CHAPTER 87: WAKAS

2015 Words

Dumating ang araw na matagal na nilang pinakahihintay—ang kanilang unang Wedding Anniversary. Sa loob ng halos mahigit isa't kalahating taon na paninirahan sa London, tila dito lamang nila nahanap ang tunay na kahulugan ng salitang tahanan. Hindi ito ang mansyong napapaligiran ng matataas na pader, kundi ang bawat gabi na payapa silang nakakatulog at bawat umaga na nagigising silang walang halong kaba sa dibdib. Dito, sa gitna ng banyagang lunsod, nila naranasan ang tunay na diwa ng pagiging mag-asawa—iyong walang iniintinding banta, walang nakatagong kaaway na nagmamanman sa bawat kanto, at walang iniisip na gulo na maaaring sumira sa kanilang katahimikan. Upang ipagdiwang ang espesyal na milestone na ito, minabuti nilang mamasyal na silang tatlo lang. Isang desisyon na dati ay imposible

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD