HINIHINTAY kong magising si sir Perseus habang nakaupo ako sa kama. Gusto ko talagang malamang kung lasing ba siya kagabi kaya siya pumasok sa loob ng kwarto ko. Kanina ko pa siya tinitigan hanggang ngayon ay hindi parin ako nagsasawa sa mukha niya. Para kasing ang sarap haplusin ng pisngi niya, ang kinis kasi, hindi katulad sa 'kin na may tigyawat. Kapag meron kasi akong dalaw ay lumalabas ang mga tigyawat ko, nawawala lang yun kapag patapos na ang dalaw ko. Kaya hindi na halata ang pimples ko kasi tapos na akong niregla. Nakaka inggit tuloy ang mukha ni sir Perseus wala man lang bakas na tinagyawat. Napatigil ako sa pagtitig ng biglang gumalaw si sir Perseus. Nahigit ko yata ang paghinga ko ng dahan-dahan siyang nag mulat ng mga mata niya. Nakasalubong ang tingin namin dalawa kay

