayang paliwanag niya kay Iridessa. Natuwa naman ito dahil sigurado siyang lalong tatangkilikin ang mga perfume ni Triton.
"Iyan ay magandang balita! Sana maging smooth ang usapan ninyo," masaya niyang sabi. Lalo namang lumawak ang ngiti ni Triton.
“I’m really sorry, Baby, and I love you so much,” paglalambing niya kay Iridessa bago ito niyakap nang sobrang higpit. Napangiti naman si Iridessa dahil kahit papaano, okay na ulit silang dalawa.
“Tara na. Naghihintay na sila Dad sa atin. Doon muna tayo tumira sa mansiyon habang ginagawa pa ang magiging bahay nating dalawa. At tuwing Friday night, dito tayo uuwi sa bahay ninyo,” aya niya kay Iridessa. Wala siyang choice kundi pumayag sa kagustuhan ng kanyang asawa.
Buong akala niya’y okay na ang ipinapatayong bahay ni Triton, at mga gamit na lang ang kulang. Na-excite pa naman siya dahil tinanong siya noon ni Triton kung anong mga disenyo ang gusto niya, lalo na sa kanilang magiging silid. Halos lahat ng ideya ay galing sa kanya, at talagang pinag-isipan niya dahil forever home na nila iyon.
“Carina, ikaw na ang bahala sa mga gamit ko. Dalhin mo na lang doon, lalo na ang mga pang-opisina ko,” bilin niya sa kanyang personal maid s***h assistant pa.
“Yes, Ma’am. Ako na ang bahala sa lahat,” magalang niyang sagot bago seryosong tumingin kay Triton.
Hindi niya gusto ang binata para kay Iridessa, sa 'di malamang dahilan ay naiinis siya dito.
Masaya silang lumabas ng Callantes Residence, hawak ni Triton ang kamay ng kanyang asawa.
“Baby, puwede bang sa susunod na buwan na lang tayo pumunta ng Paris para sa honeymoon nating dalawa?” Request niya sa kanyang asawa.
“Ayoko kasing masayang iyong pagkakataon na makilala ang pinaghirapan ko ng ilang taon,” dagdag pa nito para lalong makonsensya si Iridessa at pumayag ito.
“It’s okay. Unahin mo muna 'yan. Malaking achievement 'yan, hindi dapat sinasayang ang malaking pagkakataon,” sagot niya kay Triton. Nasa iisang mundo ang ginagalawan nilang mag-asawa.
At sana, lalo silang maging successful at maraming dumating pang achivements and blessings
“Salamat. Kaya mahal na mahal kita, e,” pasasalamat nito. Isang matamis na ngiti lang ang isinagot ni Iridessa.
Nang makarating sila sa De Villa Residence, kanina pa naghihintay ang lahat sa kanilang pagbabalik. Talagang malilintikan si Triton kapag nag-iisa lang siyang umuwi.
Nagulat si Iridessa nang makita niya ang pamilya ng asawa sa living room.
Napailing na lamang si Triton dahil parang sobrang sama na niyang tao.
“Mabuti at kasama mong bumalik si Iridessa, dahil kung hindi, baka malumpo na kitang bata ka!” Galit pa rin si Don De Villa dahil sa ginawa ng kanyang anak.
“May asawa ka na, Triton! 'Yang pagiging workaholic mo ay hindi na puwede. May tamang oras para sa trabaho at oras para sa misis mo! Hindi 'yung nandito ka na sa bahay, trabaho pa rin ang nasa isip mo. Every wrong man,” umiiling na sabi ni Calypso sa kanyang nakababatang kapatid.
“Hindi naman ganyan ang mga kuya mo. Sana alam mo rin kung anong nararamdaman naming mga babae. Huwag mong sayangin si Iridessa, wala ka nang makikitang babae na gaya niya!” sermon naman ni Cressida. Kanina pa siya nanggigigil dahil sa kawalanghiyaan ni Triton.
“Kung ako si Iridessa, hindi na kita babalikan. Kung puwede lang mag-file agad ng divorce, why not? Isang pagkakamaling maikasal sa iyo! Araw ng kasal ninyo, sinira mo dahil lang sa mga pipirmahan na puwede naman sa pagbalik mo!” Hindi naman mapigilan ni Danika dahil sobrang disappointed siya sa ginawa ng bayaw niya.
“Okay na, nakapag-usap na kaming dalawa. Humingi na ako ng tawad at nangakong hindi na uulitin,” may pagkairita na paliwanag ni Triton sa kanila. Nagkibit-balikat na lamang sila para matapos na ito.
“Sige, magpapahanda ako ng dinner. Ituloy natin ang celebration na naudlot kanina,” seryosong sabi ni Don De Villa para naman hindi nakakahiya sa kanyang manugang.
“Dito na kayo matulog. Ipapalinis ko ang kuwarto ninyo habang naghihintay maluto 'yung pinahanda kong dinner natin. Minsan lang ito mangyari na kumpleto tayo at nadagdagan na ulit ang pamilya natin,” dagdag pa nitong sabi na tila nagpapaalam na sa kanyang mga anak.
“Dad, para namang iiwan mo na kami. Namamasyal naman ang mga apo mo rito. At alam mo rin na busy kami, hindi naman puwedeng pabayaan ang ibinigay mong mana sa amin. Edi nagalit ka,” sagot ni Callisto dahil hindi pa siya handang mawala ang kanyang ama. Kahit may asawa na siya, lagi pa rin itong lumalapit dito para humingi ng payo.
“Anong tingin mo sa akin, Callisto, mahinang damo? Sinasabi ko lang dahil mukhang nakakalimutan niyo na ako dito sa mansiyon!” Singhal nito. Nagtawanan na lang sila dahil umiral na naman ang pagiging padre de pamilya niya. Magsisimula na naman itong sermunan sila isa-isa. Kaya bago pa mangyari iyon, nagsitayuan na sila.
“Tingnan niyo, wala na talaga kayong pagmamahal sa akin. Hindi niyo man lang pakinggan ang aking mga sasabihin,” umiiling niyang sabi.
“Dad, ikaw lang itong nag-iisip ng kung anu-ano. Magpapalit pa kami dahil pawisan kami. Magkita na lang tayo mamaya sa dining hall,” sagot ni Triton bago hinila ang asawa paakyat sa hagdan.
"Baby, wala pa pala akong damit. Baka bukas pa madadala rito ni Carina," nahihiya niyang sabi kay Triton. Hindi man lang niya naalala kanina bago sila umalis ng bahay.
"Teka, hahanapan kita ng puwede mong maisuot. Maligo ka na doon," sagot nito bago lumabas ng kuwarto nila. Nagtungo ito sa guest room kung saan nandoon ang mga damit ng kanyang ina. Tumingin siya ng pangtulog. Hindi ipinatapon ng ama ang mga gamit ng kanilang ina dahil alaala na rin nila. Minsan, dito rin kumukuha ng mga damit ang kanyang dalawang hipag, lalo na kapag ganitong biglaan ayaw silang pauwiin ng kanilang ama.
Isang pulang terno na pangtulog ang kinuha ni Triton bago ito kumuha sa drawer ng mga undergarments na hindi pa nagagamit. Bumibili sila ng mga ganito para sa kanilang ibang kamag-anak na pumupunta sa kanila at tinamad umuwi.
Pagbalik niya sa kanilang silid ay sakto namang bumukas ang pinto ng banyo.
“Here, Baby. Magpalit ka na. Maliligo na rin ako,” nakangiti niyang sabi na hindi man lang tumingin kay Iridessa. Napansin naman niya iyon, na para bang meron siyang sakit at iniiwasan ng asawa.
"Bilisan mo hah, baka naghihintay na sila sa ibaba," aniya bago sinimulang magpalit.
Napailing na lamang siya, dahil sa tatlong taon nilang magkasintahan ay hanggang halik pa lang sila. Kaya lalo niyang minahal si Triton dahil never siyang niyaya o nag-open tungkol sa seks.
Pero ngayong gabi, handa na siyang ibigay ang kanyang sarili. Dahil iyon ang regalo niya kay Triton—ang kanyang sarili.
Habang hinihintay niya ang asawa, pumunta muna ito sa balcony ng kuwarto nila. Napapikit nang sinalubong siya ng isang malamig na hangin. Tumingin siya sa malawak na paligid. Puro malalaking kahoy ang makikita kaya masarap ang hangin. Maliwanag dahil napapalibutan ito ng mga ilaw, kaso sobrang tahimik. Hindi siya magtataka kung bakit nalulungkot ang kanyang father-inlaw, at nagdadrama ito sa mga anak niya.
Hindi alam ni Iridessa, may mga matang nakatingin sa kanya mula sa ibaba. Mga matang nangungulila sa kanyang asawa. Si Don De Villa. Nagulat ito nang makitang suot ni Iridessa ang paboritong pangtulog ng yumaong asawa.
Kung hindi pa ito humarap ay baka isipin niyang minumulto siya ng asawa, dahil parehong-pareho sila ng kilos.
"Iridessa..." Mahina siyang tawag sa pangalan ng kanyang daughter-inlaw
.
.
.
~ITUTULOY