Maganda ang sikat ng araw habang tinatahak ng sasakyan nina Iridessa ang paliko-likong daan pababa ng Tagaytay. Sa loob ng sasakyan, puno ng tawanan at asaran ang atmospera, malayo sa anumang kaba o panganib. "Grabe, Iridessa, aminin mo... hindi ka nakatulog kagabi no?" panunukso ni Danika habang nakatingin sa rear-view mirror. "Yung mga mata mo, parang kulang sa pikit pero sobra sa ningning." Natawa nang mahina si Cressida sabay siko kay Iridessa. "Kaya nga! At saka, nakita ko 'yung tinginan niyo ni Papa Marcelito sa kusina kaninang madaling-araw nung uminom ako ng tubig. Muntik na akong bumalik sa kwarto dahil parang may sarili kayong mundo doon." Namula ang mga pisngi ni Iridessa. "Kayo talaga, ang aga-aga ang dudumi ng isip niyo. Nagluto lang si Marcelito ng sopas dahil nagutom kami

