Chapter 5

2080 Words
NAGLULUTO ako ng nilagang baboy para sa hapunan. Malapit na mag 5PM kaya kailangan magsimula na akong magluto at baka gutom na si sir Perseus. Kanina nang matapos akong maglinis ng bahay ay tinawagan ko si ate Cana. Tinanong ko siya tungkol sa dapat ba kami mag sabay kumain ni sir Perseus. Ang sabi niya ay hindi daw, dapat daw nahuhuli ako pagkatapos daw kumain ng boss ko. At ang sabi niya ay bawal daw ako kumain sa dinning area dahil meron naman daw sa labas ang dirty kitchen. Pwede daw ako do'n kumain. Napaikot pa talaga ako kanina sa bahay dahil ang sabi ni ate Cana may pinto daw do'n malapit sa laundry are papuntang dirty kitchen. Dati kasi daw nakapag linis si ate Cana dito sa bahay ni sir ng walang mahanap na katulong agad kaya alam niya ang pasikot-sikot sa bahay. Hindi ko nalang sinabi kay ate Can na nag sabay kaming kumain kaninang umaga ni sir. Baka mapagalitan pa niya ako, lalo na kapag nalaman niyang si sir Perseus nagluto. Si ate Cana pa naman ang nag papasok sa 'kin ng trabaho kaya ayaw ko siyang mapahiya. Pati yung maid's room ay tinanong ko din, kaya ayon yung mga damit ko sa kwarto na tinuro ni sir Perseus ay nilagay ko ulit sa bag ko. Mamaya ko kakausapin si sir na do'n nalang ako sa maid's room. Tinanong ko din ang tungkol sa third floor at baka naka punta na si ate Cana do'n, ngunit maging siya ay hindi pa daw nakaka akyat do'n. Tanging si sir Perseus lang daw ang pwedeng umakyat do'n at siya lang daw ang naglilinis. Pinagbabawal daw yun ni sir Perseus puntahan ng mga maid kaya talagang nagtataka ako kung anong nandon sa third floor. Kahit gusto kong malaman ay pinipigilan ko ang sarili ko. Ayaw kong mawalan ng trabaho kaya dapat behave lang ako. Kailangan kong sundin ang mga sinabi sa 'kin ni ate Cana. Maaga din daw nagigising si sir kaya dapat agahan ko daw ang gising mga 3:30AM. Kaya mamaya pag tulog ko mag a-alarm talaga ako para hindi ako maunahan ni sir Perseus. Baka hindi na niya ako bigyan ng chance kapag na late ako ng gising. Hinayaan ko muna ang niluluto ko, hinugasan ko nalang muna ang mga ginamit kong plato kanina at sangkalan. Siniguro ko din na malinis ang lababo. Habang ginagawa ko yun ay narinig ko ang tunog ng sasakyan. Nanlaki ang mata ko dahil alam kong si sir Perseus yun, pero bakit ang aga yata niya. Wala pa namang 5PM eh, 4:20PM palang kaya kakasimula ko lang magluto. Lagot na talaga ako nito, lagi nalang mali yung ginagawa ko. Kinakabahan akong hinihintay pumasok si sir Perseus dito sa kusina. Alam kung de-deritso siya dito kapag hinanap niya ako. Kung pwede ko lang gamitan ng power 'tong baby na 'to para lumambot agad. Ilang saglit lang ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan sa main door. Mukhang lagot na talaga ako nito, buti nalang at naka lagay na sa bag ang mga gamit ko kung sakaling tanggalin na talaga niya ako. Narinig ko ang mga yapak ni sir Perseus na papunta sa kusina kaya mas lalo akong kinabahan. Hinihintay ko lang siya para batiin. Pumasok siya sa kusina habang hawak niya ang kanyang suit. Agad akong yumukod ng makita ko siya. "Magandang hapon po, sir Perseus." Magalang kong bati sakanya. Nag-angat ako ng mukha kaya nag salubong ang tingin naming dalawa. "You should rest, Aerith. Kanina ka pa naglilinis ng bahay." Sabi niya sa baritonong boses. "Po?" Tanong ko dahil bakit naman niya ako pag papahingahin eh, katulong niya ako. Dapat talaga mag trabaho ako, kaya nga ako pumasok na maid sa bahay niya. "Kanina ka pang umaga naglilinis," sabi niya saka naglakad papunta sa 'kin. Natakot naman ako at baka kutusan niya ako. Pero mas nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at hinila ako ng mahina at pinaghugot ng upuan at pinaupo. "T-Teka po, sir.. nagluluto pa po kasi ako," nauutal ko pang sabi dahil ayaw niya akong patayuin. "Ako na magluluto. Magpahinga ka na," sabi niya saka lang niya binitawan ang kamay ko. Napakamot nalang ako sa likod ng ulo ko dahil sa sinabi ni sir Perseus. Bakit ba siya ganito? Hindi kasi makatugma ang sinasabi sa 'kin ni ate Cana sa pinapakita ni sir Perseus. Hindi din siya nasigaw, masungit oo, sa mukha nga lang pero hindi naman niya ako sinungitan. Kaya naguguluhan talaga ako. Talagang tinignan pa ni sir Perseus ang naka salang sa kaserola. "S-Sir.. may sasabihin po sana ako sa'yo." Nauutal kong sabi kaya lumingon siya sa 'kin. "Ano yun?" Tanong niya. "Tumawag po kasi ako kay ate Cana, sir. Ang sabi po niya sa maid's room po dapat ang kwarto ko. Pasensya na po kung binuksan ko ang kwarto ng maid's room. Lilinisan ko kasi dapat dahil sinabi mo po na bodega ang kwartong yun. Pero.. hindi naman po pala. Kaya kung pwede po, sir. Doon nalang po ang kwarto ko, mas bagay po kasi sa 'kin do'n." Mahaba kong sabi sakanya habang nakatitig sa mukha niyang halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko. "Sino ba boss mo, Aerith? Ako o si Cana?" Tanong niya sa galit na boses. "I-Ikaw po, sir Perseus," takot kong sagot dahil nakakatakot ang hitsura ni sir. "Yun naman pala eh. Why are you listening to Cana?" Tanong niya sa 'kin. Hindi ako naka sagot agad dahil wala akong maisip. Tama naman kasi si ate Cana. Saan kaya makakakita ng maid na ang ganda-ganda ng kwarto. Para tuloy akong guest sa bahay niya kahit katulong naman talaga. "P-Pasenya na po, sir. Pero kasi.. hindi po ako komportable sa kwarto ko. Mas gusto ko po do'n sa maid's room." Pagdadahilan ko para pumayag siya. Narinig ko ang pag buntong hininga niya saka tumalikod sa 'kin. "Fine. If that's what you want." Sabi niya habang nakatalikod sa 'kin. "Thank you po, sir Perseus." Pagpapasalamat ko. Hindi na siya sumagot pa kaya hinayaan ko nalang. Tahimik lang kaming dalawa, pinapakiramdaman ko lang ang galaw ni sir. Ako naman ay tumayo sa kinauupuan ko para mag lagay ng plato sa mesa. Isang plato lang ang nilagay ko at kutsara at tinidor. Naaalal ko kasi na dapat hindi kami mag sabay kumain ni sir. Nag sandok na din ako ng kanin saka ko inilagay yun sa plato. Si sir Perseus naman ay ayaw umalis at binabantayan ang niluluto niya na dapat ako naman talaga. Nakita kong pinatay niya ang stove saka humarap sa mesa. Agad kumunot ang nuo niya habang nakatitig sa mesa. Ako naman ay hindi alam kung bakit ganyan ang hitsura niya. "B-Bakit po sir?" Takang tanong ko kaya tumingin siya sa 'kin. Matalim niya akong tinignan kaya napalunok ako ng ilang beses. Nakakatakot pala talaga ang hitsura ni sir Perseus kapag galit. "Bakit isang plato lang ang nilagay mo sa mesa? Ginagalit mo ba talaga ako, Aerith?" Galit niyang tanong sa 'kin. "Hindi po, sir. K-Kasi po sabi ni ate Cana panghuli na daw po akong kumain at sa dirty kitchen daw po ako pwedeng kumain." Sagot ko saka yumuko. Natatakot ako kay sir, hindi ko kayang salubungin ang nanlilisik niyang mga mata. Wala naman sana akong ginawang masama. "Should I fire that woman?" Tanong niya kaya agad ako nag angat ng mukha at umiling. "Wag po, sir." Sabi ko habang natatakot sakanya. "Then get another plate and eat with me. We should always eat together, Aerith. Got it?" Sabi niya kaya napatango agad ako at natatarantang kumuha ng plato. Napabuga nalang ako ng hangin ng makita ko si sir Perseus na nag sasandok ng ulam. Mababaliw yata ako sa boss ko. Umupo nalang ako sa upuan at baka magalit na naman siya. Umupo narin siya sa katapat kong upuan saka nagsimulang kumuha ng kanin. Ang akala ko ay sa plato niya ilalagay yun ngunit inilagay niya ang kanin sa plato ko. Agad akong yumukod saka mag pasalamat. Nagsimula na kaming kumain, tanging tunog lang ng kutsara at tinidor ang maririnig sa kusina. Ayaw kong magsalita at baka mapagalitan na naman niya ako. Tumingin pa ako kay sir Perseus na ganadong kumakain. Wala na ang galit niyang mukha kanina, para na 'tong anghel dahil sa amo ng mukha niya. Siguro ay gutom lang si sir Perseus kaya nagalit kanina. Dapat pala hindi ko siya hinahayaang magutom para hindi uminit ang ulo niya. Nang matapos kaming kumain ay mabilis kong kinuha ang mga plato. Baka kasi pati paghuhugas ay agawin niya sa 'kin. "Pagkatapos mo dyan, magpahinga ka na agad." Sabi niya sa 'kin. Tumango ako. "Sige po, sir." Sagot ko saka nag hugas ng pinggan. Narinig ko naman ang yapak ni sir Perseus na umalis na sa kusina. Siguro ay aakyat na sa kwarto niya. Kailangan kong magmadali maghugas dahil ililipat ko na ang gamit ko sa maid's room. Nilinisan ko naman na ang kwartong yun kanina kaya pwede na akong matulog do'n mamaya. Pinalitan ko pa talaga ang dalawang kama do'n ng bedsheet. Mabuti nalang at may nakita akong malinis na bedsheet sa aparador kaya nilagay ko sa dalawang kama. Siguro ay dalawa ang katulong ni sir Persues dati dito dahil may dalawang kama. Sana kumuha pa siya ng isa para naman may makausap ako at makasama sa bahay pag wala siya. Nang matapos akong maghugas ng plato ay agad akong lumabas ng kusina. Umakyat ako sa hagdan at deri-deritsong pumasok ng kwarto ko. Mabuti na nga lang at naka sara ang pinto ng kwarto ni sir Perseus. Pumasok ako sa kwarto ko at agad kinuha ang bag na naka patong sa kama. Lumabas agad ako sa kwarto para makalipat na ako sa maid's room. Dali-dali ang ginagawa kong hakbang papuntang hagdan at agad na bumaba. Dumeritso ako sa maid's room at agad pumasok. Inilapag ko ang bag ko sa kama na nasa left side. Pinili ko kasi ang right side na kama kaya umupo ako do'n. Nag cellphone lang ako saglit para itext ang mga kapatid ko. Nag reply naman agad si Robert kaya tumayo na ako para ayusin ang mga damit ko sa aparador. Nang matapos ako ay kumuha lang ako ng pamalit na damit, kumuha ako ng cotton short at tshirt na manipis para presko sa pakiramdam. Ipinatong ko lang sa kama ang susuotin ko dahil ako lang naman mag-isa sa kwarto kaya pwede akong mag bihis dito. Kinuha ko narin ang t'walya ko saka ako pumasok sa banyo. Mabuti nalang at nasa loob ng kwarto ang banyo para hindi ko na kailangan lumabas pa. Tinanggal ko lahat ng saplot ko at agad nag buhos ng tubig. Half bath lang ginawa ko dahil naligo ako ulit kanina dahil sobrang pawis na pawis ako sa paglilinis ng bahay. Nang matapos ako ay agad akong lumabas ng banyo. Naglakad ako papunta sa kama at agad nagbihis. Umupo ako sa kama saka ako nahiga. Pagod na pagod ako ngayong araw kaya baka makatulog agad ako. Ipinikit ko ang mga mata ko kahit alas 8 palang. Gusto ko na talagang matulog sa pagod ko kanina. Pwede naman na siguro ako matulog dahil yun naman ang sabi ni sir Perseus na mag pahinga na ako. Ilang saglit lang ay namigat ang mga talukap ko hanggang sa nakatulog ako. Naalimpungatan lang ako ng umilaw ang cellphone ko. Nasa tapat pala 'to ng mukha ko kaya nagising ako. Kinuha ko yun dahil baka nag text ang kapatid ko. Nakatagilid ako ng higa sa kama, hindi ako nakaharap sa isang bakanteng kama ng magising ako. Tinignan ko ang oras at nakitang 12AM na pala. Binitawan ko nalang ulit ang cellphone ko sa kama at naisipang tumagilid paharap sa isang kama dahil na nangangawit na ang katawan ko. Siguro ay kanina pa ako sa position na ganito. Dahan-dahan akong humarap sa bakanteng kama at halos mapasigaw sa gulat. Mabuti nalang at natakluban ko ang bibig ko gamit ang kamay ko. Titig na titig ako sa mukha ni sir Perseus na mahimbing na natutulog sa kama. Nakatagilid din siya paharap sa kama ko. Bakit siya nandito? Lasing ba siya at nagkamali siya ng pasok ng kwarto? Nasabi ko nalang sa isip ko habang titig na titig sa mukha ni sir Perseus. Nakita ko pang pinagpapawisan ang nuo niya kaya dali-dali akong bumangon na walang tunog para itapat sakanya ang electricfan. Kaloka 'tong boss ko, nagkamali siguro siya ng pasok ng kwarto. Pero bakit naman siya magkakamali, eh bahay niya 'to. Masisiraan yata ako ng bait dito sa boss ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD