Tinitigan siya ni Marcelito nang diretso, walang kurap, at puno ng pandidiri. "Iyan ang pinagkaiba nating dalawa, Margareth. Akala mo lahat ng bagay ay pwedeng mabili o maitago. Pero para sa akin, si Iridessa ang kaisa-isang katotohanan ko." Inilabas ni Marcelito ang kanyang phone at pinindot ang home screen. Ipinakita niya kay Margareth ang wallpaper niya—isang candid na kuha ni Iridessa habang tumatawa, walang make-up, at mukhang napakasaya habang nasa garden ng Tagaytay. "Tignan mo siya," sabi ni Marcelito. "Iyan ang kaisa-isang babaeng gusto kong makita habang-buhay. Kahit gaano kislap ang New York, ang tanging view na gusto ko ay ang paggising niya sa umaga. Kaya kung naghahanap ka ng 'kalaro' sa gabi, humanap ka ng iba. Dahil ang mga gabi ko ay pag-aari na niya, kahit magkakalayo p

