"MAGSALITA ka na!" Sigaw ko habang kuyom kuyom ko ang mga kamao ko dahil sa sobrang galit. "W-Wala akong alam." Tanggi niya kaya mas lalong sumidhi ang galit ko. Sinugod ko siya sa silyang kinauupuan niya at sinakal. Kanina ko pa siya tinatanong kung saan nila dinala ang Indat Dyosa ko pero iyon lang palagi ang sagot niya. Hindi ako naniniwalang wala siyang alam. "Papatayin kita kapag nasaktan siya. Papatayin kita." Sigaw ko sa mukha niyang duguan. Hindi ako nananakit ng babae dahil wala iyon sa bokabularyo ko pero sa pagkakataong ito ay kaya kong baliin lahat ng paniniwala ko malaman lang kung saan ang Inday Dyosa ko. Laha na ng CCTV na malapit sa hospital at sa loob niyon ay hinack na ni Tarinio pero wala pa rin kaming makihang lead kung saan siya dinala. Naghintay rin kami ng tawag

