CHAPTER 4

1623 Words
_____ Pagkatapos niyang mag-jogging, bumalik din siya agad; malapit lang naman sa mansyon ang park kung saan siya tumatakbo tuwing umaga. Pagpasok niya sa loob, sumalubong sa kanya ang tatlo niyang apo. ​"Papa!" masigla nilang tawag, habang may mga hawak pang cookies. ​"Rhex, Narci, at Nere, kasasabi ko lang na huwag kayong tumakbo," suway ni Callisto sa tatlong batang makukulit. ​"Huwag kayong maingay, may meeting si Auntie Dessa sa work room," dagdag pa nito dahil nasa ibaba lang ang silid na iyon. Doon sila nagtatrabaho kapag nasa bahay lang. ​"Doon na kayo sa playroom niyo para hindi kayo nakakaistorbo," utos niya sa kanyang mga apo, at agad naman silang sumunod. ​"Si Triton, pumasok na ba?" tanong ni Marcelito kay Callisto. ​"Oo Dad, halos kaaalis lang niya. Hindi man lang niya dinala ang baon niyang inihanda ni Dessa," umiiling nitong sagot. Napatango na lang si Marcelito sa nalaman. ​Umakyat muna siya sa hagdan para maligo bago mag-almusal. Nang matapos ay bumaba rin siya agad at nagtungo sa kusina. ​"Kakain ka na, sir?" masiglang tanong ni Yolanda nang makita siyang pumasok. ​"Oo. Ang kape ko, Yolanda, huwag mong kalimutan." Tumango naman ang katulong bilang sagot, at nagtungo na si Marcelito sa dining room. ​Naririnig niya mula roon ang boses ni Iridessa at kung paano ito sumagot sa kanyang mga kausap. Isang kilalang pamilya ang mga Callantes pagdating sa negosyo. Ang ama ni Iridessa ay sadyang magaling magpatakbo ng kumpanya, kaya hindi na siya nagulat na namana ni Iridessa ang talinong iyon. ​"Luto iyan para sa inyo ni Ma’am Dessa," masayang sabi ni Aling Yolanda. Inihain nito ang sweet potato with spinach and egg. ​"Sa susunod, Yolanda, huwag niyo siyang hahayaang magluto. Hindi niya naman trabaho iyon," seryoso niyang bilin. ​"Sir, gusto lang daw niyang ipaghanda ng almusal si Sir Triton, kaso ang anak niyo ay wala talagang pakiramdam. Hindi man lang kinuha ang inihandang pagkain ni Ma’am Dessa. Ang lungkot ng mukha niya kanina, sir; maaga pa naman siyang nagising para i-prepare iyon," kwento ni Yolanda. Kitang-kita niya kasi kanina ang pagkadismaya sa mukha ng dalaga. ​Hindi na muling nagsalita si Marcelito. Nanatili siyang tahimik habang kinakain ang almusal na inihanda ng kanyang manugang. ​Naririnig pa rin niyang nagre-report si Iridessa. Pagkatapos mag-almusal, nagtungo si Marcelito sa kanyang opisina para tingnan ang mga kailangan sa maliit niyang hacienda. Bukas ay pupunta siya ng Pangasinan para bisitahin ito. ​Kinuha niya ang kanyang cellphone para tawagan si Pedro, ang kanyang katiwala sa probinsya. ​[Hello, Don Lito. Kumusta po?] magalang nitong bati nang sagutin ang tawag. ​[Pedro, ihanda mo ang mga bibilhing kailangan diyan sa hacienda dahil pupunta ako riyan bukas. Sabihin mo kay Corazon na bumili ng pang-isang linggong pagkain,] seryoso niyang sabi. Kailangan niya munang magbakasyon para mabawasan ang kanyang mga iniisip. Kapag nandito siya kasama si Iridessa, tila araw-araw siyang sinusubok ng panahon. ​[Sige Don Lito, sasabihan ko siya mamaya. Mag-ingat kayo sa biyahe bukas,] sagot nito. Binaba na ni Marcelito ang tawag. Kalalapag lang niya ng cellphone sa mesa nang may kumatok. ​Pagbukas ng pinto ay si Iridessa ang iniluwa nito, may dalang meryenda. ​"Dad, snacks. May ginawa akong cookies kanina," nakangiti niyang sabi. Nakapang-opisina pa rin ito dahil katatapos lang ng kanyang meeting. ​"Maraming salamat, Dessa. Dapat ay inutos mo na lang kay Yolanda. Alam ko namang busy ka ngayon, dapat ay nagpapahinga ka," aniya bago kumuha ng cookies. May dala rin itong kape. ​"Hindi naman po mabigat na trabaho ito, Dad. Atsaka busy si Aling Yolanda kaya ako na lang." Nakangiti pa rin siya habang umuupo sa sofa at iginagala ang paningin sa opisina ni Marcelito. ​"Nasabi nila sa akin kanina ang inasal ni Triton," umpisa ng matanda. ​"Okay lang po ako, Dad. Naiintindihan ko naman siya kung bakit siya galit. Kahit ganoon, asawa ko pa rin siya at hindi ako mapapagod na pagsilbihan siya," agad niyang sagot. Ginusto niya ito kaya dapat niyang panindigan. Simula pa lang ito ng pagsasama nila ni Triton, at hindi siya dapat sumuko. ​"Kapag patuloy pa rin ang ganyang trato niya sa iyo, sabihin mo sa akin," bilin ni Marcelito. Tumango naman si Iridessa bago tumayo dahil babalik na siya sa ibaba. ​"Babalik na ako sa work, Dad," paalam niya. Marami pa siyang kailangang pirmahan. Tapos na ang madugong meeting, ngunit kailangan pa niyang ayusin ang lahat para sa ikakabuti ng kumpanya. ​"Magpahinga ka rin, Dessa," pahabol ng matanda bago ito tuluyang makalabas. ​Napangiti si Marcelito dahil si Iridessa pa ang nagdala ng kanyang meryenda. Nagustuhan niya ang cookies; sakto ang tamis nito para sa kanyang kape. ​Pagpasok ni Iridessa sa work room, kinuha niya ang kanyang cellphone para tawagan si Triton. Ilang ring muna ang lumipas bago ito sinagot. ​[Hello Baby, pwede ba tayong mag-lunch nang sabay?] masigla niyang tanong. ​[Pwede naman, pero kasama natin si Vesper. Inaya niya rin ako kanina at nakapago-oo na ako,] sagot nito, dahilan para mawala ang ngiti sa mga labi ni Iridessa. ​[Okay, walang problema. Diyan ba tayo sa office mo o sa labas?] muli niyang tanong. ​[Pumunta ka na lang dito, Baby. Sige na, I’m busy...] Hindi na nito hinintay na makapagsalita pa si Iridessa; binaba na agad ang tawag. ​Muling hinalikan ni Triton ang mga labi ni Vesper na kanina pa nakaupo sa kanyang kandungan. Agad namang tumugon ang dalaga. Habang naghahalikan, gumagala ang mga kamay ni Triton sa katawan ni Vesper. ​Gigil na gigil niyang pinisil ang puwetan ni Vesper. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay pareho silang natawa. ​"Ano na namang sinasabi ng misis mo, hmm?" nakataas ang kilay na tanong ni Vesper. ​"Mag-lunch daw kami, kaya sinabi kong kasama ka. Hindi pwedeng wala ka, paano ako gaganahang kumain?" nakangising sagot ng lalaki. Matamis namang ngumiti si Vesper pero sa loob-loob niya ay naiinis siya; epal na naman si Iridessa sa kanilang dalawa. ​"Baka magalit na naman si Iridessa. Alam mo namang mainit ang dugo niya sa akin," biglang lungkot ng boses ni Vesper. Gagawin niya ang lahat para lalong magmukhang masama si Iridessa sa mga mata ni Triton. ​"Wala naman akong ginagawang masama sa kanya, pero ang galit niya sa akin ay abot-langit," dagdag pa niyang pag-iinarte. ​"Sshh, wala siyang gagawing masama sa iyo. Ako ang bahala," paglalambing ni Triton. ​"Alam mo ba, noong college pa lang tayo, binantaan niya na ako? Kapag hindi raw kita nilayuan, gagawin niyang miserable ang buhay ko. Kaya hindi mo maalis na matakot ako sa kanya, lalo na ngayong asawa mo na siya," kwentong kasinungalingan niya. Lalo namang nakaramdam ng galit si Triton. Kung alam lang niyang ganito kasama ang ugali ni Iridessa, hindi sana niya ito pinakasalan. ​"Huwag kang matakot. Kapag may ginawa siya sa iyo, hindi ko mapapatawad ang babaeng iyon!" malamig na sagot ni Triton bago niyakap si Vesper. Lihim namang napangiti ang dalaga dahil ramdam niya ang pagkalinga nito. ​Pareho silang napatingin sa pinto nang may kumatok. Agad na umalis si Vesper sa kandungan ni Triton at bumalik sa sariling table. ​Pagbukas ng pinto ay iniluwa nito si Iridessa. Ngiting-ngiti siya habang dala ang kanilang lunch. ​"Hello, Baby," masigla niyang bati kay Triton bago ilapag ang pagkain sa table. Lumapit siya sa asawa at hinalikan ito sa labi. Hinila naman siya ni Triton paupo sa kandungan nito. Nakaramdam ng matinding inis si Vesper dahil sa harapan pa talaga niya naglalandian ang dalawa. ​Nang maghiwalay ang kanilang mga labi, nanatiling nakaupo si Iridessa sa kandungan ni Triton. ​"Okay ka lang ba, Baby?" tanong niya sa asawa habang inaayos ang gulo-gulo nitong buhok. ​"Yes. Let's eat, nagugutom na ako," aya ng lalaki, kaya umalis na si Iridessa sa pagkakaupo. ​Nagtungo si Iridessa sa mini-kitchen para ihanda ang kanilang pagkain. Sumunod naman ang dalawa. Hinawakan ni Triton ang kamay ng dalaga, kilig na kilig naman si Vesper habang naglalakad sila. Pagtingin ni Triton sa mesa, dalawang plato lang ang nakahanda. Kumunot ang kanyang noo, bago pa sila makita ni Iridessa na magkahawak kamay binitawan na nito si Vesper. ​"Bakit dalawa lang, Baby?" tanong nito bago umupo. ​"Hmmm, dapat ba pagsilbihan ko rin ang sekretarya mo? Mayroon naman siyang kamay at paa, at hindi ko trabahong itrato siyang parang prinsesa," sagot ni Iridessa habang seryosong nakatingin kay Vesper, bago binalingan ang asawa nang may ngiti. ​Padabog na kumilos si Vesper. Uupo sana siya sa tabi ni Triton ngunit naunahan siya ni Iridessa. Dahil doon, lalong nagngitngit sa galit ang dalaga. Matalim niyang tinignan si Iridessa na abala sa pag-aasikaso sa lalaking mahal niya. ​"Sir, tungkol pala sa out-of-the-country trip natin, okay na raw ang mga ticket," nakangiting sabi ni Vesper. Gusto niyang ipamukha sa asawa ng kanyang boyfriend na siya ang mas gustong makasama nito. ​"Okay na pala, Baby! Excited na akong ma-meet sila," masiglang sabi ni Iridessa. Nagsalubong ang kilay ni Vesper at nagtatakang napatingin sa kanyang boss. ​"Sinabi mo ba na magdagdag ng isang ticket?" tanong ni Iridessa kay Vesper. Tumango lang ang dalaga at hindi na sumagot. Ang akala niya ay may sasama pang ibang business partner; hindi niya akalaing para kay Iridessa ang ticket na iyon dahil wala namang nabanggit si Triton na sasama ang asawa. ​"At Vesper, ayusin mo ang lahat ng proposals. Dapat hindi ka pumalpak this time, kundi malaki ang mawawala kay Triton," nakangiting bilin ni Iridessa na lalong nagpagigil sa sekretarya. ​"Yes, Ma’am. Isesend ko sa sss para ma-check niyo kung okay," agad niyang sagot. May balak siyang ipahiya si Iridessa para lalo itong kagalitan ni Triton. . . . ~ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD