Kinabukasan, habang ang sikat ng araw sa London ay sumisilip sa mga bintana ng townhouse sa Kensington, isang kakaibang "training session" ang nagaganap sa sala. Pinagbigyan nina Marcelito ang kanilang mga asawa na sina Iridessa, Danika, at Cressida na matulog nang mahaba upang makabawi mula sa jet lag at pagod. Si Marcelito, na naka-suot ng apron sa ibabaw ng kanyang kaswal na polo at may nakasabit na tuwalya sa balikat, ay mukhang isang heneral na naghahanda para sa digmaan. Sa harap niya ay sina Callisto at Calypso na mukhang mga recruit na hindi alam kung saan magsisimula. "Listen up," seryosong sabi ni Marcelito habang nakaturo sa diaper na nakalatag sa mesa. "Akala niyo ba ang pagpapatakbo ng kumpanya ang pinakamahirap na trabaho? Mali. Ang pagpapalit ng diaper ni Marcellius haba

