Pagkababa ng telepono, hindi na nag-aksaya ng oras si Marcelito. Imbes na iutos sa secretary, siya na mismo ang nag-drive. Alam niya kasing kapag cravings ng buntis, hindi pwedeng malapit na sa lasa—dapat ay eksakto. Habang nagmamaneho, mabilis niyang tinawagan ang kanyang head of security. "Maghanap kayo ng pinakamalapit na simbahan o reception hall na may nagkakasal ngayon. I need a location in five minutes!" Hindi nagtagal, nakatanggap siya ng text. May nagaganap na simpleng wedding reception sa isang function hall sa Makati, ilang blocks lang ang layo sa kanya. Agad niyang pinihit ang manibela at humarurot papunta roon. Pagdating niya sa labas ng hall, nakasuot pa rin siya ng kanyang mamahaling suit na ginamit niya sa pakikipagbakbakan sa mga board members kanina. Pagbaba niya ng

