Naging matunog ang bawat pagtama ng kubyertos sa pinggan sa loob ng opisina ni Triton. Bagaman masarap ang pagkaing inihanda ni Iridessa, tila may bara sa lalamunan si Vesper habang pinapanood ang mag-asawa. Nakaupo si Iridessa sa tabi ni Triton, matiyagang hinihiwa ang karne para sa asawa at paminsan-minsang pinupunasan ang gilid ng labi nito. Isang eksenang pambahay na dinala sa loob ng opisina, at bawat haplos ni Iridessa ay tila sampal sa mukha ni Vesper.
"You should eat more, Triton. You’ve been working too hard lately," malambing na sabi ni Iridessa.
Tumingin lang si Triton sa asawa. Ang kanyang mga mata, na kanina lang ay nagniningning sa pagnanasa habang kahalikan si Vesper, ay tila naging malamig at walang emosyon. "I'm fine, Iridessa. Don't overdo it."
Ngumiti lang si Iridessa, kahit ramdam niya ang panlalamig ng asawa. "Nothing is overdoing it when it comes to you."
Sa kabilang dulo ng mesa, patadog na uminom ng tubig si Vesper. Hindi niya matanggap na sa kabila ng lahat ng paninirang-puri niya kay Triton tungkol kay Iridessa, nagagawa pa rin ng babaeng ito na umakto na parang perpektong asawa.
"Ma'am Iridessa," pagbasag ni Vesper sa katahimikan, "I noticed you’re very involved in the upcoming business trip. I thought you were focusing on the Callantes Group’s local projects?"
Tumingin si Iridessa kay Vesper. Ang kanyang tingin ay nanatiling kalmado.
"Vesper, the Callantes Group has a wide range of interests, therefore it makes sense that, as Triton's wife, I would be in charge of any significant transactions that would have an impact on our family's reputation. Besides, I enjoy traveling with my husband. It’s a rare chance for us to be together away from the mansion."
Napakuyom ng kamao si Vesper sa ilalim ng mesa. "Of course. It’s just that... the schedule is very tight. I’m worried you might find it exhausting. It’s purely professional work, after all."
"I've handled 'exhausting' for years, Vesper. Don't worry about me," makahulugang sagot ni Iridessa.
Nang matapos ang lunch, tumayo na si Iridessa para iligpit ang pinagkainan. Hindi siya tinulungan ni Triton; nanatili lang itong nakasandal sa kanyang upuan habang nagbabasa ng kung ano sa kanyang tablet. Si Vesper naman ay nagkunwaring busy sa kanyang cellphone.
"I'll head back to the house now, Triton. May mga kailangan pa akong ihanda para sa pag-alis natin," paalam ni Iridessa. Lumapit siya at hinalikan ang pisngi ni Triton. "Don't work too late."
"Yeah," tipid na sagot ni Triton.
Pagkasara na pagkasara ng pinto, agad na lumapit si Vesper kay Triton. Yumakap siya sa likod nito at isinandal ang ulo sa balikat ng lalaki.
"See? She’s controlling you again, Triton. Pati ba naman sa business trip, kailangang nakabantay siya? Siguro ayaw niyang malaman mo ang mga ginagawa niya sa likod mo kaya kailangang kasama siya parati," bulong ni Vesper, balak na naman niyang siraan si Iridessa. Gusto niyang nakikita na nagagalit si Triton sa asawa niya.
Huminga nang malalim si Triton. "I know. But Dad likes her. Kapag hindi ko siya isinama, si Dad naman ang makakaaway ko. Hayaan mo na, Vesper. She won't be able to do anything once we're there. You'll still be by my side."
"I hope so," seryosong sabi ni Vesper. "Because honestly, Triton, I'm scared. I saw how she looked at me kanina. Parang gusto niya akong saktan."
Humarap sa kanya si Triton at hinawakan ang kanyang mga kamay. "I told you that I wouldn't let her touch you. Just do your job well, and let's make sure this deal goes through. I need this win to prove to my father that I can handle things without Iridessa's help."
Samantala, habang sakay ng kanyang kotse pabalik ng mansyon, hindi maalis ang ngiti sa mga labi ni Iridessa, ngunit ang kanyang mga mata ay puno ng lungkot. Dahil hindi man lang niya makita kay Triton ang excitement, gaya dati. Ayaw niya namang pag-isipan si Triton na pinagtataksilan siya nito. Malaki ang kanyang tiwala sa asawa. Pero naiirita siya sa mga kinikilos nito Vesper, parang may mali.
Ngunit si Iridessa ay isang Callantes. At ang mga Callantes ay hindi sumusuko sa kung ano ang pag-aari nila.
Pagdating niya sa mansyon, sinalubong siya ni Aling Yolanda. "Ma'am, nakahanda na po ang meryenda ng mga bata sa playroom."
"Salamat, Aling Yolanda. Si Dad po?"
"Nasa opisina pa rin po, Ma'am. Mukhang seryoso ang paghahanda para sa biyahe niya sa Pangasinan bukas."
Tumango si Iridessa at nagtungo sa opisina ni Marcelito. Kumatok siya nang mahina bago pumasok. Nakita niya ang kanyang biyenan na abala sa pag-aayos ng mga papeles.
"Dad? I brought some tea," sabi niya habang inilalapag ang tasa sa mesa.
Tumingala si Marcelito at lumambot ang anyo nito. "Salamat, Dessa. Maupo ka muna."
Naupo si Iridessa sa tapat nito. "Are you really going to the hacienda alone, Dad? Bakit hindi niyo isama si Callisto para may katulong kayo doon?"
Umiling si Marcelito. "Kailangan dito si Callisto para bantayan ang mga bata. Besides, I need the peace. Minsan, kailangang lumayo muna para makapag-isip-isip." Tumingin siya nang diretso sa manugang. "Kumusta ang lunch niyo ni Triton?"
Sandaling nag-iwas ng tingin si Iridessa. "It was... fine, Dad. Kasama namin si Vesper."
Bumuntong-hininga si Marcelito. "Dessa, alam kong mahirap. Alam kong pasensyoso ka, pero huwag mong hahayaan na ubusin ka ng anak ko. Triton is stubborn, and he’s blinded by his own anger."
"I know, Dad. But I promised to stay. I love him, and I love this family," matatag na sagot ni Iridessa.
"You are more than what this family deserves, Iridessa," sabi ni Marcelito nang may halo ng pagsisisi sa boses. Hindi niya masabi sa manugang ang bigat na nararamdaman niya tuwing nakikita itong nagtitiis. "By the way, I heard about the international trip. Be careful. Vesper is not just a secretary; she is a woman with an agenda."
"I am aware, Dad. But she’s playing in my territory now. Hahayaan ko siyang isipin na nanalo siya, hanggang sa wala na siyang matakbuhan."
Napangiti si Marcelito. Iyon ang talinong hinahangaan niya kay Iridessa. Hindi ito basta-basta sumusugod; ito ay naghihintay ng tamang pagkakataon.
Kinagabihan, hindi na nakasabay si Triton sa hapunan dahil nag-overtime ito kasama si Vesper. Kumain si Iridessa kasama ang mga bata at si Callisto. Masaya ang tawanan ng mga apo ni Marcelito, tila walang kamalay-malay sa tensyong bumabalot sa mga matatanda sa bahay.
Pagkatapos nilang mag-dinner, nagtungo si Iridessa sa kanilang silid ni Triton. Binuksan niya ang closet at nagsimulang mag-impake ng mga gamit ni Triton para sa biyahe. Bawat tupi ng damit ay ginagawa niya nang may pag-iingat.
Maya-maya ay narinig niya ang pagpasok ng sasakyan. Alam niyang si Triton na iyon. Hindi nagtagal, bumukas ang pinto ng silid. Pumasok si Triton, mukhang pagod at bahagyang magulo ang kurbata.
"You're late," puna ni Iridessa habang hindi tumitigil sa pag-iimpake.
"Maraming tinapos na trabaho," sagot ni Triton habang hinuhubad ang kanyang relo. "You don't have to do that. I can ask the maid to pack my things."
"I want to do it. It’s the least I can do as your wife," sabi ni Iridessa. Tumayo siya at lumapit kay Triton. Inabot niya ang kurbata nito para kalasin, ngunit biglang hinawakan ni Triton ang kanyang mga kamay para pigilan siya.
"Stop it, Iridessa. Stop acting like everything is okay," inis na sabi ni Triton.
Tumingala si Iridessa sa kanya. "Bakit? Masama bang pagsilbihan ang asawa ko?"
"It’s suffocating! Kaya ko naman gawin hindi na ako bata Iridessa!" Mababakas pa rin sa boses niya ang pagkairta.
Madiin ang pagkakahawak ni Triton sa kamay ng asawa, ngunit hindi nagpakita ng sakit si Iridessa. Sa halip, lumapit pa siya lalo hanggang sa maramdaman niya ang hininga ng asawa. "Because my life is you, Triton. Whether you like it or not, I am the one who carries your name. I am the one who will be beside you when everyone else leaves."
Huminga ng malalim si Triton bago muling nagsalita "I'm sorry pagod lang talaga ako." Paghingi niya ng tawad, dahil baka makahalata na si Iridessa.
"Ihahanda kita ng dinner." Lalabas na sana si Iridessa ngunit agad siyang pinigilan ng asawa.
"Kumain na ako, dumain kami ni Vesper sa restuarant bago umuwi." Isang mapait na tawa ang kumawala kay Iridessa.
"Mabuti pa si Vesper nakakasabay mong kumain, bakit lagi nalang siya Triton? Kaibigan mo lang ba talaga siya?" Sunod-sunod niya na tanong.
Binitawan ni Triton ang mga kamay ni Iridessa at tumalikod.
"Masama bang i-libre ko siya, iyon lang ang alam kong best way para mahupa ang pagod niya sa maghapon. Sobrang busy namin Iridessa, huwag mo naman sanang bigyan ng ibang kahulugan ang pagiging mabuti kong boss kay Vesper."
"Hindi iyon ang nakikita ko Triton, matulog ka na. Ako ng bahalang mag-ayos dito, dahil maaga pa tayo bukas," malamig na sabi ni Iridessa bago bumalik sa pag-aayos ng maleta.
Kinabukasan, maagang umalis si Marcelito patungong Pangasinan. Maikli lang ang naging paalamanan nila ni Iridessa, isang mahigpit na yakap at mga bilin na mag-iingat.
Pagkaalis ni Marcelito, nagsimula na ring maghanda sina Iridessa at Triton para sa kanilang flight. Sa airport, sinalubong sila ni Vesper. Nakasuot ito ng isang fitting na dress, halatang gustong kumuha ng atensyon.
"Good morning, Sir Triton. Good morning, Ma'am Iridessa," bati ni Vesper na may plastik na ngiti.
"Good morning. All set?" tanong ni Triton.
"Yes, Sir. The VIP lounge is ready for us while we wait for boarding," sagot ni Vesper.
Habang naglalakad sila patungo sa lounge, sadyang nagpapahuli si Vesper para makasabay si Iridessa. "Ma'am, I hope you brought enough clothes for cold weather. Sabi kasi ni Triton, gusto niyang mag-night walk kami sa labas ng hotel para pag-usapan ang business."
Tumigil si Iridessa sa paglalakad at hinarap si Vesper. "Oh, don't worry about me, Vesper. I always come prepared. Pero ikaw, sigurado ka bang handa ka na? Because this trip... this will be a turning point for everyone. Siguraduhin mong hindi ka mapapahiya sa harap ng mga investors."
Nawala ang ngiti ni Vesper. "Anong ibig ninyong sabihin?"
Ngumiti nang matamis si Iridessa. "Nothing. Just a friendly advice from your boss’s wife. Let's go? Ayaw nating paghintayin si Triton."
Sa loob ng eroplano, magkatabi sina Triton at Iridessa sa Business Class, habang si Vesper ay nasa upuan sa likuran nila. Hindi mapakali si Vesper. Kanina pa niya sinusubukang kausapin si Triton pero abala ito sa pakikipag-usap kay Iridessa tungkol sa mga detalye ng proposal. Nagugulat siya dahil tila mas maraming alam si Iridessa sa mga numerong dapat nilang i-present kaysa sa kanya.
"Actually, Triton, I reviewed the market analysis Vesper sent last night. There’s a 5% discrepancy in the projected ROI. We need to fix that before the meeting tomorrow," seryosong sabi ni Iridessa habang nakaturo sa laptop.
Napatingin si Triton sa screen. "Are you sure? Vesper said she double-checked this."
"I am sure. I’ll fix it for you. You should rest during the flight," sabi ni Iridessa.
Mula sa likuran, narinig ni Vesper ang lahat. Nag-init ang kanyang ulo. Sinadya niyang ibahin ang mga numero para magmukhang mas maganda ang deal, hindi niya akalaing papatulan iyon ni Iridessa nang ganoon kabilis.
'Akala mo ba matalino ka talaga, Iridessa? Humanda ka bukas. Sisiguraduhin kong hindi mo magagamit ang boses mo sa harap ng mga kliyente,' sa loob-loob ni Vesper.
.
.
.
~ITUTULOY