NAGISING ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha. Nakatulugan ko pala kagabi ang pag iyak ko dahil sa sinabi ni daddy kay Caius. Tinanghali na tuloy ako ng gising at tirik na tirik na ang araw. Hindi ko kasi makalimutan ang mga sinabi niya na ayaw niya si Caius para sa 'kin. Nagkulong lang ako sa kwarto at hindi na lumabas pa. Panay pa ang katok ni mommy sa labas ng kwarto ko ngunit hindi ko siya pinagbubuksan. Ayaw kong makipag usap kahit kanino. Gusto ko lang muna mapag-isa. Maging ang anak ko ay hindi ko pinapasok sa kwarto. Alam ko naman na do'n siya matutulog sa kwarto ng adopted child ni mommy at daddy. Nagtatampo talaga ako kay daddy, hindi ko gusto ang mga sinabi niya. Mas lalo pa akong na galit dahil kinuha ni daddy kagabi ang cellphone ko. Wala na akong nagawa at ibini

