Matapos ang kanilang masayang almusal kung saan busog na busog si Iridessa sa hiling nitong buttered shrimp, agad na inasikaso ni Marcelito ang kanilang huling paghahanda. Nakaimpake na ang lahat ng kanilang mga gamit kagabi pa lang; ang mga maleta ay maingat nang naisakay ng mga tauhan ni Marcelito sa chopper upang wala na silang ibang iisipin kundi ang kanilang pag-alis. "Are you ready, my Queen?" tanong ni Marcelito habang inaalalayan si Iridessa na tumayo. "Ready, Marcelito. Pero medyo kinakabahan ako, first time nating lilipad nang ganito na may kasamang 'maliit na boss' sa loob ko," biro ni Iridessa habang hinahaplos ang kanyang tiyan at nakatingin nang malambing sa mga mata ng Don. "Don't worry, I'll be right beside you. I planned everything to be as smooth as possible," pan

