CHAPTER 3

1786 Words
Tahimik silang kumakain ng hapunan; tanging tunog lamang ng mga kubyertos ang naririnig sa buong silid. Hinihintay nilang magsalita ang kanilang ama na kanina pa walang kibo—halatang nagtatampo ito sa kanila. Iniintindi na lamang nila ang matanda dahil na rin sa edad nito. ​"Anong plano mo ngayon, Triton?" tanong ni Callisto, dahil sa sobrang katahimikan ng kanilang pamilya. Halatang nagpapakiramdaman muna bago magsalita, dahil na rin sa nangyari kanina. ​"Kaya nga, dapat mag-honeymoon kayong dalawa," gatong naman ni Cressid bago naglagay ng ulam sa plato ni Callisto. ​"May out of the country trip ako next week, kaya sa susunod na buwan na ang plano ko," sagot ni Triton bago muling sumubo. Nagsalubong ang dalawang kilay ni Callisto dahil sa nalaman. ​"Akala ko ba pareho kayong naka-vacation leave?" salubong ang kilay na tanong ni Calypso. Para sa kanya, dapat ay bumabawi si Triton sa asawa sa halip na trabaho na naman ang inuuna. ​"Napag-usapan na namin ni Iridessa ang tungkol dito. Hindi ko pwedeng i-reschedule ang pakikipag-deal sa kanila. Importante ito; matagal ko nang pinapangarap na makilala ang perfume na pinaghirapan ni Mom," seryosong sagot ni Triton sa kanyang mga kapatid. Hindi na nakatiis ang ama ni Triton, umiinit ang kanyang bungo habang nakikinig sa usapan ng magkakapatid. ​"Pwede namang sumama si Iridessa, tutal ay mag-asawa na kayong dalawa. Mas magandang tingnan kung nakikita ng mga business partners mo na maayos ang inyong relasyon, lalo na’t bagong kasal kayo," mungkahi ni Don De Villa dahil hindi siya pabor sa desisyon ng anak. Pwede naman iyon kung gusto talaga ni Triton na isama ang asawa nito. ​"Dad, huwag na kayong makialam sa aming dalawa ni Iridessa!" medyo pagalit na sagot ni Triton, naiirita na siya dahil nakikialam pa ang ama nito. ​"Paanong hindi makikialam? Sinira mo ang araw ng kasal niyo, tapos ngayon ay aalis ka dahil sa negosyo? Bakit hindi mo na lang siya isama? Sinasabi ko lang kung ano ang mas mabuti. Una sa lahat, dahil sa ginawa mo may karapatan si Iridessa na iwanan ka! Huwag kang maging makasarili, Triton. Isipin mo rin ang nararamdaman ng asawa mo, hindi 'yung laging ikaw ang iniintindi niya. Walang masama kung kasama mo siya!" mahabang sermon ng ama. Si Triton ang pinakamatigas ang ulo sa tatlong magkakapatid, marahil dahil na rin sa labis na pag-i-spoiled sa kanya. ​"Tinatama lang namin ang baluktot mong pag-iisip. Baka nakakalimutan mo, Triton—forty percent ang pag-aari ni Iridessa sa kumpanya mo. Pwede kong kausapin ang asawa mo na bawiin iyon, at bahala ka nang maghanap kung saan mo kukunin ang forty percent share na iyon!" dagdag pa ng Don, na lalong nagpainit sa ulo ni Triton. ​"Dad, huwag niyo nang pilitin si Triton kung ayaw niya talaga akong sumama. Binawi ko na rin ang vacation leave ko," singit ni Iridessa habang nagbabalat ng hipon na inilagay niya sa plato ng asawa. ​Malamig siyang tiningnan ni Triton, ngunit nanatiling nakangiti ang dalaga. Alam ni Iridessa na naiinis na sa kanya ang asawa. ​"May punto si Dad. Lalong magkakainteres ang kausap niyo kapag nakitang sinusuportahan niyo ang isa't isa. Mag-asawa kayo, Triton, hindi magkakumpitensya sa negosyo," paglilinaw ni Callisto, hindi niya maintindihan ang takbo ng isip ni Triton. Ang kanilang sinasabi ay ikakaganda naman ng reputation niya bilang asawa. ​"Fine, isasama ko siya!" walang pagpipiliang sagot ni Triton. Dahil dito, lumawak ang ngiti ni Iridessa. Muli niyang sinandukan ng ulam si Triton para hindi lalong uminit ang ulo nito. ​"Maging mabuting asawa ka naman, Triton. Napakabait ni Iridessa. Akala mo ba may ibang babae pang magtatyaga sa ugali mo?" huling hirit ni Calypso. Hindi na sumagot si Triton dahil alam niyang hindi matatapos ang sermunan kung papatol pa siya. ​"Uncle Tri, gusto ko this one," turo ni Nereus, isa sa mga kambal ni Callisto. Agad naman siyang inabutan ni Triton ng Baklava. Habang si Narcissus wala naman pakialam, tahimik lang itong kumakain hindi gaya kakambal nito ang kulit. ​"Me too, Uncle Tri," sabi naman ni Rhexenor, anak ni Calypso, habang nakaturo sa pudding. Binigyan din niya ito para hindi magtampo. “Rhex, huwag masyado sa sweets okay,” nakataas ang isang kilay na sabi ni Danika sa kanyang anak. Tumango naman si Rhexenor habang nag-eenjoy na kumain ng pudding. ​Nagpatuloy sila sa pagkain nang tahimik. Kumuha si Triton ng Meringue at ibinigay sa asawa dahil paborito iyon ni Iridessa. ​"Thank you, baby," pasasalamat ng dalaga. Ngumiti lang si Triton. Maraming dessert ang ipinahanda ni Don De Villa kaya tuwang-tuwa ang kanyang mga apo; sila ang tunay na nag-enjoy sa dinner na iyon. ​Matapos ang hapunan ay umakyat na sila sa kani-kanilang kwarto. Hindi pinansin ni Triton ang asawa kaya napabuntong-hininga na lamang si Iridessa; mukhang mainit pa rin ang ulo nito. ​"Kung ayaw mo talaga akong isama, it's okay. Hindi na lang ako sasama," wika ni Iridessa bago umupo sa gilid ng kama. Humiga na si Triton sa kanilang kama, pagod siya at gusto ng magpahinga. ​"Gusto mo bang pagalitan na naman ako ni Dad at nina Kuya?" bakas sa boses ni Triton ang pagkairita. ​"Kaysa naman ganyan ka sa akin. Hindi kita maintindihan, Triton. Sabi mo babawi ka pero hindi mo naman ginagawa; hanggang salita ka lang. Dapat pa ba akong umasa sa mga pangako mo?" prangkang tanong niya. Mahigpit siyang nakahawak sa laylayan ng suot niyang damit. ​Napabuntong-hininga si Triton bago nagsalita. "Ang akala kasi ni Vesper ay kaming dalawa lang ang pupunta." ​"Kaya ayaw mo akong sumama dahil sa kaibigan mo? Sino ba ang asawa mo sa aming dalawa, Triton? Kung sa business lang, mas marami akong alam kaysa kay Vesper. Ni simpleng problema nga, hindi niya magawan ng solusyon!" Naiinis na si Iridessa dahil tila mas mahalaga pa ang nararamdaman ng kaibigan kaysa sa kanya. ​"Iridessa!" tawag ni Triton sa pangalan niya, tanda na hindi nito nagustuhan ang sinabi tungkol kay Vesper. ​"Mas may pakialam ka pa sa nararamdaman niya, Triton. Paano naman ako? Alam mo ba kung ano ang nararamdaman ko ngayon?" Hindi na mapigilan ni Iridessa ang sarili. Malamig lang siyang tiningnan ni Triton bago ito tumalikod at nagtalukbong ng kumot. ​Huminga nang malalim si Iridessa. Padabog siyang tumayo at lumabas ng silid upang magpahangin. Hindi naman siya natatakot dahil maliwanag ang paligid at may mga bodyguard na nagroronda. ​Umupo siya sa bench sa silong ng malaking puno ng mangga. Nakita siya ni Don De Villa at nagtaka ito kung bakit nasa labas pa ang manugang. Lumapit ang Don at ibinigay ang kapeng dapat sana ay iinumin niya. Nagulat si Iridessa; akala niya ay tulog na ang kanyang father-in-law. ​"Thank you po, Dad," pasasalamat niya bago kinuha ang kape. Humigop ito at nagustuhan niya yung tamang tapang nito. ​"Anong ginagawa mo rito? Gabi na at malamok dito sa labas," tanong nito bago tumabi sa kanya. ​"Nagpapahangin lang po, Dad," tipid niyang sagot. ​"Mainit pa rin ba ang ulo ni Triton? Pagpasensyahan mo na muna siya." ​"Hindi ko na po kasi siya maintindihan, Dad. Bakit mas importante pa ang nararamdaman ni Vesper kaysa sa akin na asawa niya? Napapatanong tuloy ako kung tama bang nagpakasal kami. Napapansin ko ang pagbabago niya—parang may mali. Ayaw ko namang mag-isip ng kung anu-ano dahil mahal namin ang isa't isa. Siguro ay kulang lang kami sa communication," mahaba niyang paliwanag. ​Lihim na napangiti si Don De Villa dahil sa pagiging maunawain at malawak na pag-iisip ng kanyang manugang. Nahihiya siya sa inuasal ni Triton. Kahit ilang beses niya itong pagsabihan, tila hindi ito nakikinig—marahil dahil naging masyado siyang maluwag dito kumpara sa mga kuya nito. ​"Mas mabuti pang sabihin mo sa kanya ang nararamdaman mo para maging aware siya. Mukhang wala siyang pakialam dahil alam niyang laging nandiyan ka para suportahan siya. Hindi dapat ganoon. Give and take dapat, hindi puro take lang. Makasarili si Triton, iyan ang napapansin ko sa kanya." ​"Kakausapin ko po siya, pero hindi muna ngayon dahil baka lalong uminit ang ulo niya," sagot ni Iridessa bago tumayo. "Papasok na po ako, Dad. Matulog na rin po kayo. Good night po." ​Tumango si Marcelito at pinanood ang manugang hanggang sa makapasok ito sa mansyon. ​Umigting ang panga ni Marcelito dahil kanina pa siya nagpipigil sa sarili. Nanonoot sa kanyang ilong ang bango ni Iridessa na nagpukaw sa kanyang mga pandama. Inayos niya ang sarili bago sumunod sa loob. ​Pagdating sa kanyang silid, agad siyang nagtungo sa banyo upang maligo para maibsan ang init na nararamdaman. Doon ay hinawakan niya ang sariling kargadà. Itina4s-bab4 niya ang kanyang kamay, nagpakawala ng mahinang ungôl si Marcelito dahil nakakaramdam na ito ng saráp. ​"Fvck... Iridessa... ohh," impit niyang tawag sa pangalan ng kanyang manugang. Lalo pang bumilis ang pag-taas-baba sa kanyang kahabàan. "Ohh, Iridessa, patawarin mo ako... ahh!" ​Isang mahabang ungôl ang kanyang pinakawalan nang marating ang rûrok, kasabay ng pagbuga ng malapôt na katàs. Hingal na hingal si Marcelito. Ngayon na lang siya ulit nagsarili dahil hindi na sapat ang kanyang kamay; nananatiling matig4s ang kanyang pagkalàlaki. Mariin siyang napapikit at napamur4. Hindi niya dapat ginagawa ito; napakabait ng asawa ni Triton. ​Ngunit tila taksil ang kanyang katawan. Amoy pa lang ni Iridessa ay nabubuhay na ang kanyang pagnanasa. Kailangan niyang pigilan ang kahibangang ito. Matapos maligo at magpalit ay humiga na siya sa kama, ngunit sa bawat pikit ng kanyang mata ay mukha ni Iridessa ang kanyang nakikita. Simula nang ipakilala ang dalaga ay gabi-gabi na niya itong napapanaginipan—mga mapaglarong panaginip kung saan inaàngkin niya ang kanyang manugang. ​"Fvck! Marcelito, maghulos-dili ka! Para mo nang anak iyon, hindi mo dapat nararamdaman ito!" galit niyang sermon sa sarili bago nagtalukbong ng kumot. ​Halos hindi nakatulog si Marcelito, ngunit maaga pa rin siyang nagising dahil sa kanyang body clock. Alas-sais ng umaga ay naghanda na siya para sa kanyang pag-dyo-jogging. Pagbaba niya ng hagdan, may narinig siyang ingay mula sa kusina. ​Nakita niya si Iridessa na tinutulungan ang mga kasambahay. Nakapang-opisina na ang dalaga at balak nitong ipagluto ang asawa bago pumasok. ​"Anong ginagawa niyo?" tanong ni Marcelito. Hindi naman kailangang magluto ni Iridessa dahil meron silang tagaluto. ​"Good morning, Dad. Nagluluto po ako ng breakfast," sagot ni Iridessa nang hindi inaalis ang tingin sa niluluto. "Saan po kayo pupunta?" ​"Sa labas, mag-dyo-jogging lang. Mauna na kayong kumain dahil baka mamaya pa ako makabalik," bilin ng Don. ​Tuluyan nang umalis si Marcelito upang simulan ang kanyang morning routine. Kailangan niyang magpapawis upang mailabas ang kung anu-anong tensyong nararamdaman sa kanyang katawan. . . . ~ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD