Malamig at mahamog ang umaga sa Tagaytay. Sa malawak na beranda ng rest house, nagtitipon ang apat na babae para sa isang masaganang almusal. May amoy ng bagong saing na sinangag, mainit na tsokolate, at prinitong danggit. "Hay, Iridessa, kumain ka pa ng marami. Kailangan niyo 'yan ni baby," sabi ni Cressid habang nilalagyan ng prutas ang plato ni Iridessa. "Salamat, Cressid. Pero aminin niyo, kahit gaano kasarap ang pagkain, parang may kulang talaga kapag wala si Marcelito," buntong-hininga ni Iridessa habang pinaglalaruan ang kanyang tinidor. "Isang linggo pa raw bago siya makauwi. Nakaka-miss din pala 'yung pagsusungit niya." May bahid ng lungkot ang kaniyang boses. Natawa si Roxieleen habang humihigop ng kape. "Naku, Iridessa! Konting tiis na lang. Isipin mo na lang, baka pagbalik

