"Dahil sa naging damage sa optic nerve mo ay naapektuhan ang iyong paningin. At sa ngayon ay hinihintay na muna nating bumalik ang iyong lakas at ang paggaling ng sugat mo para masimulan ang proseso upang maibalik ang paningin mo." Tahimik lang akong nakikinig sa doctor. Ilang ulit akong napapabuntong hininga dahil kahit pala tanggap ko na ay hindi ko pa rin maiwasang malungkot. "Pero maliit lamang ang tyansa na manumbalik ang lahat kaya didiretsohin na kita. Ihanda mo ang sarili mo dahil kung sasalang ka sa operasyon ay may posibilidad na hindi maging maganda ang kalalabasan nito." Dugtong niya. "Sinasabi mo ba doc na baka hindi na bumalik ang paningin ko kahit na magpaopera ako?" Pilit kong nilunok ang bikig na namuo sa aking lalamunan. Hindi ako emosyonal na tao pero sa pagkakataong

