Pagod na pagod si Marcelito habang lumalabas sa main office ng kumpanya ni Ledger sa New York. Halos maghapon siyang nakatutok sa mga papeles at legalities ng Callantes Corp. bago ang pinaka-highlight ng gabi—ang huling serye ng Gala. Habang naglalakad siya sa hallway patungo sa elevator, kasabay niya si Ledger na hindi rin maikakaila ang pagod pero bakas ang excitement. "You look like you're about to collapse, Marcelito. Cheer up! The Gala tonight is just the victory lap," sabi ni Ledger sa wikang Ingles habang inaayos ang kanyang cufflinks. "I’ve spent ten hours looking at numbers, Ledger. My mind is in Tagaytay, not in some ballroom," tipid na sagot ni Marcelito, habang nanatiling seryoso ang kanyang boses Bago pa sila makarating sa lobby, hinarang na sila ng tatlo sa kanilang pinak

