NAPAKAGAT ako sa ibabang labi ko ng bigla akong lapitan ni ma'am Vanesa at hinawakan sa braso. "Makinig kayong lahat sa 'kin." Bigla niyang sabi sa malakas na boses. Napahinto pa ang mga taong dumadaan kaya bigla akong natakot at kinakabahan. "Ang babaeng 'to ay isang gold digger. Nilandi lang naman niya ang kanyang boss para umahon sa hirap." Sabi ni Ma'am Vanesa kaya nag bulungan ang mga tao. "H-Hindi po totoo yan Ma'am Vanesa.." nauutal kong sabi. Matalim niya akong tinignan saka ngumisi na parang demonyo. "Really? Eh lahat yata ng gamit ng mga pamilya mo ay si Perseus ang gumastos. Pineperahan mo talaga siya eh no! Mababang uri ka talagang babae ka. Ano? Kapalit ba ng tulong ni Perseus ay ang katawan mo? How cheap.." pang iinsulto niya sa 'kin. "Ano? Hindi ka naka sagot no! Dapa

