UMIIKOT ang paningin ko habang panay na ang tawa ko. Namamanhid na din ang buo kong katawan dahil siguro sa alak. Ngunit patuloy pa rin ang pag lagok ko ng alak. Panay din ang order ko ng red horse kapag naubos na ang inorder namin. Yung iba kong mga kasama ay nagsasayawan sa dance floor kaya panay lang ang tingin ko sakanila. Kaming dalawa ang naiwan ni Anna dito sa table para samahan ako. Alam kong gusto niyang makisabay sa mga kasamahan niya ngunit hindi niya magawa dahil binabantayan niya ako. Humarap ako kay Anna saka ko inilapag ang hawak kong baso sa table. Binuksan ko ang sling bag ko saka ko kinuha ang pera na pang bayad ko sa ininom namin. "Anna.." tawag ko sakanya kaya tumingin siya sa 'kin. "Ano po yun, Ma'am Sunshine? Naiihi ka po ba?" Tanong niya sa 'kin. Umiling nama

