Ang Aming Unang Pag-uusap

1016 Words
Matagal kong pinag-isipan kung paano ako makakapagpakilala sa kanya. Matapos kong mag-isip ng ilang beses, nagdesisyon akong lumapit sa kanya sa isang tanghalian habang siya ay nagpapahinga sa ilalim ng puno ng mangga, hindi ko alam kung bakit sa puno na iyon Ang kaniyang paboritong tambayan tuwing lunch time siguro dahil mas natural ang lamig ng hangin? kasi ayaw niya sa room na may aircon? Nang makita niya ako na nagpakaba sa aking dibdib na naiisipan ko nalang na umabante pa atras. Ngunit hindi ako sumuko at lumapit parin ako sa kanya. Sa bawat hakbang ko, tila ba bumibilis ang t***k ng aking puso, iba talaga impact ng mga kalbo, tunay na nakakabliw. "Uhm, hi. Kamusta ka?" ang aking bati. Napalingon siya sa akin at ngumiti ng kaaya-aya. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kinabahan nang ngumiti siya sa akin. "Okay lang. Ikaw?" sagot niya. "Mabuti naman. Ako pala si Royie. Ikaw, ano ang pangalan mo?" tanong ko sa kanya. "Ako namn si Vinny. Nice to meet you," sabi niya. Nagsimula kaming mag-usap tungkol sa aming mga klase, sa aming mga paboritong bagay, at sa mga bagay na pinagkapareho at pinagkaiba namin, lalo na about sa program na tinitake namin at sa mga teacher na terror. Hindi ko alam kung bakit, ngunit tila ba walang tigil ang paghanga ko sa kanya habang nag-uusap kami na siyang patunayan na dapat Kong ipagpatuloy ang nararamdaman ko para sa kaniya. Mukha lang akong seryoso at normal tignan habang nag uusap kami pero deep inside gusto ko na maihi sa sobrang kilig na nararamdaman ko para sa kanya. Nang magtapos ang aming maikling pag-uusap, hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Pero hindi ako nagpatalo sa kaba ko at nagpaalam sa kanya. Nag paalam ako sa kanya dahil sa next class ko, mahalaga padin ang pag aaral ko kaysa sa landi, paano ko mapapaimoress si baby Vinny kung sa study palang bagsak na ako, pero bagsak na bagsak nako sa kanya. Nais ko pa sana mag tagal sa tabi niya dahil sa amoy expensive niyang pabango, kaya babaunin ko pag pauwi sa bahay ang kaniyang bango at mga ngiti na aking nasilayan habang kausap niya ako. Hindi ko inexpect na mag kekwento siya sa akin dahil hindi namn niya ako kilala at magkaiba pa kami Ng program, which is sign na mahihiya siya sa akin pero hindi, dahil nakangiti siya habang nag kekwento sa harap ko. "Masyadong nagpapakalunod sa pag-aaral. Kailangan ko na ring bumalik sa klase. Hanggang sa muli, Vinny, nag enjoy ako kakwentuhan ka, sa ibang araw ulit" sabi ko sa kanya. "Hanggang sa muli, salamat sa maikling conversation" sagot niya. Matapos ang aming unang pag-uusap, hindi ko mapigilang hindi kiligin sa aking sarili sa tuwing naiisip ko siya dahil nga sa mga ngiti niya habang kausap ako. At sa bawat sandaling kasama ko siya, tila ba lumalawak ang mundo ko at hindi ko na muling naisip itanong sa kaniya kung bakit siya nagpakalbo. Dahil sa kanyang mga salita, mga kilos, at mga ngiti, hindi na ako nakakapag-isip ng kahit na anong iba pa kundi siya lamang. Ang sarap sa feeling na papasok ako sa next class ko na may sayang dumadaloy sa katawan ko, hindi ko maiexplain Ang nararamdaman ko ngayon kasi unexpected talaga yung ngiti niya. Thankful din ako sa sarili dahil sa kabila ng hiya at kabang naramdaman ko nung una, ay magagawa kong lapitan siya at kausapin kaya proud na proud ako sa kalandian ko etse sarili ko. Uuwi ako mamaya na hindi tumitigil sa pag ngiti ang aking bibig, pag kislap ng aking mga mata, at pag isip sa mga kwinento niya. Masiyahin talaga akong tao pero iba parin Ang sayang naramdaman ko kanina, kaya siguro Hindi napapansin ng aking mga kaibigan na mas masaya araw ko ngayon kaysa sa kahapon. Sa bagay. Naniniwala ako sa curse na kapag ikwinento mo agad sa mga kaibigan mo ang taong nagugustuhan mo ay hindi nag kakatuluyan o kaya naman ay isa akong kabit, kaya isinekreto ko muna ito sa kanila. Sana maulit muli yung mga bagay na nangyari kanina dahil sobrang nawala ang pagod at stress na naramdaman at nakuha ko sa klase kaninang umaga. Nang patapos na ang klase namin ngayong araw, bigla nalang na pansin Ng aking professor na kanina pa raw ako nakangiti pag pasok palang niya kaya tinanong niya agad ako Ng "Royie? May maganda bang nangyari sayo ngayong araw? Napansin ko kasi na kanina Kapa nakangiti kahit antok na antok na mga klasmeyt mo sa klase ko, Ikaw is nakangiti parin" Sabi ni professor. "Sir wala Po, masarap lang po ulam ko kaninang tanghali" sabi ko "Kailan pa naging masarap ang nilagang itlog na ulam sa tanghali?" sigaw ni frenny ko nasi Vimie Napatawa nalang ang lahat sa naging tugon ni Vimie, mabuti narin at hindi nila nahalata na lalaki ang dahilan sa mga ngiti nakaukit sa aking mukha. Marami kasing professor ang makakaalam nito kung sasabihin ko sa kanila na lalaki ang dahilan nito, kaya hindi ko na lamang sineryoso ang naging tanong sa akin. Way para maging safe sa chismis. Pagkatapos namin sa klase ay agaran ko agad na inaya ang kaibigan ko na si Vimie na umuwi, dahil sa kagustuhab ko na mag emote at mag wala sa saya na ako lang ang nakakita. Gusto ko rin matulog agad dahil sa sobrnag stress at pagod na nararamdaman ko at baka mawala ulit ito kapag si Vinny na ang pumasok sa panaginip ko. Hinihiling ko talaga na mapanaginipan ko siya para sipagin akong gumising at pumasok sa school sa maagang oras, mag babakasakali na ganoong oras din ang pasok ni Vinny. Wala naman ako alam sa schedule ng mga computer engineering kaya nag babakasakali ako na siya bububgad sa mata ko pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang sa Campus. Hindi naman masama ang mag imagine at mag assume ang mahalaga is sarili ko ang masasaktan at hindi ang iba. "Libre lang ang mangarap" Sabi nila Kaya nilulubos ko na, na sana si bukas siya ang bubungad sa mga mata ko pagkapasok ko pa lamang sa campus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD