NANDITO AKO sa classroom habang nakikinig sa teacher namin. Hindi na ako umupo katabi sila Zoey at Themz simula ng mangyari yun. Nasa unahan na ko hindi katulad dati na nasa likod ako. Hindi ko na din sila pinapansin. Kung pwede nga lang lumipat ng eskwelahan pero hindi ko ginawa dahil masyado ng late, second grading na kaya hindi ko na sinubukan. Baka next school year nalang ako lilipat. Apat na araw na simula ng mangyari yun, apat na araw na din na hindi ko nakikita si Eugene. Pumupunta ako ng classroom niya pero lagi siyang wala. Ang sabi ng mga classmate niya ay apat na araw na daw siyang hindi pumapasok. Nag-aalala ako sakanya kaya panay ang text ko kay Eugene. Ganun parin ang routine ko, tinatanong ko pa din siya kung kumain na ba siya o kung kamusta na siya. Pero kahit isa.. wa

