Maghapon na nanatili si Iridessa sa loob ng kanilang kwarto. Ang kaninang iritasyon dahil sa amoy ng cheese ay napalitan ng matinding antok na tila humihigop sa lahat ng kanyang lakas. Hinayaan lamang siya ni Marcelito, batid na ang katawan ng dalaga ay dumadaan sa matinding pagbabago dahil sa kanilang maliit na boss. Ayaw niyang ma-stress ito, kaya kahit ang bawat galaw sa loob ng mansyon ay ginawa niyang tahimik para hindi mabulabog ang tulog ng kanyang Queen. Habang nagpapahinga si Iridessa, abala naman si Marcelito sa labas. Hindi siya mapakali sa loob ng bahay kaya minabuti niyang personal na pangunahan ang pag-aayos ng kanilang malawak na garden. Nakatayo ang Don sa gitna ng damuhan, nakasuot na lamang ng isang simpleng puting t-shirt at pantalon, malayo sa kanyang karaniwang por

