Prologue
PROLOGUE
"ANAK, saan ka ba pupunta at bihis na bihis ka?" mahinang tanong ng inang si Melissa sa anak nito na ngayon ay sinisintas ang sapatos na suot.
Napaangat sa pagkakayuko si Luisa at sinalubong ng tingin ang namamayat na ina. Napabuntong hininga siya sa kalagayan nito at saka ibinalik ang pansin sa pinaglumaang sapatos niya. "Sa palengke lang 'nay. Raraket lang ako," aniya saka tuwid na napatayo matapos magsintas.
“'Nak kaya ko pa naman magtrabaho... " pilit na iginigiit ni Melissa sa anak ang kagustuhang tulungan' to sa paghahanap buhay para lang may makain silang mag-iina.
Hindi niya mapigilang maawa at masaktan sa kalagayan ng anak sa tuwing uuwi 'tong pagod at madumi dahil sa pagtatrabaho nito sa palengke. Maaga 'tong namulat sa responsibilidad na dapat siya ang gumagawa ngunit heto siya, at laging nakamukmok sa bahay dahil sa letseng sakit sa puso niya.
"Hindi pwede 'nay. Di ba pinag-usapan na natin ‘to?" malungkot na tinignan ni Luisa ang ina na nakaupo sa lumaang higaan nila. Agad niya 'tong nilapitan at lumuhod sa harapan nito. Kinuha niya ang kamay ng ina at pinagsiklop ‘to at saka diretsong tinitigan sa mga mata. "Gagawin ko ang lahat ‘nay, para lang mapagamot kayo..." puno ng sinseridad na sambit ni Luisa.
Nalaglag ang isang butil ng luha sa mga mata ng ina niya. Gamit ang nanginginig na kamay ay inabot ni Melissa ang mukha ng anak. "Masyado munang pinapagod ang sarili mo anak, baka ikaw naman ang magkasakit niyan," malumanay na pagpapaalala ng ina nito.
Napailing si Luisa rito. "Hindi 'nay." ngumiti ang dalaga at saka tumayo sa harapan ng ina niya. "Kaya ko po, para sa inyo." Aniya at malapad ‘tong nginitian. Inabot niya sa gilid ng higaan nila ang isang itim na sombrero at isinuot' yon sa may ulo niya.
"Alis na po ako 'nay..." saglit niyang tinignan ang maliit at halos sira-sira na nilang tirahan. Nasa iisang lugar na nga lang ang higaan, kainan at lutuan nila. Sanay na siya, simula pa lang ay lumaki na siya sa kahirapan ng buhay.
Isang kahig at tukha, kung minsan ay sususwertihin siya sa mga raket niya, makakatatlong kain sila sa isang araw. Pero, mabibilang lang yata sa daliri na nangyari 'yon.
"Wag kang magpapagod masyado, Luisa. Wag mo rin kalimutan lagyan ng towel ang likuran mo." muli ay paalala ng ina niya.
Napangiti siya at niyuko' to upang yakapin. "Magpapahinga po kayo 'nay. Papapuntahin ko nalang si Sephy dito para matignan ka saglit," Aniya at saka kumalas na rito.
"Wag na anak...b-baka masyado na nating naaabala ang kaibigan mo." nahihiyang tanggi nito.
Napakamot sa ulo si Luisa at napasimangot sa harapan ng ina. Akma na sana niya 'tong sasagutin ngunit sabay silang natigilan ng bumukas ang halos sira-sira nilang pinto.
"Sinong may sabi na naabala ako, madam?" matinis ang tinig na salubong sa kanila ni Sephy. Ang kabitbahay at matalik na kaibigan ng dalaga. "Chars lang madam, pero narinig ko talaga 'yung sinabi niyo," pagtutuloy nito saka pakembot-kembot na pumunta sa may maliit nilang lamesa at inilapag ang dalang supot.
"Juskong bata ka! Makagulat ka naman Josephino. Kukurotin ko ‘yang singit mo, naku..." anas ni Melissa o Aling Lisa.
Nakapameywang nitong hinarap ang mag-iina na parehong nagulat sa biglaang pagsulpot nito. "Naku, madam. Buti nalang talaga at mabait kayo at kaibigan ko 'tong si Lui, noh?" hilam ‘tong ngumiti dahil sa tinawag ni Melissa sa kanya. "Jusko! Sephy na nga lang po diba? Wag na po yung totoo kong pangalan…intendes?" pinandilatan niya ang dalawa na para bang ipinapaalala niti wag siyang tawagin ulit sa totoong pangalan niya.
Napangiwi si Luisa at inismiran ‘to. "Arte mo talaga, Jo. O siya, 'kaw na behalf kay nanay. Raraket muna ako." naiiling na sambit ni Luisa saka muling binalingan ang ina. " 'Nay kumain po kayo sa tamang oras," nilingon nito ang baklang kaibigan na ngayon ay nakaupo sa lumang monoblock chair nila. "Jo, si nanay. 'yung gamot niya."
"Oo 'te. Alis kana...kumain ka rin nagmumukha ka ng bangkay sa kapayatan mo." Pang-inis ng kaibigan niya.
Inismirin lamang niya 'to ulit saka padabog na kinuha ang beltbag sa ibabaw ng orocan at saka dire-diretsong lumabas. Agad siyang napabuntong hininga at itinali ang beltbag sa may beywang niya. Saglit siyang napahinto at itinaas ang kamay sa harapan upang matignan ang sarili. Tama nga kaibigan niya, nangangayat na nga siya sobrang pagpapagod at paglilipas ng kain. Pakiwari niya ay namumutla na rin ang maputi niyang balat.
Napailing na lamang siya at saka nagpatuloy sa paglalakad. Medyo malayo pa ang palengke sa barangay nila, wala naman siyang pera pamasahe ngayon kaya titiisin na lamang niya ulit ang maglakad sa mabatong lugar nila.
"Luisa?"
Napahinto sa paglalakad si Luisa at tinignan kung sino ang tumawag sa kanya. Napaawang ang mga labi niya ng sumalubong sa kanya si Evelyn o Eves sa palayaw nito. "Eves...n-nakabalik kana pala," nahihiyang ngumiti siya sa kapit-bahay niya dati.
"Oo. Nasa kabilang barangay ako nakatira ngayon. May dadaanan lang ako dito." anito saka nginitian siya. "Teka, kamusta si Aling Lisa? I-Ikaw kamusta ka?"
Napakibit balikat siya. "Eto, naghihirap pa rin. Si nanay kailangan kong mapagamot lalo't lumalala ang sakit nito sa puso." Aniya.
"Hala ka, dumating na pala ang bugaw sa lugar natin."
Sabay silang napalingon sa isang kabaranggay nila na si Aling Marsha. Ang matabang lalaitera at chismosa sa lugar nila. Nakita ni Luisa kung paanong puno ng pandidiri nitong tignan si Eves na para bang may nakakahawang sakit 'to. Normal naman ang dating kabit-bahay niya. Maayos nga ‘tong nakadamit ngayon at mukha pang mamahalin ang mga suot. Ngunit batid niya din ang kumakalat na chismis sa babae noon. At kung totoong bugaw nga 'to, hindi niya ‘to huhusgahan sa piniling landas.
"Naku! Kung ako sayo, Luisa. Layu-layuan mo ang babaeng 'yan at baka maimpluwensyahan ka niyan sa pagiging bugaw." Saway ng matandang babae sa kanya saka naiiling ‘tong umalis.
Kaagad na hinawakan ni Eves ang kamay niya at hinila siya sa may puno ng mangga sa gilid ng lumang abundunadong tindahan.
"Pasensya ka na, a? Pati ikaw nadamay sa pagchichismis sa 'kin." nahihiya nitong sinabi at malungkot na tinignan ang dalaga. "Pero, tama naman kasi. Isa akong bugaw. Ano naman ang magagawa ko kung sa ditong trabaho ako umaangat. Wala akong choice kasi libo-libo ang kinikita ko."
Natigilan si Luisa dahil hindi sa inamin nitong isa siyang bugaw kundi dahil sa agaran nitong pagsabi sa kanya ng katotohanan. Isang tanong agad ang pumasok sa isipan niya. Kaya puno ng kuryusidad na pinakatitigan ang babae.
"Sa kabila ba ng pinili mong landas, nagsisisi ka ba?" Tanong niya na napagbuntong hininga kay Eves.
"Dati, oo," mababang ang boses na sagot nito saka napayuko. "Aaminin ko, noong una, nandidiri ako. Kaso wala akong mapagpipilian, ayaw kong mamatay sa gutom at paghihirap. May mga kapatid akong pinapaaral, kaya nang lumaon ay nilunok ko nalang ang lahat ng pandidiring 'yon," sagot nito saka muli siyang sinulyapan. "Ikaw ba? kapag dumating sa punto na kakailanganin mo ng malaking pera, saan ka kakapit?"
Natigilan siya sa sinabi nito. Hindi niya alam kung ano ang isasagot rito. Saglit siyang napaisip kung sakali man dumating ang ipinupunto nito. "B-Baka may iba namang paraan... M-May mga nagpapautang naman diyan, kung sakali man, " hindi siguradong sagot niya.
Mahinang natawa si Eves saka naiiling siyang tinignan. "Naku, Luisa. Sa realidad ng buhay ngayon, hindi kana lang basta kakapit sa pautang. Alam mo naman ‘yung iba hindi nagpapautang lalo’t ganyan ang estado mo. Kakapit ka rin sa landas na tinahak ko,"
Napakunot ang mga noo niya. Tila hindi nagustuhan ang sinabi ng babae. Alam niya sa sariling may paninindigan siya ngunit, hanggang saan aabot ang paninindigan niya? Kung sa buhay niya ngayon ay gutom at kahirapan ang kalaban niya?
Hindi siya kumibo rito at napaiwas na lamang ng tingin. Kailangan na niyang umalis dahil baka tuluyan na siyang malate sa raket niya. Hahakbang na sana siya papaalis nang saglit matigilan sa sunod na sinabi ng babae.
"Basta, kapag kakailanganin mo na nang malaking pera, lapitan mo lang ako at kikita ka agad ng limpak-limpak na salapi." pag-eenganyo nito na mariing iwinawaksi ng isipan ni luisa.
Ayaw niya. Hindi niya maatim na pumasok sa landas nitong tinahak. Hindi kakayanin ng konsensya niya. Kahit mahirap lamang siya, pinalaki siya ng marangal ng sariling ina. Pinalaki siya na may takot sa panginoon. Kaya mas mabuti nang naghihirap siya kakatrabaho basta hindi lang mapasok sa ganoong trabaho.
***
HINIHINGAL na pinahid ni Amara Luisa ang tumutulong pawis sa buong mukha niya. Naliligo na siya sa sariling pawis kakahila ng mga banyerang isda sa loob ng palengke. Basa na rin ang suot nitong kupas na maroon tshirt. Naala niya bigla ang sinabi ng ina kaya agad niyang nilagay sa basang likuran niya ang nakaipit na tuwalya sa may bulsa.
Napabuntong hininga siya at niyuko ang panghuling banyera ng isda na kailangan niyang hilain papunta sa loob ng palengke.
Kababae niyang tao, heto siya at naghihila at nagkakarga ng mabibigat na trabaho. Bagay na karaniwang sa lalaki lamang ginagawa. Naalala niya noon kung paano siya nakiusap sa tindera ng isda na ngayon ay nagpapasahod sa kanya kung pwedeng siya ang taga angkat ng isda sa kanya. Ayaw sana siya nitong payagan dahil babae siya, ngunit mapilit siya kaya kalaunan ay napapayag din niya ‘to.
Tatlong daan lang ang kikitain niya sa paghihila ng labinlimang banyerang isda. Pagkatapos nito, magdedeliver pa siya ng sako-sakong gulay at prutas sa tapat ng palengke.
“Oh, Luisa? Panghuli na ba ‘yan?”
Napatayo siya ng tuwid sa bigla nang marinig ang boses ni Aling Merla. Ang may ari ng paisdaan na inihahatid niya. Sinalubong niya ‘to ng tipid na ngiti. “Opo, Aling Merla. Papahinga lang ng kunti,” naiilang niyang sagot.
“Ganon ba? Baka mabinat ka ng husto niyan, Luisa.” Pinasadahan siya nito ng tingin saka napabuntong hininga. “O siya, ‘eto ang limangdaan baka makatulong na ‘yan sa ina mo yung idinagdag ko,”anito at saka inabot sa kanya ang pera.
Nanlalaki ang mga ni Luisa at hindi makapaniwalang tumingin sa mabait na ginang. “S-Seryoso ho k-kayo? M-Maraming salamat po talaga…”
Hindi alam ni Luisa kung paano ‘to papasalamatan ng lubos-lubos. ‘Eto lang ang nagmalasakit sa kanya sa mga pinalasukan niya. Mabait ‘to sa lahat lalo na ang asawa nito. Malaking bagay na ang dalawang daan na idinagdag nito para sa gamot ng nanay niya.
“S-Salamat po talaga, Aling Merla… “ bukal sa loob niyang sinabi ulit at kinuha ang pera sa mga kamay ng ginang.
Tipid na ngumiti sa kanya ang ginang saka marahang tinapik ang balikat niya. “Walang anuman, iha. O siya, pagkatapos mo diyan kumain ka muna. Mukhang hindi ka pa kumakain,” nag-aalang paalala nito sa kanya bago siya iniwan sa labasan.
Nangingiting ibinulsa niya agad ang pera at akmang hihilain muli ang lubid ng banyera ng isang matitipunong braso ang humawak ro’n. Namimilog ang mga mata at agad siyang napalingon sa may likuran niya.
“S-Sixto?” napaawang ng kaunti ang mga labi niya ng mabungaran ang pamilyar na itsura ng binatang kargador.
Ngumiti ‘to sa kanya. “Kababae mong tao, naghihila ka nito, tss.” Naiiling nitong sambit saka tinapik ang mga kamay niya na nakahawak sa lubid. “Ako na rito. Hintayin mo nalang ako dito at sabay na tayo kakain ng tanghalian.” dagdag nito.
“Wag na. Ako na diyan, di mo ‘yan trabaho.” Pigil niya sa akmang paghila ng binata.
Tinaasan lamang siya ng kilay nito at walang salitang iniwan siya roon habang hila-hila ang banyera ng isda. Kamot-kamot ang ulo at napabuga siya ng malalim na hininga. Matagal na niyang kilala ang binata, parang kuya na rin ang turing niya rito. Madalas siya nitong tinutulungan sa pagbubuhat, nagulat lamang siya kanina dahil ngayon lamang niya to ulit nakita. Isang linggo niya ‘tong hinahanap para may kasabayan siya sa pagkain ngunit likas na yata sa binata ang pagiging kabute nito.
“O, ano? Tara kain tayo at nangangayat kana ata. Isang linggo lang ako nawala,” inakbayan siya ng binata pagkadating nito sa harapan niya, bagay na madalas nitong ginagawa.
Naiiling lamang siya at nagpatinaod rito. “Tagal mo kasing bumalik walang nanlilibre sa ‘kin… pero teka lang,” saglit siyang natigilan at pinaniningkitan ‘to ng tingin. “Saan ka galing? Madalas kang nawawala,” kunot noo niyang tanong.
Nakita niya ang paglunok nito bago ‘to umiwas ng tingin sa kanya. Napansin niya rin ang iilang pasa nito sa makinis at maputi nitong balat. Mukha talagang mayaman ang lalaking kaibigan niya, sa kutis palang nito at sa banyagang itsura, kung hindi lang niya nakita ang maliit nitong tirahan ay talagang hindi siya maniniwala na mahirap ‘to.
“N-Na ano lang… nasanggi sa may kahoy nang magbuhat ako noong isang araw,” naiilang ‘tong ngumiti.
Napakibit balikat lamang si Luisa. Alam niyang nagsisinungaling ‘to, madaling mabasa ang reaksyon ng lalaki. Pero, hahayayaan niya lamang ‘to. Ayaw niyang panghimasukan ang pribado nitong buhay.
***
Hawak-Hawak ni Luisa ang sariling tiyan habang malapad na nakangiti. Grabeng busog ang naramdaman niya. Parang ngayon lang ata siya nakakain ulit ng marami. Salamat talaga kay Sixto at palagi siyang busog kapag kasama ang lalaking ‘yon.
Napatingin siya sa binata ng may hawak ‘tong dalawang supot ng plastik habang inaabot ang bayad sa tindera ng karinderyang kinainan nila. Napakunot ang noo niya. Hindi pa ba busog ang binata? At talagang nagbalot pa ‘to ng mga pagkain? Naiiling siya sa naiisip at kumuha na lamang ng toothpick sa may mesa.
“Ayan, mukhang magkakalaman ka na ulit.” Nakangiting sambit ng binata na ikinasimangot ni Luisa. “Bring this—I-I mean, dalhin mo ‘to sa inyo, “ inabot ng binata ang dalawang supot na ikinasingkit ng mga mata ni Luisa.
“Nakakainis ka talaga minsan. Gano’n na ba ako kapayat at pinagbalot mo pa ako ng pagkain?“ napasimngot siya.
Mahinang natawa ang binata at mahinang tinapik ang ulo niya. “Oo. Pero, hindi lang naman niyan para sayo… bigay mo ‘yan sa nanay mo.” Nakangiting sambit nito.
“Sumama ka kaya sa bahay ng makilala mo si mama.” Suhestiyon niya. Hindi pa kasi niya naipapakilala ang binatang kaibigan sa ina niya.
Sa loob ng walong buwan na magkakilala sila. Lagi niya ‘tong inaaya sa bahay para makilala ng nanay niya. Ngunit, lagi lamang ‘tong tumatanggi at natatahimik na lang bigla. Naiisip na lamang niya na baka, nahihiya lamang ‘to.
“Nah. I’m not available rightnow. May lakad ako ngayon, little lady.”
Little Lady…’yan ang madalas nitong tawag sa kanya.
Ngunit hindi niya mapigilang mapakunot- noo at nagtataka sa mga sinabi nito. Nakakaintindi siya ng wikang ingles, nagtataka siya dahil ngayon lamang niya ‘to narinig na mag-salita ng ingles. Alam niyang may lahing banyaga ang lalaki, ngunit mas lalo tuloy lumalim ang kuryusidad niya patungkol sa buhay nito.
“Hey! Okay ka lang ba? May masakit ba sayo? “ nag-aalang sinipat siya ng binata.
Nabalik siya sa realidad at napailing sa lalaki. “Alis na ‘ko, Sixto. Salamat pala sa pagkain, “ pilit niya ‘to nginitian at hindi ipinakita ang kuryusidad sa mukha niya.
Napabuntong hininga naman ang lalaki at alanganin na ngumiti sa kanya. “Ingat ka. Hasta que nos volvimos a ver…” kumaway ‘to sa kanya bago ‘to tuluyang tumalikod at umalis.
Napabuga ng malalim na hininga si Luisa at nagsimulang lumakad papunta muli sa tapat ng palengke para sa susunod niyang trabaho. Nakayuko siya at saglit na tinignan ang dalang supot. Napatigil siya at nilingon muli ang direksyon ni sixto, ngunit hindi na niya ‘to maaninag.
“Luisa! Luisa! Jusko! Kanina pa kita hinahanap!”
Nagitla siya at napahawak sa may dibdib sa bigla ng sumalubong sa kanya ang sumisigaw nilang kabitbahay. Humahangos siya nitong sinalubong habang may dala-dalang plastik.
“Nakakagulat naman kayo, Ate Grasya.” Bungad niya rito ngunit agad na napakunot ang noo niya ng makita ang nag-aalala nitong mukha sa kanya. “B-Bakit po?” hindi niya alam kung bakit bigla siyang nilukob ng kaba.
“Luisa! Isinugod sa Ospital ang nanay mo!” naghihisteryang sambit nito.
Namutla siya at parang bombang sumabog sa ulo niya ang ibinalita nito. Walang salitang umalis siya sa harapan ng kapitbahay niya at tumakbo sa may sakayan ng tricycle. Nagsimula ng lumabo ang paningin niya sa mga nagbabadyang luhang malapit ng malaglag. Kahit hirap siya sa pagtakbo hindi niya alintana ang pagod at sakit ng mga paa niya.
“Manong! Sa kabilang bayan po! Sa Eldelfonso Hospital po!” natatarantang sambit niya ng makapasok sa loong ng trike.
Kaagad namang kumilos ang driver at pinaandar agad ang tricycle nito papaalis. Napahilamos sa mukha si Luisa at napasapo sa may ulo niya. Nalaglag ang isang butil ng luha sa mga mata niya. ‘Eto na nga ang sinasabi niya e, kung bakit kasi sobrang hirap nila kaya hindi niya nabibilhan araw-araw ng maintenance ang ina niya. Bakit kasi ganito lang siya, hindi niya tuloy nabibilhan ng kakailanganin ang ina.
Natatakot siya sa pangatlong pagkakaton ng ina niya ngayon na naospital, na baka hindi na maganda ang ibabalita sa kanya ng doktor. Alam niyamg lumalala na ang sakit nito sa puso. Kung bakit kasi iniwan sila ng letseng tatay niya. Hindi sana naghibirap ang ina niya at maging siya.
NAGPAKAWALA ng malakas na suntok si Zephyr sa nakasabit na punching bag ng kanyang training room. Hinihingal at tumatagaktak ang bawat pawis niya sa hubad niyang pang-itaas. Nag-igtingan ang mga kalamnan niya at ang braso nang muli siyang nagpakawala ng panghuling suntok.
Napaluhod siya sa malambot na sahig habang niluluwagan ang pagkakatali ng bondage sa kanyang mga kamay. Napabuga siya ng malalim na hininga saka tumayo at agad na tinungo sa isang lounge ang nakalapag na bote ng gatorade at isang tuwalya. Kaagad niyang binuksan ang bote at nilagok ang energizer.
“What’s up man! Mukha kang nasa komersyal model ng isang underwear endorser sa suot mong boxers, “ natatawang komento ng kararating lamang na si Dark.
Inilayo niya ang bote sa bibig at kaagad na hinagis ‘yon sa tatlong kaibigan niyang mga kabute na pasulpot-sulpot nalang bigla.
“What the f*ck man?! Nakailang bote kana sa ‘kin, a?!” nakasimangot na sambit ni Wayne ng sa kanya tumama ang bote. Narinig niya ang mahinang pagtawa ng katabi nitong si Dark kaya naman pinulot niya ang bote at ipinukpok ‘yon sa ulo ng kaibigan.
“Aray! Gago ka, a! Masakit kaya!” nayayamot na reklamo ni Dark habang kinakamot ang ulo.
Napailing na lamang si Zephyr at pagod na umupo sa may lounge ng silid niya. Kaagad niyang naramdaman ang presensya ni Knight na tahimik lamang na nakamasid sa kanila.
“What are you all doing here? Namiss niyo ako agad?” biro niya sa tatlo na Ikinasimngot nila. Sabay sabay nilang itinaas ang gitnang daliri sa harap ni zephyr na ngayon ay naiiling na natawa. “Kakakita lang natin noong isang araw? Gano’n niyo ako kamiss?”
“Kabaklaan mo Ross umiiral na naman. Tss. Kadiri ka minsan, pre.” Nakangiwing sagot ni Knight sa tabi niya.
Napahalakhak ang binata at isa-isang tinapunan ng tingin ang mga kaibigang siraulo. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa ng mga ‘to sa sariling bahay niya. Buti nalang wala siya sa mansyon ng ama niya, baka nabulyawan niya ang mga ‘to sa init ng ulo niya kapag nasa malaking bahay siya na ‘yon.
Zephyr sigh. “What now?”
Napakibit balikat si Dark at hinila ang stool sa isang tabi at doon naupo. “Tyrone is sicked!” may pinalidad sa tono ng boses ni Dark ng sinabi niya ‘yon. “He’s sick fool man!” dagdag pa nito.
“What the hell are you talking about? “ kunot noong tanong ni Zephyr. Mukhang tinamaan na naman ng saltik sa ulo ang kaibigan niyang ‘to. “Tyrone will surely kill you after hearing what you said, man.”
“He’s creepy.” Wayne added.
Mas lalo lamang sumama ang timpla ng mukha ni Zephyr at naguguluhang tinignan ang katabing si Knight. “Bud? What the hell are they talking about?”
Knight sighed. “He’s stalking again his first love. Damn! He looks like an obssesed stalker!” naghihisteryang komento nito habang nakangiwi sa katotohanang ‘yon patungkol sa matalik niyang kaibigan.
“He’s really crazy over that girl, huh. ” Naiiling niyang komento saka muling nilingon ang mga kaibigan. “Wait, ‘yan lang ba ang ipinunta niyo dito?” naniningkit ang mga matang tinignan niya ang tatlo.
Nagkatinginan ang tatlo at napakibit balikat. Natampal nalang ni Zephyr ang sarili noo at hinagis ang tuwalyang nakasabit sa leeg niya sa dalawang kaibigan na magkatabing umupo.
“Damn! Mga chismoso talaga kayo. Tsk.” Naiiling niyang komento sa tatlo saka tumayo at dinaluhan ang isang robe rack at doon kinuha ang roba niyang nakasabit. Muling niyang nilingon ang tatlo matapos isuot ang roba. “Magsilayas na nga kayo.” Pagtataboy niya.
Kaagad namang napatayo ang tatlo. “May party pala sa bar mamaya. Punta ka.” Aya ni Knight.
Napatango lang si Zephyr at sasagutin na sana ang kaibigan ng tumunog ang telephono niya sa tabi. Napabaling ang tingin niya ro’n at kaagad na nagsalubong ang mga kilay niya ng mabasa ang nakarehistrong pangalan ng ama.
Padabog niya ‘tong kinuha at iniwan ang mga kaibigan sa loob ng training room. Pumasok siya sa nakakonektang pintuan papunta sa silid niya at doon sinagot ang tawag ng huklubang ama niya. Hindi niya maaring p*****n ‘to ng tawag, dahil gagawa ‘to ng bagay na hindi niya magusgustuhan. Tulad na lamang ng pagpasabog nito sa mga mamahaling sasakyan niya.
He despite his father so much. ‘To rin ang isinisi niya sa pagkamatay ng pinakamamahal niyang ina. He wants to get rid of his father. But afterall, he’s still respects him. Dahil kung wala ‘to, baka wala din siya sa mundong ‘to.
“Father…” bungad niya at kaagad na naupo sa malambot niyang kama.
Nakarinig siya ng pagtikhim sunod ang strikto nitong boses. “You didn’t bring another woman in your penthouse, didn’t you?”
“Actually,” napangisi siya sa naisip. “I’ll plan to bring a lot of woman here, tonight.” Pang-iinis niya dito.
Ayaw ng ama nito na nagdadala siya ng mga babaeng napupulot niya lang sa club. Gusto ng ama niyang makahanap siya ng babaeng seseryosohin niya. Gusto siya nitong makasal na. Hindi niya alam kung bakit pati sa bagay na ‘yon, pinapakialaman siya ng ama niya.
“I’m warning you, Allen.” Seryosong saway ng ama niya na isinawalang bahala lamang niya.
How can he avoid women, kung sila ang lumapit at umaakit sa kanya? Well, he’s a womanizer afterall. Commitment? Nah, wala ‘yan sa bokabularyo niya. He likes the ‘No string attached’ relationship. ‘yung tipong pareho kayong magkakabenipisyo. Bukod diyan, he’s too dangerous to handle by a woman.
“Whether you like it or not. You’re going to marry, Annabeth.”
Napakuyom ang mga kamay niya sa inis at galit para rito. ‘Eto na naman ang ama niya na pilit siyang ipinagkakasundo sa isang mayaman at maarteng babaeng ‘yon.
“I don’t. Want. To.” Madiin niyang sambit. “You’re keep on insisting that marriage for inconvenience! Kung gusto mo, ikaw nalang ang magpakasal!” hindi mapigilang mabulyawan niya ‘to sa inis.
Narinig niya ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya. Tila nagtitimpi sa ugali niya. “Marry her. Or find a woman you’re going to marry then.”
Damn. This old man is a pain on the ass! How can he find a woman if he doesn’t know how to treat them?
Fvck! He’s so hopeless as s**t!