NAGISING ako na masakit ang ulo dahil sa hindi alam na dahilan. Akmang tatawagin ko ang pangalan ni Intoy ko ng maalala ang nangyari sa'kin bago ako mawalan ng malay. May pumasok sa hospital room ko at nakipaglaban ako hanggang sa mawalan ako ng malay at alam kong dinala niya ako. Sinubukan kong igalaw ang kamay ko at laking pasalamat ko ng wala iyong tali pati na rin ang mga paa ko. Napangisi nalang ako sa sarili dahil bakit nga ba sila mag-aaksaya ng panahon na talian ako gayong hindi na kailangan dahil bulag ako at hindi ako makakalaban. Maybe makakagante ako kahit konte pero sa huli ay talo pa rin ako. Hindi na rin kailangan ng piring dahil binabalot na rin naman ng dilim ang mga mata ko. Gusto kong maiyak sa kalagayan ko ngayon pero hindi dapat ako maging mahina. Ako si Desiree Gale

