bc

kwentong paubaya

book_age18+
9
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

ANO ANG KWENTONG PAUBAYA MO?

Nakilala ko sya bago mag simula ang quarantine. Itago nalang natin sya sa pangalang "Kate."

Malayo ang pag uugali namin sa isa't isa. Hindi kami nagkakasundo sa mga gusto naming gawin sa buhay.

Marami syang bagay na ayuko

Ganon din siya sa mga bagay na nakasanayan kong gawin.

Actually di pa talaga kami gaanong magkakilala noon.

Pero ang alam ko lang, Mortal ko syang kaaway.

"Ewan ko ba"

Makita ko lang ni kahit anino nyang dumaan?

wala na!

sira na ang araw ko!

Diko maipaliwanag ang inis sa tuwing nakikita ko ang kanyang pagmumukha.

"Haha"

at malamang ganon din sya sakin.

Kaya pagkatapos ko syang makita, dadaan ako sa harapan nya para mag papansin at tiyak sira nadin araw nya.

Lumipas ang ilang lingo

Nagkaroon ng lockdown

Matagal tagal ko nading di sya nakikita.

Naisip ko mag chat sa kanya.

Natawa nalang ako dahil di lang niya sineen ang message ko,

Kundi kinailangan ko pang mag antay ng ilang lingo para muli ko syang makausap.

Malamang ayaw nyang masira ko ang araw nya.

Naisip ko nalang na baka wala talagang lugar para magkakilala kaming dalawa.

Hanggang sa Tumigil ako sa pagkulit sa kanya

Nag focus ako sa pag aaral ko, sa mga kapatid ko at sa mga gawain ko sa bahay.

Isinantabi ko muna ang pangungulit at pang iinis.

Kinagabihan nag message sya sakin.

Diko alam kong pagalit ba o painis ba o nagbabalat kayo lang.Basta alam ko lang

Wala sa puso nya ang pag hingi ng tawad.

Matapos nun, lahat ng inis galit at pag pipintas namin sa isat isa napalitan ng ngiti galak at tuwa

Araw araw na kaming nag kakachat,

Halos dina kumpleto ang gabi ko kung diko sya makausap

Lumipas ang ilang araw lumalim ang kung anong meron samin dalawa

chap-preview
Free preview
Kwentong Quarantine
"Ano ba! Pwede wag kayong humarang sa daan!" Pasinghal na sigaw ni Kate sa aming magkakabarkada. Napabalikwas ako sa pagkakaupo hindi dahil sa gulat kundi dahil sa pagkilala sa nagmamay-ari ng boses. Si Kate, ang aking mortal na kaaway. "Heto na naman sya. Magpigil ka Jevin, magpigil ka." Pabulong ko sa sarili. Wala ng bago sa araw-araw ko sa paaralang ito. Bukod sa papasok nang may pagbubulakbol minsan dahil sa impluwensya ng barkada, eh papasok ding masisira ang araw dahil sa babaeng ito. Oo, dahil sa kanya. Itago nalang natin sya sa pangalang "Kate." At nakilala ko sya bago pa man mag-umpisa ang quarantine. Napakalayo ng pag-uugali namin sa isa't isa. Suntok sa buwan nga kung makikita kami sa iisang lugar. Kung oo, malamang pareho kaming nakakunot noo dahil sa inis sa isa't isa. Hindi kami nagkakasundo sa maraming bagay, sa mga gustong gawin sa buhay. Marami syang bagay na ayoko. Ganon din siya sa mga bagay na ginagawa ko. Sa totoo lang, di pa talaga kami gaanong magkakilala noon. Ang alam ko lang, marinig ko lang ang boses nya o maaninag ni anino ni Kate ay kumukulo na ang dugo ko. "Ewan ko ba!" Makita ko lang siyang dumaan? wala na! sira na ang araw ko! Diko maipaliwanag ang inis sa tuwing nakikita ko ang kanyang pagmumukha. "Haha" at malamang ganon din sya sakin. Kaya pagkatapos ko syang makita, dadaan ako sa harapan nya para mag papansin. Para sya naman ang inisin. Lumipas ang ilang linggo, nagkaroon ng lockdown. Matagal tagal ko rin siyang hindi nakikita. Naisip kong mag chat sa kanya, mangamusta, at mambwisit. Natawa nalang ako dahil di man lang nya siniseen ang messages ko. "Napakaarte, akala mo naman maganda!" Bulalas ko. Alam kong nakikita nya ang mga ito pero siguro'y ayaw nyang masira ko ang araw nya. Kaya ganun. Naisip ko nalang na baka wala talagang lugar para magkakilala kaming dalawa. Hanggang sa tumigil ako sa pangungulit sa kanya. Nag focus ako sa module at sa mga gawain ko sa bahay. Isinantabi ko muna ang pangungulit. Kinagabihan ay nag message sya sa akin. "Ano ba, Jevin?" "Bakit ka ba chat nang chat?" "Mang-aasar ka na naman, ano!". Sunod-sunod nyang reply. Ang sumunod niyang message ang ikinagulat ko. "Uy, sorry! Masyado ata akong harsh. Kumusta ka? Diko alam kong galit ba o naiinis sya. O, baka nagbabalat kayo lang? Pakiramdam ko kasi ay wala sa puso nya ang pag hingi ng tawad. Simula nun ay araw-araw na kaming nag kakachat. Ang dating pangungulit at inis ay napalitan ng saya at excitement. Halos di nakokompleto ang gabi ko kung diko sya makausap. Lumipas ilang araw ay lumalim ang kung anong meron samin dalawa. Naging kami! Oo, naging kami. HAHAHA Nakakatawa diba. Nagagawa kong bumisita sa kanila kapag weekend. Lumalabas din kami paminsan-minsan, kahit lockdown. Diko maramdaman kung gaano kahirap ang hamon ng buhay sa mundo kapag si Kate ang katabi ko Balewala mga ang banta ng Covid, makasama ko lang sya. Sumasaya ako dahil pangalan ko lang ang laging bukam-bibig nya. Ako ang nasa pangarap nya, at sa planong pag tataguyod at bubuo ng masayang pamilya. Natapos ang Nobyembre, kalagitnaan ng lockdown. Dumating ang araw ng kinakatakutan ko. Madalang na kami mag usap ni Kate. Lagi syang nag mamadali kapag lumalabas kami, Hindi ko na makita ang ngiti at pananabik sa mukha nya. Ang laki ng pinagbago ng relasyon namin. Inisip kong mag bigay ng space. Sa pag aakalang Napagod lang sya, may problema lang sya o baka kailangan nya munang hanapin ang sarili nya. Dumaan ang pasko. Di na sya nag paramdam. Ni anino ni kate diko na nakikita. Kahit kumustahin man lang ako. Wala akong natanggap. Bago sumapit ang bagong taon ay bumisita ako sa bahay nila. Gusto ko kasi na salububungin ang 2021 kasama sya. Sabi ng nanay ni Kate "Umuwi ka nalang anak ko" Mukhang di sya uuwi sa kanila sa bagong taon. Kalagitnaan na ng january pero diko parin sya nakakausap. Nakita ko nalang sa day ng kaibigan ko na magkasama na sila. Nag diriwang sa kanilang ikalawang buwan bilang magkasintahan. Noong una ay nagulat ako at napaluha. Pinilit ko na lang na ngumiti nang may panghihinayang. Kung may rason man ang luha ko nung araw na yun? Yun ay ang makita ko sya na sobrang layo ng ngiti niya. Na halos di ko na maabot kapag si rey ang kasama nya. Nung araw na yun naging panatag ang loob ko. Hindi ko na nagawang umisip na baka nasaktan ko sya o baka may nagawa akong mali sa kanya. Diko narin inisip na baka marami lang talaga syang problema para bigyan ko ng oras -- upang mapag isa at maging maayus sya, at ang relasyun namin. Yun pala ang pinaka malaking pagkakamali na ginawa ko para samin, para sa relasyon namin. Hinayaan ko syang harapin mag isa kung bakit unti unting natutunaw yung halaga pinag samahan namin. Diko sinadyang pabayaan Pero parang pinilit nyang kinalimutan kung anong meron samin at ipagpatuloy ang pangarap namin na di ako ang kasama. Sumapit ang Pebrero na hindi ako nag tamin ng sama ng loob sa kanya, maging sa kaibigan ko. Naalala ko pa nga nang minsan ay nahuli ko sya na kausap si Rey habang magkaaway kami. Si Rey na matalik kong kaibigan ang naging comfort zone ni Kate kapag di kami nagkakaintindihan. Nag papasalamat nalang ako sa kaibigan ko na sa panahong napapaluha ko yung taong mahal ko, siya pala ang gumagawa ng paraan para pasiyahin ito. Mahal ko si Kate nang sobra. Pero mahal ko rin si Rey. Kung uunahin ko ang galit at poot na lumalamon sakin parehas silang mawawala sa buhay ko. Pinatawad ko silang sabay, kahit masakit. Tinanggap ko yung pagkukulang ko at pag hingi nila ng tawad sa nagawa din nila sakin. Pinili ko na ring magpaubaya dahil diko kaya na parehas sila mawawala. Sa ngayon ginagawa ko nalang ang tungkulin ko bilang mag aaral. Naglalaan na ako ng malaking oras para mapalalim ang relasyon ko sa aking pamilya. Nililibang ko na rin ang aking sarili para makalimutan ko nang tuluyan ang mga malungkot na nagyari. hanggang sa tuluyan ko nading matanggap na natalo ako sa paraang lumalaban gamit ang puso at di kabilang ang isip. Binitiwan ko ang taong handa na palang bumitaw Pinalaya ko ang taong pag mamay ari na pala ng iba.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DALE MONTEMAYOR: CHAOTIC BILLIONAIRE (TAGALOG)

read
78.4K
bc

THE SACRIFICES OF A BROKENHEARTED JM MONTEMAYOR-Tagalog

read
84.5K
bc

The Dark Psycho Angel(TAGALOG)

read
83.8K
bc

A night with Mr. CEO

read
177.8K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

JOSH MONTEMAYOR The Quadro Plaits ( Tagalog )

read
505.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook