Chapter 118

1718 Words

Kinabukasan, nagising si Shantelle na magaan ang pakiramdam. Napalingon siya sa katabing unan. Wala ng nakahiga, naisip niya na baka maagang pumasok ng opisina si Stanley. Nag-inat muna siya at bumangon na saka pumasok ng banyo para maghilamos. Hindi muna siguro siya papasok sa trabaho, gusto niya magpahinga. Pagkatapos maghilamos ay agad na siyang bumaba. Nasa hagdanan siya nang may marinig siyang nag-uusap sa baba. "Hindi pa umaalis si Stanley?" bulong niya. Napaisip siya kung bakit hindi ito pumasok. Pagkababa niya ay nadatnan niya ang dalawa sa living room. "Hindi ka pumasok?" tanong niya ng makalapit rito. "Mamaya pa siguro," tugon nito sabay halik sa pisngi niya. Bigla naman nahiya si Shantelle dahil naroon si Uncle Dan. "Good morning, Young Mistress," bati ni Uncle Dan. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD