NAKATITIG lang ako kay Sebastian at hinihintay ang sasabihin niya. "Kasal na kayo ni kuya?" Tanong niya na halatang hindi makapaniwala. Ang mga mata niya ay nakatuon lang sa kamay ko na may suot na wedding ring. "Yes. Last week lang. Hindi ba nasabi ni Perseus sa'yo?" Nakangiti kong tanong sakanya. "Hindi. Baka naman fake ang kasal niyo kaya hindi niya binalita sa 'kin pati narin kay mommy." Saad niya kaya bigla akong natigilan. "Hindi fake ang kasal namin, Sebastian. Totoo yun dahil mahal namin ang isa't-isa." Seryoso kong sabi. "How sure you are, Aerith? Hindi ba't bago lang kayong dalawa ni kuya. Hindi pa nga yata kayo umabot ng four months pero buntis ka na at kasal na kayo." Sabi niya na parang tutol sa pagsasama namin ni Perseus. "Wala sa tagal yun, Sebastian." Sagot ko. Napa

