PAUWI KAMI ni Perseus ng Manila ngayong araw. Umiiyak ako habang nasa kotse dahil mami-miss ko ang mga kapatid ko. Kanina pa ako pinapatahan ni Perseus pero talagang hindi ko mapigilan. Nalulungkot lang talaga ako. Pero nangako naman si Perseus na babalik ulit kami para mag bakasyon. Yung dalawa kong kapatid ay hindi naiyak dahil si Perseus naman daw ang kasama ko. Alam daw nila na nasa maayos daw ako. "Matulog ka muna, meu amor. Malayo oa byahe natin." Malambing na sabi ni Perseus habang nakatuon ang mga mata sa daan. "Buti hindi ka inaantok.." sabi ko sa kanya dahil matagal siyang natulog kagabi. Nag inuman kasi sila ng mga tiyuhin ko, ayaw ko sanang pumayag dahil ba-byahe kami. Pagkatapos icelebrate ang birthday ko ay kinabukasan ay agad sinimulan ni Perseus ang pag pa renovate

