HINDI AKO mapakali ka hihintay kay Perseus. Gabi na pero hindi parin siya umuuwi. Naka ilang tawag na ako pero naka patay parin ang phone niya. Tumawag na ako sa secretary niya pero may pinuntahan daw si Perseus kanina at hindi na daw bumalik pa sa kompanya. Ang akala daw ng secretary niya ay umuwi dito sa bahay kaya hindi bumalik ng opisina. Nandito ako ngayon sa sala kasama si ate Susan. Sinamahan niya ako sa paghihintay kay Perseus. Inabotan ako ni ate Susan ng isang basong gatas na agad ko namang tinanggap. Umupo siya sa bakanteng upuan habang nag aalala ang mukha niya sa 'kin. "Ma'am Aerith, kailangan mo na po matulog. Malapit na po mag 1AM. Baka po mapagalitan kami ni sir Perseus kapag nalaman niyang napuyat ka." Sabi sa 'kin ni ate Susan. "Ayos lang po ako, ate Susan. Hindi p

