NAPANGIWI ako matapos ang maraming tanong ng doctor. Sumailalim ako sa check up at theraphy para malaman kung may iba pang damage ang naging tama ko sa ulo at laking pasalamat ko na bukod sa pagkabulag ay wala na akong ibang naging komplikasyon tulad ng pagkawala ng memorya o pagkabingi. Ilang araw na rin ang lumipas simula ng magkausap kami ng nanay ko at hindi na iyon nasundan pa. Medyo maayos ko ng naigagalaw ang katawan ko pero doble pa rin ang pag-iingat sa ulo dahil hindi pa magaling ang sugat ko doon. Sa bawat araw na lumipas ay hindi umalis sa tabi ko si Intoy ko, mula sa pagtulog ko hanggang sa paggising ay na tabi ko siya. Masaya ako kahit papaano at dahil sa sayang nararamdaman ko ay natatakot akong itanong sa kanya kung ano na ang nangyari sa relasyon nila ni Natalie. Sinabi

