Reynald had just woken up. He took a shower and change his clothes, preparing to go downstairs for breakfast. When he arrived at the dining area, he heard his parents discussing something. "Hanga din ako kay Stanley, bukod sa magaling sa pamamalakad sa kumpanya ay magaling rin magpaibig ng babae. Biruin mo ikinasal na gusto pa bigyan ng pangalawang kasal ang asawa," kumento ng ama ni Reynald. "Hangang hanga ka nga kay Stanley pero sa sarili mong anak hindi mo magawang humanga, samantalang magaling rin naman siya sa lahat ng bagay. Maging proud ka rin sa kanya and please, you should stop scolding our son in the future," sabat ng ina ni Reynald. "Bilang ama karapatan kong turuan siya sa lahat ng bagay. At isa pa may katigasan rin naman ang ulo ng anak mo na iyan. Madalas niyang suwayin

