CHAPTER 78

2001 Words

Matapos ang ilang linggong pananatili sa ospital, tuluyan nang naghilom ang mga sugat ni Marcelito. Bagaman may kaunting kirot pa kung minsan sa kanyang balikat, ang mahalaga ay malakas na siya at handa nang harapin ang bagong yugto ng kanilang buhay. Ang unang pinuntahan nila pagkalabas ng ospital ay hindi ang kanilang mansyon, kundi ang klinika ng OB-GYN ni Iridessa. Ito ang araw na matagal na nilang hinihintay—ang malaman kung sino nga ba ang maliit na anghel na nagligtas sa kanila sa gitna ng panganib. Sa loob ng klinika, mahigpit ang hawak ni Marcelito sa kamay ni Iridessa habang nakahiga ang dalaga sa examination table. Amoy-alkohol at malinis ang paligid, malayo sa amag at dilim ng warehouse na huli nilang pinagsamahan. "Excited ka?" bulong ni Marcelito sabay halik sa noo ng asaw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD