Ang araw ng binyag ni Marcellius De Villa ay tila isang piyesta sa gitna ng London. Ang langit ay asul na asul, walang bakas ng ulan, at ang simoy ng hangin ay may dalang tamis ng tagsibol na tila nakikisama sa ligayang nadarama ng pamilya. Isang pribadong kapilya sa Kensington ang napuno ng naglalakihang puting mga bulaklak—mga lilies at white roses na sumisimbolo sa kadalisayan ng kanilang bagong simula. Sa labas ng kapilya, nakaparada ang pamilyar na mga itim na sasakyan ng mga De Villa, ngunit sa pagkakataong ito, walang mga armadong tauhan na nakabantay sa bawat kanto o nakakuyom ang kamao. Ang kapaligiran ay hindi balot ng tensyon o takot, kundi ng purong pananabik para sa isang masayang pagtitipon. Sa loob ng simbahan, si Iridessa ay nagniningning sa kanyang puting lace dress. Ang

