CHAPTER 61

2023 Words

Mabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa naging linggo ang pananatili nina Iridessa at Marcelito sa Tagaytay. Ngunit sa kabila ng ganda ng paligid, naging hamon para kay Iridessa ang kanyang pagbubuntis. Ang kanyang morning sickness ay naging all-day sickness na minsan, at ang kanyang panlasa ay naging sobrang pihikan. Alas-syete na ng gabi, at habang nakasandal si Iridessa sa malambot na headboard ng kanilang kama, bigla siyang nakaramdam ng isang kakaibang pananabik. Hindi ito ang karaniwang gutom; ito ay isang matinding craving. Lumpiang Shanghai. Ngunit hindi basta-bastang shanghai. Sa kanyang isipan, nalalasahan niya ang malutong na balat ng lumpia, pero ang laman sa loob ay hindi ang nakasanayang giniling na baboy o baka. Gusto niya ay galunggong—isang malinamnam at pritong gal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD