Pagbukas ni Marcelito ng pinto, balot ng nakabibinging katahimikan ang buong penthouse. Inasahan niyang sasalubungin siya ng ingay ng TV o kaya’y ang boses ni Iridessa, pero wala siyang narinig. Dahan-dahan siyang pumasok sa silid at nadatnan ang dalaga na nakahiga sa kama, nakatalikod sa pinto at tulala lang na nakatingin sa malayo, sa labas ng bintana kung saan unti-unti nang lumulubog ang araw. "Baby? I'm home," malambing na tawag ni Marcelito. Walang sagot. Hindi man lang gumalaw si Iridessa o lumingon man lang sa kanya. Mukhang malalim ang iniisip nito at ramdam ni Marcelito ang bigat ng hangin sa loob ng kwarto. Akala niya ay gusto lang muna nito ng mapayapang sandali, kaya huminga siya nang malalim at nagpasyang lumakad na muna patungong closet room para magpalit ng damit at big

