"HINDI pa siya patay!" Sigaw ko at halos hindi lumabas sa bibig ko ang mga salitang 'yon. Hinawi ko sila para malapitan ko ang Inday Dyosa ko. Hindi ako papayag na mawala siya sa'kin, hindi ko kakayanin. Humarap ako sa doctor at nagmamakaawa akong humawak sa kamay nito. "Please doc gawin niyo po ang lahat para mabuhay siya." Ilang ulit akong umiling dahil sa pighating nararadaman ko. "Hindi ko kayang mawala siya sa'kin kaya please buhayin niyo siya." Pilit itong ngumiti sa'kin pero puno ng awa ang mga mata. "I-I'm sorry pero ginawa na namin ang lahat pero hindi na kinaya ng kanyang katawan dahil sa dami ng dugong nawala sa kanya at ang malubhang tama niya sa dibdib ang naging dahilan." Paliwanag niya pero ayokong pakinggan. Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ko ang dibdib ng Inday

