Habang nakasandal sa headboard ng kama, biglang napatuwid ng upo si Iridessa. Kanina pa siya balisa, tila may kung anong lasa na pilit niyang hinahanap sa kanyang panlasa na hindi maibigay ng mga biskwit o tubig na nasa tabi niya. "Marcelito..." tawag niya sa mahinang boses, pero may himig ng pagmamadali. Agad na lumapit si Marcelito mula sa pag-aayos ng kanyang gamit. "Yes, baby? Masama ba ang pakiramdam mo? Nasusuka ka ba?" Umiling si Iridessa, ang mga mata ay nagniningning sa ideyang pumasok sa isip niya. "Gusto ko ng mangga. 'Yung maasim na manggang kinalabaw. Pero... gusto ko isasawsaw ko sa kape." Napakunot ang noo ni Marcelito. "Kape? Ipagtitimpla kita? Diba bawal sa'yo ang masyadong maraming caffeine?" "Hindi, Marcelito," pagtatama ni Iridessa, sabay hila sa laylayan ng damit

