Limang buwan ang mabilis na lumipas. Ang bawat araw nina Marcelito at Iridessa sa Kensington ay naging tila isang payapang tula. Si Marcellius ay hindi na ang maliit na sanggol na dala nila mula sa ospital; ngayon, siya ay limang buwan na, malusog, maputi, at may mga tawang sadyang nakakahawa. Ang dating seryosong mansyon sa Tagaytay ay tila isang malayang alaala na lamang, hanggang sa isang hapon, ilang araw bago ang nakatakdang binyag ng bata. Kasalukuyang nasa sala si Iridessa, nilalaro si Marcellius na abala sa pag-abot sa kanyang mga paa, nang makarinig sila ng sunod-sunod na busina at ingay ng mga boses sa labas ng kanilang townhouse. "Marcelito, parang ang gulo sa labas? Si Graciana ba 'yan?" tanong ni Iridessa habang kinakalong ang anak. Sumilip si Marcelito sa bintana at biglan

