Sa rebelasyong ito, lalong bumigat ang tensyon sa loob ng madilim na warehouse. Hindi lang ito basta paghihiganti ng isang talunang kaaway; ito ay isang madugong paghaharap ng mag-ama. “Hindi ka sumunod sa usapan Papa Marcelito!!” Galit na sigaw ni Triton, nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sa kanyang ama. “Kahit sino gagawin ito, sumuko ka na Triton!” Seryoso na sagot niya. Mahinang natawa ang binata magsasalita pa sana ulit siya ngunit. Nagsimula ng sumugod ang mga police, sunod-sunod na putok ng baril at ang pagbalot ng makapal na usok sa buong paligid. Sa gitna ng kaguluhan, mabilis na kumilos si Marcelito. Sa kabila ng sakit ng kanyang katawan, ginamit niya ang pagkakataon para sikutin ang bantay niya at mabilis na gumapang patungo sa kinaroroonan ni Iridessa. "Iridess

