NASA byahe na kami at kabado ako beynte sa mangyayari mamaya. Bahala na talaga ang mahalaga ay magkita si Caius at si Fitz. Nakarating kami sa harap ng gate ng bahay namin at napansin ko na may naka park na sasakyan sa labas ng gate. Kotse yun ni Dilan kaya napasapo ako sa noo ko kung ano na naman ba ang ginagawa niya. "Mukhang may bisita kayo," saad pa ni Caius sa 'kin kaya napalingon ako sakanya. "Si Dilan. Mukhang nasa bahay namin," sagot ko saka tinanggal ang sout kong seat belt. Tinanggal na din ni Caius ang seat belt niya saka kami sabay na bumaba ng kotse at isinara ang pinto. Lumapit pa sa 'kin si Caius at pinag siklop ang kamay namin dalawa. Nag doorbell ako kaya mabilis na bumukas ang gate at bumungad sa 'kin si manong na taag bukas ng gate namin. Binati pa niya kami kay ngum

