PUMAYAG ako sa gusto ni Eugene kaya heto ako naglilinis ng sala niya. Hindi na niya ako pinalabas ng bahay, kahit kumuha ng damit ay hindi na ako pinayagan. Binilhan na lang niya ako ng mga damit na gagamitin ko sa three months na stay ko dito. Nag send narin ako ng message kay Anna at sinabing magbabaskyon lang ako. Maging si daddy at mommy ay sinabihan ko din para hindi sila mag-alala kapag hindi nila ako nakita. Nag angat ako ng mukha at nakita si Eugene na nakaupo sa pang isahang upuan habang nagbabasa ng libro. Wala paring pinagbago, mahilig parin siya magbasa. Itsura lang talaga niya ang nagbago pati na ang ugali. Hindi niya ako pinapansin at para lang akong hangin sakanya. Gusto ko sana siyang kausapin pero pinipigilan ko nalang at baka mapahiya pa ako at hindi sagutin. Two days

